Chapter 3

18 6 1
                                    

Nagising ako sa lakas ng katok ng pinto.
"Arabelle? Hija? Gising kana ba?" medyo alalang tanong ni Aling Glenda sa labas ng pintuan ko.Tumayo muna ako bago sumagot. "Opo Aling Glenda maliligo lang ho ako saglit" sabi ko. "Osige antayin nalang kita sa baba" sabi pa nila bago tuluyang umalis.

Humarap naman ako sa salamin at nakitang sobrang gulo ng ayos ko.Yung mga sugat sa tuhod at balikat ko hindi kona nagamot kagabi dahil sa sobrang pagod kaya naman ay naligo muna ako bago ito gamutin.Pagkatapos ayusin ang lahat ay bumaba nako para kumain at nang nakita ko si Aling Glenda na may pagaalala sa mukha habang tinatanaw ako pababa ay ngumiti na lamang ako."Tara,samahan mopo akong kumain Aling Glenda" yaya ko sakanila.Ngumiti naman sila bago tumango at sinaluhan ako sa pagkain.

"Ayos kalang ba hija? Wala bang masakit sayo? Narinig ko sa mga kasambahay yung nangyare dito kahapon sa bahay habang wala ako" nagaalalang sabi nila sakin.Ngumiti naman ako ng malawak kahit may parte sakin na gustong umiyak at yumakap sakanila pero pinigilan ko.Ayokong magmukhang mahina sa harap nila.

"Oo naman po,badmood lang po siguro sila.Alam nio naman po na lagi silang ganyan tuwing may problema sila.Ako ang napagbubuntunan pero sanay naman na po ako kaya okay lang" nakangiting sabi ko sakanila para hindi na sila magalala.Ngumiti nalang din sila bago pinagpatuloy ang pagkain.

Tinignan ko muna yung relo ko at 7:20 palang,maaga pa pero dumiretso nako sa unang klase ko.Pagdating don ay si Kyle agad yung nabungaran ko. 'Ang aga naman ata niya' sabi ko sa isip bago pumasok at umupo ulit malapit sa bintana.

"Good morning" ngiting bati sakin ni Kyle. "Morning" tipid na bati ko naman sakanya bago kumuha ng libro sa bag ko at magbasa na muna. "Ang aga mo ata ngayon ah" kausap niya sakin.Tinignan ko naman siya at tumango nalang. "Maaga kase akong nagising" sagot ko naman sakanya. "Ah okay" mabagal na sabi nalang din niya. And then silence enveloped us.It's weird kase wala nang nagsalita samin pagkatapos non.Nagsidatingan naman kaagad ang mga kaklase ko bago ang guro namen na si Mr.Nepumuceno.

It's already lunch time at nandito na kami ngayon ni Anne sa cafeteria para kumain.We're busy talking about something when my phone suddenly rang "Mom calling..." nagulat naman ako at tumingin muna saglit kay Anne bago lumabas at sagutin ang tawag.

"Mom?" medyo mahinang tanong ko at sumagot naman agad sila. "Come home early,may paguusapan tayo" medyo parang galit na sabi nila.Natakot naman ako kaya agad akong sumagot. "Sige po" sabi konalang din bago ibaba ang tawag.Bumalik naman ako sa upuan namin ni Anne at agad niya akong tinanong. "Who's that?" tanong niya. "It's mom,pinapauwi niya ako ng maaga dahil may paguusapan daw kami" alanganin na sabi ko sakanya. "Ow,okay" sabi nalang niya bago tapusin kumain.

Makulimlim nanaman ang kalangitan at nagbabadya nang umulan kaya naman ay binilisan ko agad ang takbo ko bago pa ako maabutan dahil siguradong malakas nanaman to.Pero kamalasan ay nabangga pako nang kung sino man to. "Ouch!" masakit na sabi ko habang hawak yung balakang ko dahil sa lakas ng pagbangga ko. "I'm sorry miss,here" sabay abot sakin ng mga gamit ko pero pagtayo ko ay nagulat ako dahil si Kyle pala yun. "Arabelle?" gulat na tanong niya sakin. "Bakit ka tumatakbo ng mabilis? Nagmamadali kaba?" tanong niya sakin pero dahil malapit nang umulan ay tumingin nalang ako sakanya at tumango bago ulit nagsimulang tumakbo.Hindi kona nagawang sagutin yung tanong niya.

Pagdating sa harap ng pintuan namin ay saktong biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. "Sawakas nakaabot pako" nakangiting sabi ko bago pumasok sa loob.

Naabutan ko naman si mommy at daddy na nakaupo sa sala namin habang blangkong silang nakatingin sakin.Kinilabutan naman ako at dahan dahan na lumapit sakanila.Naupo agad ako kaharap sila.

"M-mom,D-dad" medyo nauutal na tawag ko sakanila bago nagangat ng tingin at sinalubong ang mga mata nilang walang emosyon na nakatingin sakin.Nagantay ako ng ilang segundo bago nila napagdesisyunan na magsalita.

HER PAINNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ