Chapter 29

13.9K 575 71
                                    

Ozi

TATLONG araw na ang lumipas simula nang bumalik ako ng Italya. Hindi para kay Roziano kundi para sa mga pinirmahan ng kanang kamay kong si Amorsolo na kontrata sa clothing line ni Angelo Martinez at para sa mga ilan pang mga papeles.

Nagkaroon pa kami ng ilang formal meetings at kung ano-ano pa. Parang mali nga ata ang ginawa kong offer dahil hindi ko na nakita at nakasama si Sungit ng dalawang araw. Leche naman, oo.

Inayos ko rin ang dapat pang ayusin sa negosyo ko, tutal nakabalik naman na ako ng Italya. Iyon nga lang kailangan ko pang pagtaguan ang ama ko. Alam ko namang pagsasabihan niya ako na may ilang linggo nalang akong natitira tungkol doon sa sinabi niya o hindi kaya naman ay hindi niya na ako pababalikin sa Pilipinas. Alam ko na ang likaw ng bituka ng matandang 'yon.

He wants me to become his successor. Hindi sa kompanya niya kundi sa isang Mafia organization.

Fuck.

Alam kong kasali si Dad sa ganon pero kailanman hindi ko naisip na pati ako ay papakialaman niya tungkol doon.

I never wanted to become part of that fucking organization that is why I went to Philippines and live there. Pinipilit niya na ako bago pa man ang kasal ni Zyrone Olivier kaya tumakas ako noon.

Ngunit nang mahanap niya ako ay kasabay non nakahanap siya ng posibleng maging daan para sundin ko siya. And that is Amira Sayanarah Suarez I am talking about. He'll use her against me, para lang gawin ko ang gusto niya.

Damn that old man.

Zyrone Olivier is a Mafia Boss also, I knew about that. Ang organisasyon niya at ang organisasyon na pinamumunuan ni Roziano ay kabilang sa mas malaking organisasyon na tinatawag nilang RIO.

Ngayon ako naman ang gustong isunod ni Dad sa yapak niya.

Shit.

Actually I don't know what to do. I began to think about leaving Amira if I'll choose being part of the Vier Organization. Pero kung hindi ko naman susundin si Dad si Amira naman ang masasaktan.

I care about her of course. She was the girl I was looking for so long. She was the girl who cooked that Caldereta De Light in an international competition and won the title Iconic Chef Junior.

How could I even hurt her? She's too precious and important to me. Ayokong masali siya sa gulo. Ngunit ayoko ring iwan siya.

I like her.

I really do.

Kaya nga nang malaman kong naghire siya ng boyfriend ay ginawa ko ang lahat hindi lang magpakita at sumipot si Martinez para sa kanya, instead I was the one who showed up for her as her boyfriend. And I was really the happiest that time. Hindi ko man maamin noon ngunit sa tatlong araw na hindi ko siya nakasama at nakita, para akong binugbog ng reyalidad. Hindi na ako sanay na hindi siya kasama at makita kahit isang araw lang 'yan. I felt different feelings I've never had before with someone. Siya lang ang gumagawa sa akin nito.

I hate women with loud mouth, mga nakakairita, maarte, masungit, at maldita. But Amira is an exception. I like everything about her.

Lahat ng mga sinasabi ko sa kanya ay hindi kalokohan lamang. It was her who took it as a joke.

I'm serious. I like her. A lot.

Miss ko na rin siya. Hindi na ata ako sanay na hindi siya kasama araw-araw eh. Ewan ko ba. Ginayuma siguro ako non.

For three days I never stopped thinking about her.

Hindi talaga ako nagpaalam dahil baka hindi ako makaalis. Kaya kay Senator nalang ako nagsabi.

Mafia Boss 3: My Bodyguard Where stories live. Discover now