part #52

636 44 74
                                    

Bakit ang dami atang sasakyan dito sa garahi ng mansion" ani nanay na may pag tatakang naka masid sa mga mamahaling sasakyanng nakaparada sa malaking garahi. Mga mamahaling sasakyan na ngayon ko lang nakita' marahil may bisita ang mag asawa. Hindi malabong mangyari yun dahil nalalapit na ang 20 anibersaryo ng kanilang kasal.

Baka po may bisita ang pamilya nay trining' ani boyet na naka alalay saking katawan. Hindi pa ako gaanong nakakabawi ng lakas mula ng isugod ako ng ospital. Binalaan din aki ni doc na umiwas sa pagod lalo na sa stress dahil makakasama ito sa batang dinadala ko" maselan ang pag bubuntis ko lalo na at hindi naman ako normal na babae,.

Nay trining'...... Pag tawag ni ate mercy na palabas ng mansion,
Kumusta na po si angel? Ok ka na ba? Nag aalala kami sayo. Pati si sam tinatanong kung naka uwi ka na daw ba, ganun din si nigel at ang mga amo natin. Ani ate mercy sa nag aalalang tinig.

Maayos na ko ate' at pinalabas na din kami ng doctor, sagot ko sa kanya wag na kayong mag alala magiging maayos na ko. Pilit akong ngumiti sa kanya.

Mercy ano bang meron ngayon at ang dami atang sasakyan dito sa garahi? Ani nanay kay ate mercy? Bigla namang nag bago ang ekspresyon ng mukha nito ng sa akin ibaling ang kanyang tingin imbes na sagutin si nanay"

Ah" eh" ah" ano kasi nay" nag daop ang mga kamay nito at naka ngiwing pinag lalaruan ang kanyang mga daliri, parang may nais sabihin na hindi maka labas sa kanyang bibig,

Oh" bat hindi mo masabe mercy"? May problema ba? Tanong ulit ni nanay sa hindi maintindihang si ate mercy,

Anjan po kasi ang buong pamilya ni Angelica' sinugod po nila ang mag asawa upang ipag kasundo na si sir Nathaniel kay Angelica, dahil daw po may nangyari na sa dalawa." Kaya hindi makaka payag ang angkan nila na maagrabyado ang kanilang mahal na anak, lalo pa at nag iisang babae nila itong anak, yun po nay ang narinig ko" naka ngiwi itong nag paliwanag habang naka tingin sakin, bumaling din ang mga mata ni nanay at boyet sakin,

Ako" na parang itinulos sa aking kinatatayuan, biglang bumigat ang aking katawan. Na hindi ko maigalaw. Paralisado pati ang utak ko na ayaw gumana,


Angel" anak" pagtawag ni nanay sa akin. Niyakap ako nito ng buong higpit" dumaloy ang mga luha ko sa aking pisnge. Hindi ko pinigilan ang sarili kung lumuha. Kahit sa huling sandali man lang. Kasabay ang impit na hagulgul na nag paparamdam ng aking kabiguan at kasawian. Paulit ulit na lang na nasasaktan ang puso ko. Gutay gutay na ito dahil sa sakit!Unti unti akong pinapatay ng pag mamahal ko kay nathan. Unti unti na din akong namamatay. Bakit ganito ang kinahantungan ng pag iibigan naming dalawa. Akala ko noon wala nang hangganan ang pag mamahalan namin. Akala ko ako' sa kanya ay sapat na. Ngunit para akong sinasampal ng realidad na hindi talaga kami bagay sa isat- isa. Mukhang pumasok lang ako ng panandalian sa isang magandang panaginip. Panaginip na hindi nag tagal. At ang masaya at matamis na panaginip na yun ay nag mistulang bangungut na ngayon ay pumapaslang sakin. Kinikitil ang pag asang magiging maayos din ang lahat




Nay" ang sakit po" ang sakit sakit!

Mahigpit kung yakap sa aking ina. Para akong bata nitong mga oras na to na inagawan ng laruan. Hindi ko na alam pa ang mangyayari ngayon sakin" Samin lalo na at dinadala ko ang kanyang anak sa aking sinapupunan, paano na kami ngayon' paano ko ipapa alam sa kanya ang kalagayan ko. Baka isipin pa nila na nababaliw ako. Ako na isang bakla may kakayahang mag dalang tao. Walang maniniwala sakin. Baka pag tawanan lang nila ko.

Shhhh""""" anak tama na, makaka sama sayo yan, andito lang ang nanay hindi kita iiwan anak. Mag pakatatag ka lang. Para sa akin at para jan, naluluhang sabe ni nanay sakin,

Andito din ako angel" tutulungan ko kayo" hindi ko kayo pababayaan. Ani boyet habang hinihimas ang likod ko bilang pag konsula sa akin.

Nagtungo kami ng bahay pahingahan. Ngunit hindi pa ako nakakatagal sa aking pag upo ng pumasok si ate maria,

TRANSWOMAN LOVEWhere stories live. Discover now