part #4

1K 56 0
                                    

Bago sumikat ang araw gising na si angel para tumulong sa knyang ina. Umaga pa lng nagluluto na ang kanyang nanay ng mga ilalakong kakanin sa kanilang baryo' Pagkatpos nyang tumulong sa nanay nya. Pupunta naman sya sa labas para diligan ang kanyang mga tanim na gulay. Ganun din ang kanyang mga halamang bulaklak sa kanyang munting hardin.

Angel"" anak. Halika na at kumain na tayo ng agahan bago ako mag tungo sa  bayanan,

Opo nay tapusin ko lang po itong ginagawa ko' susunod na po ako'

Matapos kung  diligan lahat ng aking pananim ay nag tungo na ako sa kusina.

Wow sarap naman po ng ulam natin ngayon nay" naka ngiti kung puri sa mga niluto nya. Pinakuluang talong at okra, na may sawsawang ginisang bagoong na maraming bawang at sibuyas.

Ma upo ka na dito at ng makakain na tayo'

Habang kumakain ay nag paalam ako kay nanay na tutungo kami ng bundok.

Nay...pupunta po kami nila marie at boyet sa bundok ngayon upang manguha ng pang gatong natin. Paubos na po  yung mga kahoy na kinuha ko nong nakaraan. Dadaan po silang dalawa dito sa bahay mag kakasama na po kaming mag pupunta nang bundok.

Ganun ba" ay sige pero mag iingat kayo sa pagtungo doon. Wag mo nang ulitin ang pag akyat sa mga puno upang manguha ng orchids at akoy natatakot na baka ikaw ay mahulog' at saka Bago maka panang halian umuwi na kayo. Andito na ko bago mag alas dose. Ilalako ko lang yong kakanin sa bayanan. Ani ng kanyng ina. At kukunin ko na din yung mga pinalalabhan ni mrs, Martinez

Opo nay wag po kayong mag-alala hindi na po ako aakyat ng puno,

Nag ligpit na si angel ng pinag kainan nilang mag ina matapos nilang kumain, ganito nag sisimula ang araw nilang mag ina,  Pag katpos nyang mag ayos sa kusina ay nagtungo na sya sa ilog na malapit lang sa kanilang bahay upang maka ligo,

Angel nak. Yong mga binilin ko sau wag mo kalimutan.. nag iwan na din ako ng kunting kakanin para kay marie at boyet. Alam ko namang mahilig sa kakanin ang mga batang yun.

Opo nay ako na po ang  bahala. Ingat po kayo nay" paalam ko sa aking ina, matapos kung makapaligo ay nag bihis lang ako ng kupas na jogging pants at kupas na manipis na long sleeve, para kahit mapadaan kami sa madadamong daanan ay hindi ako mangati at masugatan, hindi ko din kinalimutan ang aking sumbrerong salakot upang hindi ako mabilad sa init,
sa balkonahi ko na lamang sila aantayin.

Good morning angel"
Good morning bff" bati ng dalawa sakin.

Good morning din sa inyong dalawa"

ganda natin ngayon friend ah fresh na fresh"  Dba boyet?? Ani marie

Pagtingin ko naman kay boyet nakatingin lang sya sakin habang namumula ang pisngi. Nagtataka ako sa kanya me sakit ba to... Kaya nag aalala ko syang tinanong.

Ah" Boyet me sakit ka ba?.. namumula yang mukha mo. Matapos yun ay hinawakan ko ang kanyang noo na lalo lang nitong ikina pula.

Hahahahaha... Malakas na tawa ng kaibigan kong si marie. Naka hawak pa ito sa kanyang tiyan at halos hindi maipinta ang mukha nito sa sobrang pagtawa..

Oist marie bakit ka tumatawa.? Tnong ko sa kanya. Napansin kung tumingin si marie kay boyet sabay sabing. Eh kasi bff si boyet kaya yan namumula dahil may cru.........
h

indi na natapos ni marie ang kanyang sasabihin ng hilahin ako ni boyet. Papuntang kusina

Ah. Angel gusto kong kumain ng kakaning luto ni nanay trining.

Ah. Ganun bah, halina  kayong dalawa.. pag aya ko sa kanilang dalawa ngunit bago kami pumasok nakita ko pa si boyeth na pasimpling tumingin  kay marie. Kakaibang tingin na parang nagsasabe na wag syang mag kakamaling mag salita. Pero d ko na yun pinansin. Bka nainis lang ito sa pag tawa ni marie..

Oh kumain na muna kayong dalawa. Para makalakad na tayo. Sabe ko sa knilang dlawa. Hinaiinan ko sila ng niluto ni nanay na puto at kutsenta. Meron ding biko" Habang kumakain si boyeth ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.. sa edad nya na labing tatlong taong gulang ay Masasabe kung batak na sa trabho ang kanyang katawan, ang mukha nya na parang maangas kung titingnan. May matangos na ilong manipis at mapulang mga labe na bumagay sa kanyang mukha. Makapal na mga kilay na bumagay sa kanyang mga matang kala mo ay nagsusungit kapag tinitingnan ka. At ang balat nya na kayumanging pantay ang kulay dahil sa pag kakabilad sa init ng araw, dahil sa pag tatanim ng palay sa kanilang sakahan,

Maraming batang babae ang nag kakagusto sa knya sa aming school. Hindi lang sa school pati narin dito samin sya ang gusto ng mga ka edad nmin ni marie, hindi ko lng talaga alam sa lalaking ito kung bkit hindi nya binibigyan ng pansin ang mga ganung uri ng pagtingin na inuukol sa kanya. Siguro dahil bata pa sya. Pero hindi mo yun mahahalata sa katawan at taas nya. D gaya ko maliit hanggang balikat lang ni boyet. Tpos ung katawan ko payat.. pero d nman sobrang payat sbe nga ni marie parang pambabae daw ung katawan ko na bumagay naman sa aking mukha, hindi rin ako tabain kahit gaano kadami ang aking nakakain  hindi gaya ni marie na may pagka chubby. Malakas  kumain tong babaeng toh. Buti hindi sumusobra ang taba.. maganda din si marie. Parang may lahing kastila. Maputing kulay ng balat àt mabilog na mukha, mahaba ang natural nà brown nyang buhok at ang pinaka gusto ko sa kanya ay ang kanyang mga singkit na mga mata, nawawala ito sa tuwing sya ày tumatawa,

Napatingin naman sakin c boyet. At nagsalubong ang aming paningin. Namula na naman sya na parang kamatis.. tapos nag baba ng ulo na parang nahihiya,

Ano kaya nangyayari dito sa lalaking to..??


TRANSWOMAN LOVENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ