part #7

802 41 0
                                    

Gaya ng bilin ni nanay umuwi kami bago mag tanghalian, marahil nasa bahay na din si nanay,

Nakarating kami ng bahay bago mag alas dose, nag-paalam na ring uuwi sina marie at boyet, masaya ako dahil nakuha ni boyet mula sa puno ang halaman na gusto ko, nag papasalamat din ako dahil walang masamang nangyari sa kanya sa ginawa nyang pag akyat sa puno'

Nay andito na po ako' tawag ko sa aking ina, alam kung nasa loob na ito ng bahay dahil naamoy ko ang masarap na niluluto nitong pananghalian,

Angel nak" andito ako sa kusina, sagot nito binuhat ko ang sako papuntang kusina at doon ay nakita ko ang nanay na may hinahalo na kung ano sa kaserola,

Nay" ano pong niluluto nyo' ang bango naman po,

Ah' ito ba, naka bili ako ng kunting karne ng baboy sa bayanan kaya nag luto ako ng kalderita, tinikman nito ang niluluto at ng matikman nitong ok na ang lasa ay inahon na nya sa kalan,

Mag ayos ka na, at nang maka panang halian na tayo,

Opo nay"

Oh buti naman at madami kang nakuhang pang gatong, ikaw ba nag buhat nyan. Mabigat yan baka nabalian ka? Nag aalalang tanong nito. 

Hindi po ako ang nag buhat nito, si boyet nay sya po ang nag dala, nag aalala po sya na baka mabalian daw ako kung ako ang mag dadala,

Napaka buti talaga ng batang yun"
Oh" sya mag palit ka na ng sout mo at aayusin ko na ang hapag ng makakain na tayo,

Nag tungo ako ng kwarto upang kumuha ng pamalit. Matapos yun ay nag tungo ako sa aming maliit na palikuran, matapos kung makapag palit ay nag tungo na ko ng kusina,

Halika na at mainit pa itong sabaw na ginawa ko,

angel.. malapit na ang graduation nyo' hindi ko na kakayanin ang pag aaral mo kung dito lang tayo sa bukid, hindi na kakasya ang kinikita ko sa pag lalako ng kakanin, kaya tinangap ko ang alok ni mareng salvi na manilbihan sa maynila, ipapasok nya ako sa pinapasokan nyang pamilya,Ka darating lang ng ninang  salvi mo buhat sa maynila..

Napatingin ako kay inay ng sabihin nya sa akin yon.. ang kumareng salvi na sinasabe ni nanay ay ninang ko sa binyag malapit din silang mag kaibigan ni nanay. namamasukan sya sa maynila sa pagkaka alam ko isa itong mayordoma sa mansyon na pinapasukan nya.. walang anak si ninang salvi sapagkat sya ay matandang dalaga.. bata pa lang sya ng mamasukan at doon na din sya nag ka edad.. madalang na lang sya kung umuwi dito sa San Sibastian..

Anak napag disisyonan kong mag trabaho sa pina pasukan ng ninang mo. Dahil hindi na sapat sa pag aaral mo ang kinikita ko sa pag lalako. Na kausap ko na ang ninang mo na kapag naka graduate ka na, susunod na tau sa kanya sa maynila..

Na lungkot ako sa sinabe ni nanay. ibig sabihin ng pag alis namin ay ang pag iwan ko nitong aming bahay  kung saan ako lumaki at nag ka isip. Pati na rin ang pag iwan ko sa mga kaibigan ko dito na sina marie at boyet.

Nay wala na po bang ibang paraan? Kailangan po ba talaga nating umalis Tanong ko kay nanay habang naluluha ako.

Anak kung meron lang sana akong ibang mapag kukunan oh mapag kakakitaan' hindi na natin kailangang umalis..
mas mapapa ganda ang lagay natin doon. Makakapag aral ka sa magandang school at ma ibibili kita ng mga bagay na gusto mo.. angel anak para sa iyo  itong gagawin ko

Ang kwento ni kumare mababait ang mga amo nya.'  alam nila na kasama kita anak pinag pa alam na ni kumare na kasama kita, Malamlam ang mga mata ni nanay habang sinasabe nya sa akin ito, alam kung nahihirapan din sya sa sitwasyon nmin.

Wala na kong masabe. Alam kung buo na ang desisyon ni nanay.. susulitin ko na lang ang mga natitirang araw ng pag sasama namin ng mga kaibigan ko.. sigurado ako na mag tatampo ang dalawa sakin ngaun lang kami mag kaka hiwalay na tatlo nakakq lungkot man ang mawalay sa kanila ngunit wala na akong magagawa,

Maaga akong nagising kinabukasan. Araw ng linggo. Hinanda ko na ang aking mga panindang bulaklak. Para mamaya ay wala na akong gagawin. Dadaanan  ako ng dalawa kong kaibigan para sabay sabay na kaming mag punta ng simbahan..

Angel anak.. hali ka na sabay na tayong mag agahan. Bago ako mag punta ng palingke, marami ang namimili ngayon at sanay maubos itong mga paninda ko ng may pandagdag tayo sa handa mo sa graduation " tawag sakin ni nanay.

Nasa bungad ng palingke ang  pwesto ng mga nag lalako ng mga kakanin. Kaya dagsa ang mamimili kung araw ng linggo, Kasama nya ang ibang tindera na gaya din nya na puro kakanin din ang ibinibinta'

Bago kami kumain ay  nag dasal muna kami para mag pasalamat sa diyos para sa mga biyaya naming natatangap ni nanay.

oh' anak ito ang gatas inumin mo. Pasinsya ka na kung madalang kita mabilhan nyan. Pinagluto din kita ng masarap na gulay.. alam kung paborito mo ang pakbit kaya nagluto ako.

Salamat po nay"

angel kausapin mo na si marie at boyet. Isang buwan na lang at magtatapos na kayo sa pag aaral.. para di naman sila nabibigla. Alam ko kung gaano kayo kalapit sa isat- isa

Opo nay. Balak ko pong  ngayon ko na sila kausapin.. malungkot kung sagot sa aking ina..

Hindi nagtagal at dumating na ang dalawa. Naka sout si marie ng bulaklaking lace dress na kulay pink na bumagay sa kanya. Maputi kasi si marie kaya bagay sa kanya ang kulay. Naka doll shoe's din sya ng kulay white, may kaya sa buhay ang kaibigan kung si marie, ang tatay nya ay isang magaling na engineer sa bayan namin. Marami itong hawàk na proyekto ngayon.

Samantalang ang kanyang ina ay isang guro sa private school dito din sa aming bayan. Kaya nag tataka ako sa babaeng ito kung bakit sa dinami dami ng school" sa public school pa sya nag aral gayong kaya naman ng mga magulang nya na pag aralin sya sa private"

Napagawi naman ang tingin ko kay boyet. Masasabe kong nagbibinata na talaga ito sa pananamit at pag aayos sa katawan. Naka sout sya ng asul na polo shirt. Ang pambaba naman nya ay pantalon na may punit sa harap. Hindi ko alam ang tawag sa ganung uri ng damit. Naka white rubber shoes din sya na bumagay sa damit nya
ang buhok nitong naka gell ay maayos na naka suklay' ang pogi ng kaibigan ko.. mas matangkad din samin toh ni marie. Hanggang balikat lang kami.

Ako naman ay naka sout ng simpling  baby pink na T-shirt na may mukha ni hello kitty sa harap. My Favorite color.. naka sout din ako ng pantalon na halos pumuti na sa kalumaan. Matagal ko na itong ginagamit. Iisa lang ang pang lakad kong damit. Gusto ko mang makabili ng bagong damit ay hindi ko na ginagawa, mas iniisip ko na lang na ilaan yun sa aking pag aaral, at pang gastos namin ni nanay'

Halos karamihan ng aking kasoutan  ay pang bahay at pang pasok lng sa school, ang iba dito ay bigay lang kay nanay ng kanyang mga suki. alam nila na may anak ito. Hindi rin naman ako  pala gala oh pala punta sa bayan. Kaya ok na sakin ang ganitong damit ang mahalaga ay ang malinis. Nag sout na lang ako ng  tsenilas na pang apak  wala naman akong sapatos na pang lakad.. kaya wala akong ma isout, ipinusod ko pataas ang humahaba kong buhok, upang hindi matakpan ang aking mukha,

Angel tara na... Aya  sakin ni marie.

Ako na ang mag dadala ng mga paninda mo angel' ani boyet,

Nakatingin pa sakin to at naka ngiti. Habang namumula ang pisnge.

Ang cute mo jan sa sout mo friend." Diba boyet. Àni  marie..

hindi ko rin naman narinig na sumagot si boyet. Pagtingin ko sa kanya nakatingin pa rin sya sakin na parang tulala,

Anoh ba nangyyari sa isang toh..?

Ay wala na natulala na sya hahaha"" Malakas na pagkakasabe ni marie..

Ang ganda mo  friend"" kaya ayan si boyet hindi  maka pag salita at natutulala.. how to be you po ba miss angel.? Hahahaaha. Tumatawang ani marie. Ako naman ay hindi makasagot at namumula lang..

Tara na nga". Para mabinta na natin toh.. at makapag simba na din baka mamya kung ano pa masabe nitong si marie". Namumula ito at parang hindi mapalagay ang kilos"nauna na itong mag  lakad samin samantalang si marie naman ay nasalikod ko at tawa ng tawa. Anoh ba nangyayari sa babaeng itoh", at palaging tinutukso si boyet, buti na lang at mabait tong lalaking to,

TRANSWOMAN LOVETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang