part #11

801 58 1
                                    

Kinabukasan maaga kami ni nanay na mag tungo sa bus station ng aming probinsya patungong maynila. Kasama namin si ninang salvi at ang dalawa kung matalik na kaibigan.

Oh" pano hanggang dito na lang marie/boyet. Lagi kayong mag iingat na dalawa, alagaan nyo ang sarili nyo. Muli kong nararamdaman ang lungkot at hindi ko mapigilang tumulo ang aking mga luha habang nag papaalam. Niyakap ko si marie ganun din si boyet na sobrang higpit ng yakap sa akin. Para bang ayaw  ako nitong pakawalan. Naramdaman ko din na parang nanginginig ang kanyang balikat. At ng tingnan ko sya umaagos na ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.. angel mag iingat ka don wag mo kaming kakalimutan ni marie. Wag mong pababayaan ang sarili mo. Pag nakapag tapos nako dito ng high school. Susundan kita doon. Doon na rin ako mag aaral. Sabe sakin ni boyet. Tanging impit na pag luha ang narinig ko kay marie, sinabe din nito sa kanya na ganun din ang  balak  nito na sa pagtatapos nila sa high school ay kakausapin nya ang mama nya na doon na din ito mag aral ng koliyo"

Pagkatapos ng paalaman ay sumakay na kami ng bus papuntang maynila. At bago kami umalis. Muli kong sinulyapan ang aking dalawang kaibigan sa labas ng bintana ng sasakyan kumakaway ng pamamaalam kasabay ng Muling pag agos ng aking masaganang  luha sa labis na kalungkutan.
Hanggang unti-unti na silang nag laho. Sa aking paningin. Kasabay nito ay ang pag darasal ko na maging maayos ang buhay namin ni inay sa lugar na aming pupuntahan.

Tanghali na nang makarating kaming tatlo sa pinapasukang mansyon ni ninang salve. Nasa bungad pa lamang kami ng tarangkahan ng bahay ay Hindi ko maiwasang mamangha sa laki at ganda ng gate nito. Malalaki at makapal na bakal na may disenyong ukit ng leon sa pinakataas kaliwat kanan. Magkaharap ang leon sa isat isa. Nababalutan ito ng kulay ginto. At sa ibaba nito papunta sa pinaka baba ay may desinyong bulaklak na nababalutan naman ng kulay na tanso. Habang ang mga pader na kulay puti ay halos kasing taas ng dalawang tao. Kaya hindi mo makikita ang mismong bahay. Sa mas maliit na gate kami dumaan. Nag door bell na si ninang salve. Maya maya pa ay may nag bukas ng gate isa itong gwardya na sa tantya ko ay nasa mahigit 45 taong gulang na.

Oh ikaw na pala yan salve. Ito na ba ang bago nating makakasama sa mansyon. Tanong ng gwardya. Oo sila na nga yan Rubin. Ito si trining ang matalik kong kaibigan sa probinsya. At kumare ko na din. Ito naman ang kanyang anak na si angel ang inaanak ko at anak ni trining.
Kinagagalak ko kayong makilala sabe nito samin,

Ay'' kaganda namang bata nitong si angel para syang isang anghel bagay sa kanya ang pangalan nya. Nakangiti si mang rubin habang sinasabe iyon sa akin. Pasok na kayo at tulungan ko na rin kayong mag buhat ng mga bagahi nyo naka ngiting paanyaya nito, pagkapasok namin sa gate na maliit. nakita ko ang loob pati na rin ang mismong mansyon. Napakalaki ng mansyon, dalawang palapag ito at pinaghalong  crema at brown ang kulay nito. Malawak din ang harapan ng mansion na nababalutan ng bermuda grass, sa pinaka gitna nito ay ang malaking fountain na may mga rebulto ng serena. Habang may hawak itong mga banga kung saan nangagaling ang tubig,

Medyo malayo ito ng kunti sa gate kaya hindi ito makikita kung nasa labas ka dahil sa taas ng bakod na pader, ganitong klasi ang nakikita ko sa aking mga aklat at, at kung hindi ako nag kakamali Spanish style ang tawag sa pagkakagawa nito na hinaluan din ng modernong desinyo na bumagay sa kabuuan. Nakikita ko lamang sa libro ang ganito ka garbo at ka laking bahay.. napagawi ang aking paningin sa kabilang bahagi ng mansyon kung saan napakarami ng ibat ibang uri ng halaman at bulaklak. May malaki din doong puno ng akasya habang ang iba ay puno ng fine tree na syang naka dekorasyon sa gilid ng bakod, na sya ring nag bibigay lilim at sariwang hangin sa loob ng bakuran' 

Pakiramdam ko nasa ibang lugar ako at wala sa syudad. May ganito pa pala kagandang lugar sa kabila ng pulosyon at basura na aking nababasa patungkol sa kamaynilaan, nagtungo na kami
Sa likurang bahagi nitong mansyon upang doon dumaan nila inay at aling salve. Dito ay mayroong isang bahay na hindi ganun kalaki at hindi mo naman masasabe na maliit. kumbaga sakto lamang ang laki. Pero para sa akin maayos itong tingnan dahil sa linis at organisado lahat. Kulay puti din ang pintura ng bahay. Nalaman ko kay ninang  na dito tumitira lahat ng kasambahay maliban sa driver at hardeniro na may ibang bahay panuluyan..  pag pasok namin sa loob ng bahay ay makikita mo ang maliit na sala. meron ding telibisyon. Kumplito sa kagamitan. Merong limang pinto ang bahay un daw ang mga kwarto ng mga kasambahay.  Isinama kami ni ninang salve sa kwarto nya. Doon kami tutuloy ni nanay. Sa pinaka dulo pang limang kwarto. Pagpsok namin sa loob. May dalawang kama ang isa ay double bed at ang isa naman ay single bed. Kami ang gagamit ni nanay ng double bed habang si ninang ay sa single bed naman.. may tig isa ding cabinet sa gilid ng dingding na malapit sa bintana.

TRANSWOMAN LOVEWhere stories live. Discover now