Part 4 : Patuloy na pagtigil

8 0 0
                                    

*tling... tling.. tling*




"Yung tunog! yun yung pamilyar na tunog..." ilang segundo bago maisip ni Hachi na parehas ang tunog na naglalaro sa isip niya at ang tunog na nagmumula sa babae. Hindi niya lang natukoy kung ano ang eksaktong lugar nito at kung anong bagay 'yon dahil nakalayo na ang babae kasabay ng dahan dahang pagbalot ng dilim.




"Kuyaa!" hindi agad napansin ng binata na tinatawag siya ng kapatid sa malayo.




"Oras na pala para umuwi." bulong niya sa sarili bago huminga ng malalim. Nagsimula na kasi ang magandang araw niya ngunit agad ding natapos. "Hindi bale may bukas pa naman..." 




"Kuya gabi na baka hinahanap na tayo nila lola dapat sabay tayong umuwi tulad ng napag-usapa-" "Alam ko Raquel...halika na umuwi na tayo." nagtaka naman ang kapatid niya dahil nginitian siya nito tila maganda ang mood niya. Ni hindi siya nagsusungit kahit na paulit-ulit na nagkikwento at nangungulit si Raquel sakaniya. Imbes na magtanong si Raquel ay sinulit na lang niya ang oras hanggang sa makauwi na sila. "Kuya..." sa huling pagkakataon susubukan niya kung talaga ngang nag-iba ang kuya niya. "Bakit?" "Minsan mas maganda rin yung hindi palaging babad sa internet no?" tanong ni Raquel.




Biglang bumalik sa alaala ni Hachi ang kagandahang namasdan niya bago lumubog ang araw. "Ahh... oo." sagot niya sabay pinipilit niya ang sariling hindi ngumiti.




"Nakauwi na pala kayo." bati ng Mommy nila. "Opo Mommy ang ganda po talaga dito. Lalo na po yung dagat, yung murang bilihin, yung mga hayop, yung mga libreng prutas at saka po yung sunset mommy ang ganda." puno ng galak na kwento ni Raquel.




"Mukhang nag-enjoy talaga kayo kuya inabot na kayo ng dilim." baling nito kay Hachi. "Opo ma." tanging sagot ni Hachi. "Sige na pumasok na kayo at kumain." Patuloy pa ring nagkwento si Raquel habang kumakain sila maging bago sila matulog.




Hiniling niya ring umulit kinaumagahan at pumayag naman ang magulang nila basta magkasama sila ng kuya niya at uuwing ligtas.




Malalim na ang gabi at tanging ang buwan at ang cellphone na lamang sa tapat ni Hachi ang nagliliwanag. Pinipilit niyang mag focus sa nilalaro niya pero distracted pa rin siya sa tunog na mula sa babaeng kanina niya lang nakita. "Nagkataon lang siguro yun. Tama, baka ganun nga." Maya maya pinili na niyang bitawan ang kaniyang cellphone. 



  "Kahit gabi dito maganda pa rin..."



"Sana tumigil ang oras." sabi niya sabay buntong hininga, unti unti na siyang napapamahal sa lugar na ito. "Para bang may malaking parte sa loob ko ang nagsasabing nabibilang ako dito." sa bagal ng takbo ng oras hindi na niya mabatid kung hanggang saan na umabot ang kaniyang pag-iisip na kung saan hiniling niyang manatili pa ng mas matagal na panahon.




KINABUKASAN nagpasiyang muli ang magkapatid na magtungo sa magkaibang direksyon at sabay na umuwi. Hindi alam ni Hachi kung bakit patuloy ang pagpedal niya patungo sa parehas na lugar kung saan niya nakita ang isang magandang dalaga.




"Hindi! pupunta lang ako doon dahil maganda ang pwesto pag pinanonood ang sunset at yun ang eksaktong lugar para magpahinga. Tama." sigaw niya sabay pinabilis ang kaniyang pagpedal.




Ilang minuto pa at nakarating na siya sa kaniyang destinasyon. Kaagad niyang nilibot ang kaniyang mga mata. Mas maaga siya kesa kahapon ngunit sa pagkakataong ito wala ang dalaga.



"Tama siguradong nagkataon lang ang lahat." nakaramdam ng pagkadismaya ang binata at pilit na kinukumbinsi ang sariling maliit na bagay lang yun na hindi na dapat pang isipin. Muli siyang nahumaling sa ikalawang pagkakataong makita niya ang karagatan.



 Maya maya pa narinig na niyang may paparating. Nilingon niya ito na sa di malamang dahilan gusto niya muling makita ang dalaga. Hindi nabigo ang binata sa hinihiling ng kaniyang makasariling isipan sa labis na tuwa hindi niya namalayang tinititigan niya na ng matagal ang dalaga.




"Anghel ba siya? bakit sobrang ganda niya sa liwanag ng araw?"  tanong niya sa sarili. Ilang segundo pa bago niya mapagtantong nakatingin na rin sakaniya ang dalaga. Agad siyang umiwas pero alam niyang huli na ang lahat at magmumukha na siyang misteryosong lalaki.





"Ah Ano ang ganda ng view sa may d-direksyon mo. H-hindi ko sianadayang tignan ka." pilit siyang humanap ng palusot pero mukhang hindi siya pinapansin nito. "Ano ba yon halatang siya yung tinutukoy kong maganda pero... mukhang di naman niya napans-"  napahinto siya sa pag-iisip nang marinig niya ang mahinang tawa ng dalaga. 




"Napansin niya..."  saktong titignan niya ito nang magtama ang mata nilang dalawa. Napahinto sa pagtawa ang dalaga at diretsong tumingin sakaniya. Maya maya pa'y sabay silang napaiwas. Nanaig ang katahimikan sa kanilang dalawa.





Binabalak sana ni Hachi na maglakas loob na kausapin na ang dalaga ngunit paglingon niya'y pasakay na ng bisikelta ang dalaga. "Sandali lang..." mahinang sambit  ng binata na hindi narinig ng dalaga.




"Dapit-hapon na." nasorpresa si Hachi sa isang tila malambing na boses na iyon. Sinulyapan niya ang dalaga na nakatingin sa direksyon niya. Nginitian siya nito bago tuluyang umalis. 



Nakangiti siyang minasdan ang paglayo ng dalaga at di namalayang ang araw ay nakalubog na.





"Hanggang kailan ka patuloy na titigil, Hachi..." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bisikleta sa Dapit-HaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon