Part 1: Huli't Simula

32 2 0
                                    

"Kailangan mong mag hinay hinay." paulit-ulit na sambit ni Hachi sa isip niya habang pinapanood ang kanina niya pang sinusundan na babae. Pareho silang nakasakay sa bisikleta ngunit ang babae ay walang pakielam sa peligrong pwede niyang kaharapin dahil sa tulin ng pagbibisikleta niya.


Sa wakas nagkaroon ng lakas ng loob ang binata na sumigaw para balaan ito. "Pwede bang...sandali la-AHHHHH!" sigaw niya nang magising sa isang panaginip. Hindi niya na maalala ang buong pangyayari ng magising siya ang alam niya lang may bumangga sa babaeng sinusundan niya. Normal lang ang ganitong panaginip sakaniya sa katunayan boring din ito kumpara sa mga panaginip niyang galing sa ibang mundo na gawa ng isipan niya dahil hindi siya madalas na nakikisalamuha sa tao.


Sa pagkakataong ito tapos na ang ikaapat na school year ni Hachi bilang isang high school student at ngayon na magsisimula ang summer niya.


*knock knock knock*


"Kuya gising ka na ba?" pagkatok ni Mrs. Co sa kuwarto niya. "Opo ma.." sagot niya. "Okay good. Bumaba ka na para sa breakfast. Pag-uusapan na natin kung saan tayo magsa-summer vacation." dagdag pa nito bago tuluyang bumaba.


"Okayyy..."


Habang nag-aayos ng sarili hindi maalis sa isipan niya ang mga magagandang lugar na pupuntahan nila mga rides, o beach o mountain climbing. Kahit saan basta mabawi niya ang mga araw na hindi niya nagagawa ang gusto niya dahil sa priority niya ang school.


Matapos ng ilang minuto bumaba na din siya nakasalubong niya ang nakababatang niyang kapatid. Si Raquel, kung susumahin ang mga taong mayroong inis kay Hachi siya ang pinakanangunguna sa lahat. Pinapangarap niyang magkaroon ng nakakatandang kapatid na susuporta at palaging makaka-bonding niya pero isang self-centered na kuya ang meron siya maging siguro ang mismong existence niya ay di rin binibigyang pansin ng binata.


"Good morning kuya!" bati ni Raquel sakaling magkaroon ng himalang pansinin siya nito pero bigo siya. "Pss...di man lang bumati" bulong niya . "Tama na yan at mag-breakfast na tayo." awat ni Mr. Co kay Raquel. "San niyo ba gustong pumunta ngayon?" tanong nito.


Si Mr. Christoper Co ang nagha-handle ng resort  na pagmamay-ari ng pamilyang Co. Madalas siyang busy sa trabaho at limitado ang oras niya sa pamilya kaya naman napag-usapan nila ni Mrs. Co na sama sama sila sa kalahati ng summer vacation.


"Daddy pwede pong doon na lang uli sa resort?" suggest ni Raquel. "Hmm. Ikaw kuya?" baling nito kay Hachi. "Kahit saan basta wag sa resort ulit." hindi sa kinokontra niya ang kapatid dahil sa katunyan maganda naman talaga doon dahil lahat ng kailangan nila ay nandoon na pero ibang lugar naman ang gusto niyang puntahan. "Kung gano-" hindi natuloy ni Mr. Co ang sasabihin niya dahil kay Mrs. Co. "Kung ganon...ako naman ang magdedecide" turan nito. "Sigurado namang maganda ang naiisip ni mama." bulong ni Hachi sa sarili.


"Dun tayo ngayon sa probinsya namin tutal napuntahan na natin ang sa daddy niyo at ang mga lugar na gusto niyo." napahinto si Hachi pagkarinig ng sinabi ng mama nila. Pero ni minsan hindi pa naman niya naririnig ang tungkol sa lugar sa side ng mama niya. "Probinsiya ma? dun po ba sa kinikwento niyong tinitirahan ni lola?" tanong ni Raquel. Napaisip naman si Hachi ni minsan di siya nakarinig ng kwento tungkol sa lola nila... o dahil siguro di lang siya nakikinig talaga.


"Probinsiya? hindi na rin siguro masama" bulong niya sa sarili.

Bisikleta sa Dapit-HaponTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon