Hinarap ko si Kenzo. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi. "You need that. Hindi tayo matatahimik kung hindi kayo magkakaroon ng closure ni Fidez. Bestfriend kayo, hindi din biro ang pinagsamahan niyo" pagpapaintindi ko sa kanya. I'm trying to be mature here. Masyado akong tinamaan sa mga pinagsasabi ni Fidez kanina, kung makaduro siya sa akin at makatawag ng bata akala mo naman talaga sobrang laki ng age gap namin.


Dahan dahang inilapit ni Kenzo ang mukha niya sa akin. Sandali niya akong hinalikan bago niya pinagdikit ang noo namin. "Thank you, baby" malambing na sabi niya sa akin kaya naman nginitian ko siya.


Late na kaming nakatulog pareho ng gabing iyon. Mahimbing pa ang tulog ni Kenzo pagkagising ko kinaumagahan. Dahan dahan ang nagawa kong paggalaw para hindi siya magising. Napangiti ako ng makita ko kung gaano siya kapayapa kung matulog. Kahit sino atang makakita sa kanya sa tuwing umaga ay mas lalong maiinlove sa kanya.


Naka itim na boxer at ang puting kumot  na nakalagay sa kalahati ng kanyang katawan lamang ang nagtatakip sa kanya. Kahit tulog at kitang kita pa din ang tigas ng muscles niya sa braso at buong upper body niya.


Pumasok ako sa banyo para maligo. Pagkatapos nuon ay lumabas ba ako sa kitchen para maghanda ng breakfast naming dalawa. Aalis kami pareho ngayon papunta sa school. May aasikasuhin siya samantalanag ako naman ang kukuha ng summer class schedule para sa aming dalawa ni Abby. Hindi pa tapos ang enrollment kaya naman paniguradong marami pang tao duon. Dadaan din ako sa dorm para ayusin ang ilang gamit ko. 2 weeks from now magsisimula ang summer class kaya naman medyo matatagalan pa ako sa bulacan.


Magprito ako ng bacon at sunny sideup egg. May fried rice din at wheatbread. Mas gusto kasi ni Kenzo ang heavy breakfast. Ako naman ay hindi, minsan nga ay pumapasok ako na walang kain, basta ay makainom lang ako ng kape. Inaayos ko ang dinning ng bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Naamoy ko kaagad ang kanyang shower gel, nakaligo na din siya.


"Morning" bati niya sa akin. Nginitian ko siya, nang tuluyan siyang nakalapit sa akin at tumingkayad ako para mahalikan siya sa pisngi.


"Kain na tayo ng breakfast" yaya ko sa kanya. Tinanguan niya ako, paupo na sana kaming dalawa ng muling tumunog ang kanyang cellphone. Tahimik siyang umupo kasama ako.


Ako na ang naglagay ng pagkain sa kanyang pinggan. Pinapanuod niya ang ginagawa ko habang nakikinig sa nagsasalita sa kabilang linya.


"I'm sorry po tita. Yes po. Susubukan ko po"


Bayolente akong napalunok at kaagad ba nagiwas ng tingin. Malakas ang kutob kong Mommy iyon ni Fidez. Ayokong makita ni Kenzo na apektado ako, I want to be matured. Gusto kong magtagal ang relasyon namin kaya naman hindi ako magdedesisyon ng padalos dalos. Papatunayan ko kay Fidez na I am matured enough for this kind of relationship with Kenzo. He deserve that, Kenzo deserve someone who is mature as him.

Ibinaba ni Kenzo ang kanyang cellphone. "Thanks" malambing na sabi niya sa akin matapos kong asikasuhin ang kanyang pagkain. Tipid ko lamang siyang nginitian.


Si Kenzo na ang nagpresinta na maghugas ng pinagkainan namin pagkatapos ng breakfast. Hinayaan ko na siya. Nagayos na ako para makaalis na kami, sigurado daw kasing mahaba ang pila ngayon sa medicine registrar office kaya naman pagkatapos kong makuha ang schedule ko ay magstay na muna ako sa dorm.



"Ok lang sa akin kung hindi tayo sabay na maglunch. Sumama ka muna sa mga friends mo" sabi ko sa kanya habang nasa byahe kami papuntang fatima. Nagtaas ng kilay si Kenzo ng sandali siyang sumulyap sa akin.



The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Where stories live. Discover now