K13

88.5K 2K 31
                                    


[FLASHBACK]

Nitong nagdaang araw ay hindi ko mapigilang isipin na mayroong nagbago kay Luigi. Bukod sa mas madalas pa itong hindi pumasok, late, odi kaya tulog sa klase. Naisip kong baka masyado lang hectic ang schedule nito sa masteral class.

Gaya ngayon, sa tuwing magkakaoras kaming magkasama nandito lang kami sa loob ng kotse nya nakatambay. Tulog na naman kasi ito.

Napatingin ako sa mga gamit nito. Nitong mga nagdaang araw kapansin pansin din ang madalas na paghawak nito ng cellphone na para bang laging may hinihintay na tumawag o' magtext.

Nakatingin ako sa phone nito nang bigla itong tumunog. Isang mahabang calling number ang nakita ko. Mukhang international call? Dahil sa ingay ng phone ay nagising ito. Tumingin pa muna sa akin bago lumabas ng sasakyan at sinagot ang tawag. Nakikita ko sya mula dito sa labas...Masaya ang mukha nito habang kausap ang nasa phone, di mo man lang mahahalata na kanina parang antok at stress ito.

Ayokong mag-isip ng kung ano pero di ko mapigilang kabahan sa mga ikinikilos ni Luigi. Paano kung isang araw sabihin nitong ayaw na nya? 'Hindi ko na ata kaya..' Hindi..naniniwala parin ako sa mga sinabi ni Luigi. Wala kaming problema.

Naisip ko nga...kung sabihin ko na kaya na mahal ko na siya? Hindi pa naman sinasabi ng lalaki sa akin na mahal nya ako pero pakiramdam ko naman hinihintay lang nito na ako ang mauna. Naalala ko kasi yung sinabi nito na hindi nya ako pagmamadaliin. Tama..

"Luigi..." tawag ko rito. Dere-deretso kasi itong lumabas matapos humalik sa pisngi ko. Iyon ang isa pang napapansin ko, sa pisngi na lamang ito humahalik..hindi naman sa gusto ko parating sa labi, iyon nga lang pakiramdam ko hindi si Luigi ang kaharap ko pag hindi ganoon ang nangyayari.

"What?" Nagulat ako sa naiiritang tono nito.

"Sorry..Gusto ko lang naman kasing itanong kung saan ka pupunta.at kung magtatagal ka ba doon?" Kumunot ang noo nito at bumuntong-hininga. Niyakap ako nito at hinalikan sa noo.

"I'll see you later ok? Dadaan ako sa dorm mo.." iyon lang sinabi nito at umalis na.

"Sam! Di ka pa ba papasok?"umiling ako sa tanong ng dormmate ko.

Ilang beses ko na syang kinocontact pero puro ring lang ang narinig ko. Hinihintay ko kasi siya dito sa labas ng dorm. Ang sabi niya ay dadaan sya dito. Gusto ko na kasi sana syang makausap. Nakapagdesisyon na akong sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Kanina pa nga ako pinapapak ng mga lamok.

"Last na.." bulong ko sa sarili. Idadial ko ulit. Nagring ng tatlong beses pero laking gulat ko nang magbusy tone na ito. Binabaan niya ako? Napakagat ako ng luha dahil naiiyak na naman ako. Marahas akong tumayo at pumasok na. Napapraning lang siguro ako. Bukas..magkikita rin naman kami. Nagtext muna ako kay Luigi ng 'good night' bago matulog.

"Go Skyler!!!" Sigaw ng mga kababaihan. Naisipan ko kasing tumambay dito sa field para makita ng personal ang training ni Skyler ng archery. Ang gwapo nitong tignan habang hawak ang bows ang arrows. Ang cool talaga ng lalaking ito. Kung ang iba basketball ang paboritong laruin, ang lalaking ito ay palaso.

Tumingin ito sa akin at sumaludo. Iyon ang tipikal na pambati nito sa akin. Namangha ako ng tamaan nito ang bullseye.

"Hey!" Bati nito sa akin. "Pinapanood mo ba ako miss?" Natawa ako sa tanong nito.

"May gusto lang sana akong itanong Skyler.." napatigil ito sa pag-inom ng bottled water.

"What is it?"

"Tungkol kay Luigi.." nakita kong medyo inis ito kaya ibinaling ko ang tingin sa mga kamay ko. May problema kaya? Kaya ganoon na lang ang reaksyon nya?

The Badboy's ReturnDär berättelser lever. Upptäck nu