Chapter 15 - Outing (Part 2)

3.3K 133 9
                                    

YURI'S POV

Nagulat ako sa sinabi ni Jimin. Oo siya ang nagsabi nun. Biglang tumulo ang luha ko. Sunod sunod ang pagpatak nito.

"Shhh. Im just here." Hinahagod niya lang ang likod ko. Ng medyo maayos na ako umakyat na kami sa eroplano. Dun ako nakaupo sa may bintana. Nahihilo kasi ako kapag sa gitna ako.

Maya maya umandar na yung eroplano.

Nasa kabilang side namin sila Jungkook at Felice. Napatingin ako sa kanila ang saya nila. Sobrang nakangiti si Jungkook. Mahal niya nga talaga si Felice. Hindi pa kasi siya ngumingiti ng ganyan sa akin.

Hay nako Yuri matulog ka nalang muna. Isang oras lang naman ang biyahe.

----

Nandito ako sa bahay ngayon. Ang boring nga eh. Walang magawa.

"Yuri!" Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Jungkook.

"Oh bakit?" Sagot ko

"Miss na kita." Feeling ko naginit ang mukha ko sa sinabi niya

"Hay nako. Bakit ka ba pumunta dito? Para lang sabihin yan?" Nakakainis naman kasi kung wala lang siyang pinunta dito.

"Tara labas tayo." Hinigit niya na ako palabas ng bahay kaya wala na akong nagawa. Naglakad lang kami papunta sa park.

Di naman ganun kainit kasi 8 palang naman. Vitamins nga daw yan kapag naarawan ka basta hindi pa lalagpas ng 9.

"Tara doon tayo!" Pumunta kami sa may bench.

"Alam mo ba Yuri. May nagugustuhan na ako ngayon?" Sabi niya at tuwang tuwa pa siya

"Talaga? Sino?" Syempre bestfriend niya ako kaya dapat niya lang sabihin sa akin kung sino

"Secret!" Bumelat pa siya. Para talagang bata.

"Daya mo! Hmp!" Tumawa lang siya kaya tumawa nalang din ako

"Libre mo nalang muna ako!" Yung totoo? Sino ba talaga ang babae sa aming dalawa?

"Tse! Di ba dapat ikaw ang manglilibre kasi ikaw ang lalaki?"

"Linoloko lang kita! Syempre ako talaga ang manglilibre!"

Sinamaan ko lang siya ng tingin pero ang loko tumawa lang.

"Halika na nga!" Hinatak niya nanaman ako -.-

Ginawa ba naman akong hatakan? -.- Enebeyen.

"May ibibigay ako sayo!" Sabi niya

"Ano naman yan?" Nacurious naman ako

"Pikit mo muna mga mata mo."

Pinikit ko nga ang mga mata ko.

At may naramdaman akong malamig sa leeg ko. Necklace pala.

"Yan ang friendship necklace natin. Wag mong iwawala yan ah?" Meron nga ako nasaan naman yung kanya?

"Asaan yung sayo?" Tanong ko

"Suot ko na." Pinakita niya sa akin ang necklace niya. Key yung akin tapos sa kanya yung lock.

"Salamat at dumating ka sa buhay ko Yuri. I love you." Unti unti niyang nilapit ang mukha niya ng......

"Yuri! Wake up!"

"Yuri nandito na tayo!"

Nagising ako ng gisingin ako ni Jimin. Nandito na pala kami sa Catiklan. Hay grabe ang panaginip ko! Bakit siya pa? Huhuhu T^T

Marrying HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon