Sumulyap siya sa kaniyang kama. Wala na doon ang maleta niya. Marahil ay binitbit na ni Zarrick kanina.

Mabigat parin ang kaniyang dibdib nang bumaba siya sa parking lot. Lulan parin ng sakit at awa para sa kaibigan.

"Sakay" madiin ang pagkakasabi ni Zarrick noon. Nakasandal ito sa puting Van at mariin ang titig sa kaniya.

Hindi niya ito napansin sapagkat tulala parin siya. Naglalakbay parin ang kaniyang isipan sa kaibigan.

She looked at Zarrick who was now looking at him with his blazing eyes. Galit pala ito sa kaniya pero saka na niya iisipin ang pakikipag-usap dito, mamaya kapag narating na nila ang hotel. Hindi pa sila nag-uusap ng maayos ni Zarrick.

"Sakay" inuutusan pala siya nito.

Erriah looked at Zarrick. Tumaas ng kusa ang kaniyang kilay dito pero mukhang hindi gagana ang pagtataray niya sa lalaki dahil hindi nawala ang malamig na awra nito. Binuksan ni Zarrick ang Van at pinauna siya nitong sumakay. Wala siyang nagawa kundi sundin ang lalaki.

Hanggang sa makarating sila sa bahay ni Duke ay ganoon parin ang mukha ni Zarrick. Walang mababakas na tuwa kahit na ilang beses na siyang nag-attempt na pakiligin o patawanin ito. Galit talaga ang binata sa kaniya.

Umirap siya sa hangin.

Kitang kita niya ang pagdadrama ng kaniyang ate Harrietta at si Duke. She saw Kian on him. Parang ganoon ang sitwasyon ng kaibigan, but her kuya Duke is more stronger than Kian. Nakita niya na kasi kung paano nagbreak down ang kaibigan noon. Napakasakit sa pakiramdam. Wala siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga. Dumaan ang mata niya kay Zarrick na masama nanaman pala ang tingin sa kaniya. Kung pangkaraniwang sitwasyon lamang 'yon ay matatawa na siya dito, pero seryoso ang inis nito ngayon.

Dumungaw na siya sa kaniyang ate. Si Dion naman at Lion ay sumakay na sa likuran nila, abala na sa pagkaing dala-dala nila ni Zarrick.

"Para naman kayong maghihiwalay ng milya-milya kung makapag-emote kayo diyan" she beamed. Hindi niya pinansin ang masamang tensyon sa kaniyang tabi.

Harrietta made a face at her. "Shut up" muli itong tumingin kay Duke. "And I wish for your happiness too, Duke"

And she wishes for Kian's happiness too. Kahit kailanman kasi ay hindi siya ang tunay na magpapasaya sa lalaki. Napatingin siyang muli kay Zarrick na busangot parin ang mukha. Isinara agad nito ang sasakyan nang makasakay na si Harrietta. Hindi pinagbigyan ang kaniyang ate na magpaalam muli kay Duke. Dahil doon ay bumaling sa kaniya ang kapatid, nagtatanong ang mga mata kung bakit galit ang leon.

Erriah shrugged her shoulders. "Malay ko diyan, may dalaw yata kaya ganyan. Yaan mo ate, pakain natin sa mga cannibal doon" pinili na lamang niyang huwag sabihin sa kaniyang kapatid ang problema. Marami na itong kinakaharap na sariling problema kaya hindi niya na ito hahayaang pati siya ay problemahin pa nito.

Zarrick hissed at her.

"You can ditch that concert" he was still pissed. Aba't talaga namang tinamaan ng magaling ang binata sa sinabi nito.

"Zarrick, I can't. Ilang araw na akong hindi sumasama sa mga event na dinadaluhan namin. Sa mga contract na dapat ay kasama ako dahil nandito sa Pilipinas. Hindi ako pwedeng hindi umattend ng concert dahil magtataka na ang mga fans namin. Ilang events na ang wala ako. Ang dami na ngang haka-haka na aalis na ako sa grupo"

"Then so be it. Doon din naman ang punta mo"

Hindi makapaniwalang nakatingin siya dito. Ang concert ba ang kinaiinisan nito o ang narinig nito kanina sa pag-uusap nila ni Kian. Hindi na niya kailangan pang itanong. Alam naman niya ang sagot.

Sumusukong napabuntong hininga siya. "We'll talk about it later"

Gumawa nanaman ng tunog na naiinis si Zarrick. "Later again? Is that always the case? You always ignore me when it comes to this. Why? Are you afraid about something? Who is he? You even fcking said you love-"

"Zarrick!" Mariin niyang bulong dito. Kaunting napatingin sa kaniya ang kaniyang kapatid. Kumunot ang noo nito pero hindi naman nagtanong, inabala na lamang nito ang mga anak. She tried to let him know that Lion and Dion were also there. Naiinis na din siya dito. "I promise to talk to you about this matter, but not now. Please, calm down. I'm still yours and I love you"

Doon lamang tila kumalma ang kalooban ng lalaki. Wala itong nagawang nanahimik na lamang habang tumitingin sa labas ng sasakyan.

"Sa building nila Zarrick tayo pupunta,ate. Naroon raw ang chopper nila, 'yon ang magdadala sa atin papunta sa Bohol. Part na ng Central Visayas ang Bohol kaya kailangan natin ng chopper"

Mukha naman itong nagulat sa kaniyang naturan. "Wait, sa Saavedra building tayo?"

Gustong niyang mapangisi ngayon pero hindi niya ginawa. Baka masabunutan pa siya ng kaniyang ate kapag nalaman nito ang pinaplano nila ni Zarrick. Maayos nilang napag-usapan kagabi kung paano pagbabatihin ang dalawa. Sa huli ay naawa din siya kay Zarrick dahil nagmamakaawa talaga ito na ipaalam sa kapatid ang tungkol sa kambal. Gusto na rin naman niyang umayos ang buhay ng kaniyang ate Harrietta.

"Scared? Aren't you?"

Napatingin siya kay Zarrick at sinungitan ito. "Magtigil ka nga, Zarrick, baka hindi ako makapagtimpi at mahampas ko sa'yo tong hawak kong chichirya" iniamba niya ang hawak ngang chichirya sa binata. Kailangan niyang magpanggap na inosente dahil lagot siya sa kaniyang kapatid pagkatapos ng kanilang plano. "Huwag kang mag-alala,ate. Zarrick told me, Leandro is out of town, wala siya doon"

Sorry, ate. After this, you will be happy. She whispered to her mind.

Nang narating nila ang Saavedra building ay nagtatampo parin si Zarrick sa kaniya. Dumidikit siya dito pero nilalayuan siya nito. Inis niya tuloy pinabuhat dito ang maleta niya. Hinawakan na lamang niya ang kamay ni Dion na nagyayabang nanaman tungkol sa papa nito na si Duke.

Nang papalakad na sila patungo sa elevator ay nagrereklamong nagsalita si Zarrick. "Why are you even bringing this luggage, Erriah. We're just going to stay there for three days, and you know that"

"Pwede ba, Zarrick, huwag mo'kong artehan. Sa laki ng mga muscles mo mani-mani lang 'yang paghila ng luggage ko. Isa pa, gusto kitang nahihirapan para naman bumawi ka sa hirap na naranasan ko sa'yo" she rolled her eyes at him but Zarrick seemed not to mind it. Sumimangot lamang ito.

Nang makarating sila sa rooftop ay sumenyas siya kay Zarrick na magbehave ito. Ito kasi ang magpapalipad ng kanilang sasakyan. Wala namang duda na mahusay ito sa ganoong sasakyan. Isa yata itong Saavedra.

"Umayos ka, Zarrick, hah! Naku, kapag ikaw nagloko sa pagpapalipad nito, ihuhulog kita" she babbled. Inayos niya muna ang kaniyang damit bago naunang sumakay sa chopper.

Pagkatapos ni Zarrick makipag-usap sa mga tauhan ay umakyat na ito. He checked them if they are safely secured and then Zarrick looked at her. Umirap siya dito. Seryoso naman si Zarrick nang ayusin nito ang kaniyang pagkakaupo. Chineck pa nito kung safe siya at hindi mahuhulog sa eroplanong iyon.

"You all ready?" He asked.

"Huwag ka na magtanong. Just fcking show what you've got. Paliparin mo na" naiinip niyang sabi.

They glared at each other.

Then Zarrick said, "Stop cursing, woman. You don't know how you turned me on"

Mukhang okay na naman si Zarrick. Marahil ay nawala na dito ang narinig na pag-uusap kanina. Napangiti siya, hindi niya napigilan ang sarili na halikan ito sa pisngi. Pagkatapos niyang halikan ang binata sa pisngi ay namumula ang tainga nitong umiwas ng tingin sa kaniya.

She just smiled at that.

This is the start, ito talaga ang umpisa dahil pagkatapak nila sa Bohol ay doon niya bibigyang daan ang mga kasagutan sa lahat ng tanong sa kaniyang isipan. Zarrick will give that to her.

She looked at Zarrick when she felt his hand holding her. Pumisil 'yon doon pagkatapos ay sumulyap ito sa kaniya.

"I love you" he mouthed.

"I love you too"

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now