FOURTY FOUR

10.6K 217 5
                                    

Isang malambot na unan ang bumungad kay Erriah kinabukasan pagkamulat ng mga mata niya. Wala na sa kaniyang tabi si Zarrick, bakante ang pwesto na nasa kaniyang tabi. Hindi maganda ang naging pag-uusap nila kagabi. Hindi parin mawala sa kaniyang isipan ang naging reaksyon nito ukol sa pagkakasabi niya na tatapusin na lamang niya ang pinaplano nilang susunod na album bago sila magpasyang magpakasal. Tutol si Zarrick sa sinabi niya, ngunit wala itong nagawang umalis na lamang kagabi at mukhang hindi nga ito bumalik mula pa nang lisanin ng binata ang condominium nito.

She picked her phone and dialed his number but she got dismayed when she heard it ringing under his pillow. Nakita niya nga doon ang cellphone ng binata. Mukhang hindi nito dinala ang aparato.

Hindi naman kasi ganoon kadali. Kailangan niyang tapusin ang kontrata at kailangan niyang bumawi sa mga kasamahan niya. Isa pa'y, wala siya ngayon dito kung hindi kay Cheska.

Zarrick will eventually understand, she believes on him.

Nagpasya na lamang siyang maligo at mag-ayos. Hahanapin niya ito kina Diego o sa kaniyang kuya Leandro na lamang, sigurado naman siyang alam ng kapatid kung nasaan ang lalaki.

Ngunit papasarado pa lamang siya ng pintuan ng kanilang kwarto ay nahinto na siya. Narinig niya ang maingay na pagsasayaw ng kung ano sa mantika. Mukhang may nagpiprito ng kung ano sa kusina. When she went there, she saw Zarrick frying egg and hotdogs. Nasa lamesa na rin ang sinangag na kanin at mga prutas na nakahiwa na din.

Zarrick turned to her and smiled, anger was no longer on his face. Hindi kagaya ng kagabi na tila hindi niya kayang paamuhin ang lalaki.

"Where did you sleep? You went out last night" 'Are we okay?' gusto niya pang idugtong ngunit pinili na lamang niyang pakiramdaman ang lalaki.

Nagpasya siyang umupo habang hinihintay ang pagsagot nito. Ang akala niya ay hindi siya nito papansinin ngunit nagkamali siya. Hindi talaga siya matitiis ng lalaki.

"I..." Huminto ito sandali, maging ang kamay sa pagbabaliktad ng itlog, "I slept on the couch"

"You could just sleep beside me, Zarrick"

"Erriah, please. Let's not ruin our morning?"

Malamlam ang mga mata ni Zarrick kaya wala na din siyang nagawa kundi ang bumuntong hininga.

"Kimmy texted me. Nasa Pinas na raw sila kanina pang madaling araw"

Tumango na lamang ito.

Natapos ang kanilang almusal nang hindi na muling kumibo pa si Zarrick sa kaniya. Ang buong akala niya ay ganoon na ito hanggang matapos ang araw ngunit napabuntong hininga na lamang siya nang maramdaman niya ang pagyakap ni Zarrick sa kaniya mula sa likuran.

Nag-aayos na siya upang umalis at puntahan ang kaniyang mga kasamahan para sa kanilang rehearsal. Hindi siya handa, pero sinabihan na din naman siya ni Cheska na kailangan niya lang mamemorya ang kaunting steps pagkatapos ay ang ibang myembro na ang bahala na mag-fill up para sa kaniya.

"I will buy our tickets"

"At sinong isasama mo?"

"My friends, you and your group need our supports"

Napangiti siya. "Marami kaming supporters, Zarrick"

"Iba parin kapag ako ang sumoporta"

Mas lalo siyang nangiti dahil doon.

Nang makapag-ayos ay niyaya niya na ito. Ang lalaki kasi ang maghahatid sa kaniya, idadaan lamang siya ni Zarrick pagkatapos ay tutuloy na din ito sa kompanya upang mag-asikaso roon ng naiwang trabaho ni Leandro. Nasa Villa Larra kasi ang mag-anak ngayon at doon muna mamamalagi ng ilang araw.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONOnde histórias criam vida. Descubra agora