"Hindi kita maintindihan!"

Tinanggal ko ang kamay niya sa bewang ko at nag tungo sa parking. I'm really exhausted sinabayan pa ako netong topakin kong boss.

Ramdam ko na naka sunod siya sa'kin kaya naman humarap ako. "Sinusundan mo ba ako?"

Tumaas ang sulok ng labi nito. "No, bakit naman kita susundan? sino ka ba? Ayan kotse ko oh"

Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng sakit sa dibdib sa sinabi ng binata. Pero pinag sa walang bahala nalang niya yon. Iba talaga epekto sakanya neto ni Vanderyx at alam niyang delikado yon.

Nadismaya siya, pero sino nga ba siya? Secretary lang naman.

Bwisit ka Salazar!! Sigaw niya sa isip niya.

"Okay" sabay pasok ko sa kotse. Diko na pinakinggan ang sinabi niya. Wala naman ako pake.

Nakakainis na nakakairita. Diko alam ano problema ng puso ko at bigla nalang sumakit. Hinimas ko ang ang dibdib ko. "Mali yan, self, mali yan."

Nag tungo na si Piarlyza sa kanyang bahay. "Daddy, miss na miss na kita kasama. Simula ng iwan ako ni mommy, kinalimutan ko na ina ko siya. Daddy, I feel so exhausted right now. Sana kasama mo nalang ako dyan. Andaya mo"

Tinuyo ko ang aking luha habang nakatingin pa rin sa kawalan.

Dumeretso na ako sa kwarto. Naligo at ginawa ko ang aking night routine.

Napaharp si Piarlyza ng tumunog ang phone niya.

Nakalagay lang don ay 'did u get home safely?' 'di niya alam kung kanino galing yon kaya naman di na siya nag reply.

Dumiretso na siya sa kama niya at hinayaan niya na lamunin na siya ng antok.

.......

"Miss Rezcio, mag order ka ng coffee sa labas, please"

"Piarlyza, papirmahan mo 'to kay Sir Salazar"

"Rezcio, pa pasa naman oh?"

"Piarlyza! pwede pasuyo? pleaseee"

Balik balik ako sa office at akyat baba nanaman. Hindi ako sanay sa ganitong trabaho. At konti nalang aalis na ako. Mag hahanap nalang ako ng manager na hahawak sa'kin para mag model ako.

Yun naman kasi talaga ang pangarap ko dati pa, pero naudlot ng mamatay si daddy. O kaya bumalik ako sa dati kong trabaho. Sa dragons... kamusta na kaya sila?

Pa akyat ako ng makita ko si Kenzo patungo sa kinaroroonan ko.

Kumaway siya sakin at ngumit naman ako sakanya. "Hey Miss Rezcio, you look tired. Sa pag kaka alam ko secretary ka ni Ryx, pero hindi ka utusan ng office mates mo."

"Yeah, I know." Pagod akong ngumiti kay Kenzo.

Mabait sa'kin dati pa si Kenzo. Simula nung sumali ako sa grupo nila, tinulungan niya ako na tapangan ang loob ko. Kaya marami akong posibleng gawin na imposible sa iba. Pero nung kailangan ko siya at alam niyang wala ako masasandalan ay wala naman siya para samahan ako...

"Hmm, kelan ka babalik sa Dragons?" tanong ni Kenzo kay Piarlyza. "Hindi ko alam, kenzo" sabay irap

"We missed you, Veriana. At nakapag tataka naman na hindi mo tinatarayan ang mga tao na nakakasalamuha mo?"

"I'm controlling it, twerp" sabay tawa ni Piarlyza.
"Are you still mad at me, Veriana? Look, sorry for not being with you sa mga panahong kinailangan mo ng kasama. Problemado din ako non. Alam mo naman na siguro nangyare sakin nung iwan ako ni Marralisa 'di ba?"

"Hindi na ako galit, okay? Past is past kalimutan na natin yon"

.....

Nakaupo lang si Vanderyx sa swivel
chair niya ng bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa non ang nag tatawanang si Kenzo at si Piarlyza.

"Are you guys done talking to whatever the fuck that is?" Yes, I'm annoyed to what I am seeing right now. At kahit kaibigan ko pa 'tong si Kenzo gusto siya sakalin!

"Calm the fuck down, Ryx. Nag uusap lang kami ni Veriana" Kenzo laughed at Ryx's Reaction as he called Piarlyza on her second name. Though, yun naman talaga tawag niya rito. Gusto niya lang makita reaction ng pinaka matalik niyang kaibigan na si Vanderyx.

"What's with the second name, fucker?" You can see darkness in Vanderyx's eyes. "Marami ka pang hindi alam, my friend" at naupo sa tabi ni Ryx. "Anong hindi alam? Kanino?"

Pero tapik lang ang ginawa ni Kenzo kay Vanderyx. Napangisi naman si Kenzo kay Piarlyza. "Wag mo nga ako titigan ng masama, Veriana! Wala naman ako giangawa"

Ano ang mga hindi ko alam? Napaisip si Ryx. "Ano naman ang pinunta mo dito, kenzo?" sabay baling kay kenzo.

"Oh uhm ano balak mo kay Dela Cruz?"

"Tumawag sa'kin si Marralisa and she told me na may pumatay kay Dela Cruz and it's a she. I'm curious, I want to kill her for ruining my plans to Dela Cruz"
Napakunoot naman ang noo ni Piarlyza.

Gusto niya akong patayin? No... gusto niya patayin ang gumawa non kay Dela Cruz. At walang iba kundi ako... Oo, ako ang pumatay kay Dela Cruz at hindi pa ako tapos.

Mabilis na napabaling si Kenzo kay Piarlyza. Nilingon siya ni Piarlyza. A sweet smile is plastered on her face at alam na agad ni Kenzo kung sino ang gumawa non kay Dela Cruz.

"Sir Ryx, eto na yung copy sa reports"

At tuluyan ng umalis si Piarlyza.

"Kenzo, hanapin mo para sakin ang gumawa non kay Dela Cruz. Bring her to me"

Wings Of The WindWhere stories live. Discover now