Chapter 1

9K 101 9
                                    


Chapter 1
***

Habang nakapikit ang mga mata ko, dahan dahan kong sinabayan ang tugtog na may pagka sensual at ibang iba sa sinasayaw kong classical music sa ballet. Bahagya kong ginulo ang buhok ko habang sinasabayan parin ang tugtog.

Binaba ko ang mga kamay ko sa katawan ko at hinawakan ang bawat hubog ng katawan ko. Ibang iba sa steps na sinasayaw ko. lumakas ang hiyawan.. ng madaming mga kalalakihan hindi gaya ng madalas ay malakas na palakpakan lang pagkatapos ng performance namin.

Dahan dahan kong dinilat ang mga mata ko at nakitang madaming nanunuod sa malaswang pagsasayaw ko. kung tatanungin ang nararamdaman ko ngayon sa pagsasayaw sa bar at sa pag sasayaw ng ballet? parehas lang. parehong pinapanuod ng madaming tao kaibahan lang, iba ang iniisip ng mga tao dito ngayon. sanay na akong madaming nanunuod sakin dahil bata palang ako nag ba-ballet na ako. sa puntong kahit iba na ang sinasayaw ko ngayon, okay lang sa akin. wala na akong pake sa iniisip nila basta sumasayaw ako.

tinignan ko ang pole sa harap ko at dahan dahan na hinawakan. hindi ko akalain na makakaya kong hawakan 'to o kahit sumayaw sa maliit na entablado na 'to at sa harap ng madaming tao, bagay na pinangangambahan ko kanina ng tanggapin ko ang trabaho na 'to.

parehas lang pala ng pakiramdam at nakaya ko siguro dahil ginagawa ko 'to para sa isang tao. kay mama. mahigpit akong kumapit sa pole at giniling ang katawan kasabay ng tugtog.

And I might enjoy this work.

pero pano nga ba na punta ang isang ballerina sa bar?


Hindi ako maka-concentrate sa bawat galaw ko kaya hindi ako makasabay sa iba at pamali mali ang bawat galaw.

"Again." Sabi ng dance teacher namin ng makitang hindi kami sabay sabay kaya umayos ulit lahat para gawin ang move na yun. Inayos ko ang tayo ko at ang pwesto at ayos ng mga paa at kamay ko.

Hindi mawala sa isip ko ang desisyon na ginawa at gagawin ko mamaya na sigurado akong pagsisisihan ko. At ngayon palang.. parang hindi ko na kaya.

"Again. Again!" Nawalan ako ng balanse at napaupo sa lapag kaya napatingin sakin ang lahat at kita ang inis sa mga mukha nila na hindi nila tinatago ng mag angat ako ng tingin sakanila.

Napatingin ako sa banda ni Grayson at agad na nag tagpo ang tingin namin. At siguradong iniisip nya din ang napag kasunduan namin.

Mabilis na akong tumayo at napayuko ng magkatinginan kami ni Gianne, ang dance teacher namin.

"Ngayon, hindi ko na maintindihan kung bakit na te-threatened ako sayo, well in fact mas magaling na ako sayo." Masungit na sabi ni Madison at nginitian ako.

Nginitian ko din sya. "Thank you, Maddie." Pasalamat ko sakanya. At least, sinabi nyang magaling ako. Inirapan nya ako at umalis na sa harap ko.

Si Madison ngayon ang lead dancer or center namin ngayon sa nalalapit na play. At gaya ng mga nakaraang lead dancers, turn naman ngayon ni Maddie na mag sungit sakin.

Hindi ko naman gustong seryosohin ang pag ba-ballet nung una. Kaya hindi gaya ng ibang bata na pumasok agad ng dance school, sa bahay ako nag aral kasama ng hinire nila mommy na instructor. Only as a hobby and to make my parents proud.

13, nang makita ng instructor ko na may talent ako sa pag sasayaw at na gustuhan ko din ang ballet, pinasok nila ako sa dance school kung saan isa ako sa pinaka matanda at kung saan ko nakilala sila maddie at ang iba.

Naging ako ang star, ang pinaka magaling kaya madaming humanga sa galing ko at isa na dun si maddie na kahit hindi pinapahalata.

Ako ang tumutulong sa kanila pag nahihirapan sila sa mga galaw at alam kong ako ang naging inspirasyon nila.

GREEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon