CHAPTER 25

15 3 0
                                    


Agad naman niyang tinulak ito  mataray na tumingin sa kanya

"Ulul! Sinungaling ka." Pagtataray pa nito.

Anudaw ako lang daw love niya? Apaka laking SCAM nun! Baka nga tatlo kami o kaya lima pero alam ko namang higit pa sa sampu yun.

"Balaka nga kung ayaw mong maniwala basta nagsasabi ako ng totoo. Tara na nga hatid na kita sa bahay nyo"

Di ko nalang ito tiningnan at nagkusa ng pumasok na pukinginang kotse niya.

"Ihatid mo nalang ako sa pinakamalapit na mall diyan tapos umalis kana. Kakasira ka ng araw e" 

"Grabe ka naman misis, di mo ba ko namiss?" syempre naman sobra pa sa more.

"Hindi syempre, sino ba naman makakamiss sa napakapanget na tulad mo?"

pero syempre di yun totoo, ako yata yung scammer sa amin e.

"Aba! somosobra ka na misis, ayus lang kung sinungaling kase totoo naman yun pero yung panget? Aba di na ata tama yun"

Timo sinungaling talaga! sa napakasarap na bibig na niya nanggaling. Speaking of masarap, napatingin naman ako sa mga labi niyang nakatikom habang seryoso siyang nag dadrive.

Shit lang miss ko narin yun!

Sinunod naman niya yung  sinabi ko at pumunta nga kami sa pinakamalapit na mall as in napakalapit talaga neto. Akalain mong katabi lang pala ito ng school namin? Kungdinaman ako tanga dapat nilakad ko nalang!

"Lapit nga naman" tumawa lang siya at naunang lumabas ng sasakyan ng nakarating na kami sa parking lot nung mall

Umikot muna siya bago pinagbuksan ako ng pinto.

"Wow gentleman! ganyan ka rin ba kay Angel?" pang aasar ko pa sa kanya pero nakasimangot lang siyang tumingin saken bago sinarado ang pinto ng sasakyan.

Nang maisara ko na ay di ko na siya inintay na mag salita pa at tumakbo na agad pa papasok sa mall. 

Ano ka sinuswerte? di mo nako malalapitan! dun kana sa Angel mong may sampong sungay!

Tinakluban ko muna yung muka ko ng bag na hawak ko bago mabilis na tumakbo papasok sa pharmacy na nakita ko. Mahirap na maissue pa, maganda na yung safe.

"Yes maam?" bungad saken ni ateng nag titinda.

"Ahmm, ano kase. Yung-" bago pa ko mag salita ay may umuna na sakeng babae kaya ayun ang pinag tuunan ng pansen ni ateng mag titinda.

"Meron kayong pregnancy test?" tumingin muna  ang babae kay ateng magtitinda, bago malanding tumingin saken.

"ahm yes maam, kunin ko lang po muna." 

nang umalis na si ateng mag titinda ay humarap uli saken si babae ay pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Hi" malandeng bati saken ni Angel na may sampong sungay.

Di ko nalang siya sinagot at tumingin nalang sa paligid ng store. Tangina, tumataas nanaman blood pressure ko ng makita ko ang babae na to! tanginaka talaga.

Umupo muna ko sa chair sa tabi ko at inintay na matapos ang bruhang nasa unahan ko.

Habang nag mamasid sa mga taong na bili ay gumalaw ang nasa unahan ko kaya napadako ang paningin ko sa kanya. Kahit likod lang ang kita ko sa kanya ay makikita mo parin na masaya ito habang kinakausap ang nasa teleponong hawak niyan.

"Yes Jacob? oo nabili ko. Excited na nga ko malaman e, sana positive para maging tatay kana." Di ko namalayan na nakangiti na pala siyang nakatingin saken habang tinitingnan ang namumula kong muka dala ng galit.

Manloloko. 

Nang makarating ako sa condo ni Austin di ko na napigilan ang mga luhang pinipigilan ko kanina habang nag lalakad papunta sa condo niya. Kusa na itong bumagsak, at napalitan ng paghikbi ang luhang kanina lang ay paunti unti pang nalabas.

Jusko! bakit naman ganto. Di naman ako nagkulang nang pagmamahal sa kanya ah, bakit nagawa pa niya kong lokohin ng ganito! nag kulang ba ko? masyado ko ba siyang nasakal, kaya nag hanap siya ng iba? magaling naman yung performance ko ah nung nag sex kami, bakit nag hanap parin siya ng iba.

"krizzia, what happen?" nataranta pa si Austin ng akayin niya ko papasok ng condo niya at inilapag niya ko sa sofa na kinaroroonan ng nag aalalang si Carl.

"Hoy gago anyare?" kagaya ni Austin ay natataranta den itong tumayo galing sa pag kakaupo at dali daling kumuwa ng baso na may tubig at inabot saken.

"Oh inom ka muna, para gumaan pakiramdam mo." tinanggap ko naman ito at uminom ng kaunti bago binalik sa kanya.

"Ayos na? oh anong nangyare?" chismoso talaga.

"Wala naman, feel ko lang mag lupasay dun at umiyak hehe" ngumiti pa ko sa kanila bilang patunay na ayos na talaga ako kahit ang totoo ay hindi. Kase durog na durog na talaga ako, wala ng natira sa sarili ko. 

"Ulul, ano ngang nangyare?" lumapit pa ito saken at pinag masdan ang pilit na ngiting aking pinapakita.

"Wala nga, wag na makulet. So ano ipapakita nyo saken mga bano?" pag iiba ko ng usapan.

tumingin muna saken uli si Carl, bago lumapit sa loptop na naka open at sumunod naman kami sa kanya.

"Ito yung kuha ng cctv camera malapit sa bahay nyo nung nangyare ang pag baril sa mama mo" nakaramdam agad ako ng kaba ng iplay na niya ang video.

Makikita sa video na nag didilig ng halaman si mama sa mga oras na yun at ilang minuto lang ay may kinausap siya sa kanyang telepono at napatigil ito sa kanyang ginagawa. Sa kabilang banda naman ay makikita ang lalaking naka suot ng itim na damit at naka tago ito sa halaman malapit sa kinaroroonan ni mama. May hawak ito na isang uri ng baril at naka tutok ito sa pwestong kinaroroonan ng aking ina. Ilang sandali nga lamang ay kinalabit na ng lalaki ang baril na kanyang hawak at tumama ito sa kinaroroonan ng aking ina. Napahiga ito sa sahig at nag kagulo na nga ang mga katulong pati narin ang mga guards papunta kung saan nang galing ang putukan.

Sa kabilang banda ay makikita ang pag talikod ng lalaki at pag akyat nito sa pader bago mawala sa camera. 

"So asan si Jacob diyan?" pinindot naman ni Carl yung next na video at pinalay ito.

Makikita sa video ang pag lundag ng lalaki sa pader at nag lakad papunta sa nakaparadang sasakyan. Pero bago ito makaalis ay  humarap ito sa malapit sa banda kung saan ang cctv camera ay naka lagay. 

Inistop agad ni Carl ang video at zinoom in sa muka ng lalaki.

"Ayan oh yung hinahanap mo."

Tinitigan ko pa ito ng ilang beses at inalala ang gwapong itsura ng lalaking aking minamahal bago napatulala sa kawalan.

Comfirm, si Jacob nga ito wala ng iba.

________

FACEBOOK: Jaille Gomez II
INSTAGRAM: @itsprivate35
TWITTER: @Dmnjll
WATTPAD: @itsprivate35

Mahal kita kahit Gangster ka (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon