CHAPTER 6

207 9 0
                                    


Hindi ko parin malilimutan yung nangyari kahapon. Grabe! kung ako siguro nasa kalagayan ni Jacob matagal ng namatay yung asawa ng ate nya

Kaya ayaw ko dito sa mundong to e  masyadong toxic. Hindi mo alam kung yung  nakapaligid pala sayo at tunay o hindi. Mahirap nalang basta basta mag tiwala malay mo yung taong sa tingen mo tunay sayo hindi pala.

Nag jogging muna ako paikot sa village namin bago naisipang pumunta sa gym. Tingen ko nawawala na yung abs ko e tabs pala.

Pumasok nako sa gym at kinausap yung kaibigan kong may ari ng gym na to. Dito kase ako madalas mag gym bukod sa maayos at kompleto ang mga gamit hindi ako nababahala kung bigla nalang ako manuntok ng mga tao dito kaibigan ko naman may ari nito e kaya ays lang

Nung huling punta ko kase dito may nakaaway ako. Pano ba naman tingen ng tingen saken habang nag istretching ako e pinaka ayaw ko sa lahat yung ganun tingen ko kase minamanyakan ako edi yun nasuntok ko sa muka buti nalang kaibigan ko yung may ari edi hindi ako yung napa alis

Pumunta na kong locker at nilagay ang gym bag ko. Nag stretching muna ako then  treadmill for an hour ng mapagod nako nag pahinga muna ako saglit at nag patuloy na sa pag woworkout.

"Uyy pareng Jacob" napatingin naman ako kay Kaloy ng banggitin nya ang pangalan ni Jacob

Tangina anong ginagawa nya dito! Wag mong sabihing dito rin sya- tangina talaga.

Napadako naman ang tingin nya saken at ngumiti. Buti nalang nakaupo ako kundi malalaglag talaga ako dahil dyan lintres na ngiti nya.

"Krizzia nag gigym ka rin?" ay bobo diba halata

"Hindi. Bobo kalang mag isip" bago dumiretsyo sa locker at kunin ang gamit ko hinarangan nya muna ako

"Aalis kana agad? Kakarating ko lang a?" Luh inintay kita? bobo nga talaga

"Ewan ko sayo baliw" nilampasan ko na sya at dumiretsyo sa locker

narinig ko pang sumigaw sya ng "sayo". Timo baliw talaga. Kulang yata sa aruga nung bata pa

Nag shower lang ako then sinuot yung white tshirt na may malaking check sa gilid na bahagi nito at black na pants.

"Sama ako sayo kung saan ka man pupunta" habol nya saken ng palabas nako

Baliw talaga. Pano kung sa bahay ako uuwi edi pupunta rin sya. Kulang sa aruga amputa.

"Di ka ba mag gigym? Saka bat ka naman sasama saken?" Nilingon ko sya at pinag taasan ng kilay tumawa lang sya at ngumiti.

Tangina naman. Sabing wag ng ngingiti konting konti nalang talaga babasagin ko na pag mumuka nito tingnan ko lang kung makangiti pa yan

"Wala lang trip ko lang"

"Sige trip ko din na hindi ka isama Bye."nag tatakbo nako paalis dun at iniwan nalang sya

Napaka werdong tao. Konti nalang iisipin ko sya yung may gusto saken. Pero baka hindi rin trip nya lang siguro akong asarin.

Mahal kita kahit Gangster ka (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon