KAIBIGAN

475 13 1
                                    

Pagmasdan, pagmasdan
Sila ang iyong mga kaibigan


Kasama mo sila sa kasiyahan, kalungkutan man, at kulitan

Pwedeng-pwede rin sa bangayan
Sila ang tatakbuhan mo kung may kailangan
Dadamayan ka nila o nakakaintindi sa'yong kadramahan
Ang kasabay mo tumili kay crush sa tuwing dadaan at ika'y kinindatan
Katabi mo palagi sa upuan at ka-chismisan

Kapag mga corny jokes ang pinag-uusapan
Grabe at malalakas na mga tawanan
Kahit sumasakit na ang tiyan
Hindi rin makakalimutan ang mga hampasan
Dahil sa sobrang kasiyahan
Na nararamdaman
Kaibigang walang kupas ang samahan

Pero lagi mong tatandaan 'to
Sapagkat, hindi lahat ng kaibigan ay totoong-totoo
O maganda ang turing sa'yo
Dapat tayong mag-ingat at maging sigurado
Sa mga kaibigan na mayroon tayo
Pasensya kana pero gusto ko lang sabihin ang tama't totoo
Dahil naranasan ko rin 'to
Ang magkaroon ng kaibigan na ginagamit lamang ako at niloko.

VidiaScarlet

Rhythm Of Her Emotions: Poems Of ScarletVidiaWhere stories live. Discover now