𝕿𝖗𝖊𝖈𝖊

24 12 0
                                    

O_oO_oO_oO_o
DAWN MARIE LOZANO

Abala ako sa pag pili ng susuotin kong damit. Arghhh! Ang hirap nakaka-frustrate!

Kung mag-dress kaya ako? Or Jeans na lang? Grabe! Gagala lang naman kami ni Kaiden pero kung magpaganda ako eh parang magdedate kami?

Habang pumipili ako ng susuotin ko. Biglang may naalala ako. . .

" Ahh.. Pwede bang samahan mo akong mag-explain kay Lola? Mag kapitbahay naman tayo eh ". Ngumiti ako. Super nakakahiya ng ginawa ko but okay na rin kaysa naman magsinungaling ako.

" Okay, pero may kapalit... ". I look at him. " What is it? ". I saw him grinning. " Be with me, be my partner.... Be my girlfriend, permanently". I'm shocked. Literally shock, really? " Kaya mo bang ibigay yun?, Deal? ". Kaya ko ba?

Ano namang idadahilan ko? I'm sure nabalitaan ni Lola ang tungkol sa aksidente. Tsk..

" K, deal!, Pero dapat ligawan mo muna ako para maging sa'yo ako, permanently". I give him a smirk haha! Akala ba niya maiisahan niya ako?

Naalala ko may ganitong deal din kami dati. Tsk..akala ko boyfriend yung lalaking kaibigan ang tinutukoy niya takte! Hindi pala!

I know my worth as a woman kaya sapat paghihirap niya para makuha ang matamis kong 'Oo'.

Hindi na ako NBSB, kapag sinagot ko siya pero sa asta niya, kagaya rin siya ng mga lalaking manloloko. I mean sa gwapo niyang yan! Tsk.. imposibleng walang babae 'to

Wait, Whuttt!?

No way! Yun gwapo? Talaga lang ha!

Iniiling-iling ko na lang ang ulo ko sa mga pinag-iisip ko. Takte! Kahit ano-anong ka-werduhan ang pumapasok sa isip ko.

Habang busy ako sa pagpili ng damit nagulat ako ng may yumakap sa akin. Napatili ako sa gulat.
" Hmmm...ang bango-bango mo talaga, Misis ko. I love you ". What? Misis ko? The heck?

Kaagad ko siyang tinulak. Walangjo! Umakyat na naman ata siya sa veranda, may pintuan kami di ba?! Arghh! I HATE YOU TO THE NTH POWER KAIDEN LUCARD MONTENEGRO!!

" Oh, easy lang! Gagala nga tayo tas aawayin mo ako ". And he pouted. Inirapan ko na lang siya.

Ang aga naman niyang mambwiset, hindi pa nga ako naliligo eh! Hala! Oo nga hindi pa ako naliligo! Nakakahiya, shemay na gulay!

" Mas bagay sayo jeans at yung oversized T-shirt. Ang ganda mo sobraaaa~~ ". Ewan ko ba, bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko, halata naman na nagbibiro lang siya, tsk!

" Ahh, okeokeee. Maliligo muna ako at magbibihis na rin...". At nakita ko ang ngising aso niya. Depungggal!

" Subukan mo lang akong bosohan tamo! Dudukutin ko yang mga mata mo! ". Aba! Tinawanan lang ako amp! " Hoy Mister Kaiden Miguelle Montenegro! I'm dead serious! ". Tinalikuran ko na siya at nagtungo sa banyo.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Lumabas ako ng banyo at pumunta sa may salamin. Kinuha ko ang Liptint ko, naglagay ako ng kaunti sa labi. Sumunod naman ay yung clay blush, naglagay lang din ako ng kaunti. And charaaannn~~ Gorabellss naa!

" Seriously! Tsk.. bakit ka pa naglagay ng mga kolorete sa mukha eh maganda ka naman na! Tsk.. ". Aba't kanina lang ang lambing at isip-bata niya tas ngayon nagkakaganyan siya. Baliw talaga!

" Eh sa gusto ko eh! Tara na! Gagala tayo eh! Libre mo naman eh! ". Ngumiti siya at hinapit ako palapit sa kaniya. Hinalikan niya ang noo ko at niyakap ako. Bahagya ko siyang tinulak, masyado siyang mabilis eh.

𝕭𝖑𝖔𝖔𝖉 1 : 𝕷𝖔𝖛𝖊 𝕬𝖙 𝕱𝖎𝖗𝖘𝖙 𝕭𝖎𝖙𝖊Where stories live. Discover now