𝖀𝖓𝖔

55 14 0
                                    

" Sa susunod ming buhay, hahanapin kita. Ipinapangako ko iyan ".

Te amo una y otra vez ....

Nagising ako na habol-habol ang aking hininga. What is that?

I just shrugged my head. Chill ka lang, Marie. It just a dream.

Nakita kong nakahinto na ang sasakyan ni Papa. Bumaba ako, at inilibot ko ang aking tingin sa buong paligid. Ito yung mansion ni Lolo.

Maganda pa rin kahit luma na.

" O, apo! Gising ka na pala! Halika, pasok ka sa munti kong bahay ". Si Lola Mel, asawa ni Lolo Gio.

" Lola, kamusta na po kayo? Hindi po ba kayo nalulungkot? Kayo lang po kasi mag-isa dito ". Niyakap ko si Lola. Lola's girl ako. Grabe! Namiss ko talaga si Lola.

" O, siya! Pasok na tayo sa loob. Naghahanda ng hapunan ang Mommy mo, at ipapasyal pa kita sa Mini exhibit ko ".

Halos six years na akong hindi nakakabalik dito. Ang huling balik ko dito noong Ten years old pa ako.

Dito na kasi kami titira, wish kasi ni Lola ito. Para rin maalagaan namin si Lola, she's old na, kailangan niya ng magaalalay sa kaniya.

Excited akong lumibot sa buong kastilyo, may mga bagong Portrait, Landscape, at Abstract paintings.

Habang nag-iikot kami ni Lola, nakaagaw ng pansin ang isang Portrait Painting.

Kamukha ko yung babae.

Kaso nakakatakot yung painting. Yung babae kasi may hawak na puso at duguan, tapos may katabi siyang vampire. Gwapo sana kaso scary ang dating. Ang sweet ng portrait painting na yun, kaso nakakatakot ang Theme.

Lumapit si Lola dun sa Painting at ngumiti.

" Ang Lola ng Lolo ng Lola ko. Sabi nila kaya nakipagtanan ito sa isang Bampira. Hindi na nila muling nakita si Felisa. Naniniwala silang naging imortal ito ". Grabe! Ang creepy! Tumayo yung mga balahibo ko, Gosh!

" Tara na, naging teacher na ako ng Araling Panlipunan ". Nagtawanan kami. Narinig na namin si Mommy na tinawag na kami.

Sabay kaming bumaba ni Lola. At nakita ko sa Dinning Table ang niluto ni Mommy. Lutong bahay! Yum!

Pagkatapos naming kumain, tumulong ako kay Mommy sa pagligpit ng mga pinagkainan namin.
Ako na rin ang nagpresenta na maghugas.

Pagkatapos ng lahat-lahat, umakyat na ako sa kwarto ko. Pumunta ako sa banyo at naligo. After that, nagbihis na ako.

Dumungaw muna ako sa balcony, at pinagmasdan ang mga kubo at ang napakagandang View.

" Alam mo Felisa, ikaw lang ang nakakuha ng puso ko". Sabi ni Miguelle habang hawak ang aking kamay at sabay naming pinagmamasdan ang napakagandang tanawin.

" Masyadong matamis ang iyong dila, Ginoo. Binibiro mo ba ako? ". Tugon ko.

" Totoo yun, walang halong biro ". At hinagkan niya ang aking mga labi.

I shrugged my head, what's that? Bakit nagde-daydream ako ng ganun?

A-ano ba iyon?

Bigla na lang akong nilamig. Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Ngunit, may napansin ako sa may bandang kabinet.

May bulto ng tao dun. Anino lang ang nakikita ko.

" Who are you? Paano ka nakapasok? Tatawag ako ng--". Lumapit ako, pero wala namang tao.

𝕭𝖑𝖔𝖔𝖉 1 : 𝕷𝖔𝖛𝖊 𝕬𝖙 𝕱𝖎𝖗𝖘𝖙 𝕭𝖎𝖙𝖊Donde viven las historias. Descúbrelo ahora