Pinaupo niya kami sa may receiving area sa loob ng kanyang opisina. Pumasok ang kanyang secretary para maghatid ng maiinom. Ibinigay ni Kenzo sa kanyang ama ang folder na kanina pa niya hawak, sandali itong tiningnan ni Mr. Herrer bago siya tumango at inilapag iyon sa may center table.

"Balita ko, minamadali ka nitong anak ko, Hija. Ayos lang ba iyon sa iyo? Hindi ka ba niya pinipilit?" tanong ni Mr. Herrer sa akin. Parang nanuyo ang aking lalamunan dahil sa kanyang sinabi. Sumulyap ako kay Kenzo pero nanatili ang kanyang tingin sa ama. Bwiset, hindi man lang ako tinulungan.

Marahan akong umiling. "Hindi naman po...ayos lang po" nahihiyang sagot ko pa.

Napatango tango siya kaya naman naramdaman ko ang bahagyang paginit ng aking pisngi. "So ngayon pa lang, gusto ba kitang iwelcome sa family. Mag dinner tayo minsan sa bahay. I'll talk to my wife para naman makilala ka na din niya"

Nabunutan ako ng tinik sa dibdib, mabait ang Daddy ni Kenzo. Hindi kagaya ng ibang mayayaman na matapobre. Sana ganito din ang Mommy niya.

Matapos nilang magusap ng ilan pang bagay tungkol sa bussiness ay nagpaalam na din kami. Medyo magiging busy daw kasi ito sa hapon kaya naman nagpaalam na kami.

"Kanina ka pa tahimik" puna ko kay Kenzo habang nasa elevator kami. Nakahawak pa din siya sa kamay ko, pero ramdam ko ang panlalamig niya. Mukhang galit.

Tinapunan niya ako ng tingin. "So, hindi lang pala ang family mo ang kasama mo sa dinner"

Parang bigla akong nagsisi na tanungin na siya ngayon. Hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang sagot, hindi pa ako nakakapaghanda. "Sila naman talaga, hindi ko naman kasama duon si Augustine, pinakilala lang siya ni Daddy sa akin" paliwanag ko sa kanya.

Mas lalong nagtaas ang kilay ni Kenzo. Nanatiling walang kaemoemosyon anv kanyang mukha. "Pinakilala sayo? Para saan?" mapanghamong tanong niya sa akin. Napaawang ang bibig ko, hindi kaagad ako nakasagot.

Nakita ko ang nagigting ang kanyang panga. "Irereto ka? Ha, Sera?" galit na tanong niya sa akin. Mas lalo akong nabato, naisip niya kaagad iyon?

"Hindi. Hindi ganuon, wala namang sinabing ganuon. Gusto lang ni Daddy na ipakilala ako dahil anak siya ng kaibigan" mabilis na sagot ko sa kanya. Hindi ko kinaya ang mabigat na tingin niya sa akin kaya naman mabilis din akong nagiwas ng tingin.

"Alam na ba ng Daddy mo na may boyfriend ka?" tanong niya sa akin. Mas lalong bumigat ang dibdib ko.

Nanatili ang mga mata ko sa sahig. "Alam"

Narinig ko ang muli niyang pagtikhim. "Anong sabi? Ayaw niya akong makilala?" mapanghamong tanong niya sa akin.

Kaagad akong napaisip. Sa bagay kung ibang ama iyon, sa oras ba malaman niyang may boyfriend na ang anak nila ay gugustuhin nilang makilala ito. Iba iyon, mahal nila ang anak nila. Hindi ko nga alam kung mahal ako ni Daddy.

"Alam mo namang...walang pakialam sa akin ang Daddy ko" nakayukong sagot ko sa kanya. Hindi ko maiwasang hindi malungkot.

Marahang pinisil ni Kenzo ang aking kamay. Napabuntong hininga siya bago niya ako hinapit papalapit sa kanya. Marahan niyang hinalikan ang aking ulo. "Sorry..."

Tiningala ko siya. "Sorry din, hindi ko sinabi sayo. Hindi naman kasi Importante si Augustine. Ni hindi ko nga siya kinakausap" sabi ko pa sa kanya. Titig na titig siya sa akin habang sinasabi ko iyon. Sa huli ay sumuko na lamang siya ay napatango.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ