Pagkaraan ay dumating ang kaniyang yaya Mineng na ngayon lang nahanap ang gamot ni Karra. She grabbed her medicine at ang iinject niya sa kaniyang ina upang kumalma ito kahit papaano.

Hawak hawak ng mga ibang tauhan nila si Karra nang in-inject niya ang pampakalma nito. Corralita was busy calling Rael, Karra's psychiatrist. She was silently hiding her sobs. Mas lalo lang tuloy nakaramdam ng lungkot si Erriah.

Unti-unting pumikit ang kaniyang ina. Hinila niya ang braso ni Luke para mapalapit ito sa kaniya at pinunasan ang tainga nitong dumudugo. "Hayaan mo na silang buhatin si Mama"

"But—"

"Luke, Tito Rael will take care of mama. Gagamutin ko ang mga sugat mo" nagpyok na ang boses niya, sunod sunod na muling tumulo ang kaniyang mga luha.

"Rael is on his way. Idadala ko na siya sa ibaba. Dito na lamang siya, saka na natin siya ililipat bukas sa bahay ni Rael" Corra informed them. Mahina ang bawat tango ni Erriah, agad siyang nilapitan ni Corra at hinagkan, yumakap ang mga kamay nito sa kaniya at hinaplos ang kaniyang likuran. Bawat hagod nito sa kaniyang likuran ay mas lalo lamang siyang naiiyak. "I'm sorry, Erriah. Your mother is strong, kaya niya nanamang bawiin ang sarili, hindi siya magtatagal sa ganoong kalagayan. You know her, she has you now"

Tumango siya, muling sinulyapan si Luke nang maramdaman ang pagpupunas nito sa kan'yang mga luha. Tipid ang ngiti nito sa kaniya. She smiled back at him, pero hindi nagtatagumpay ang ngiting 'yon na paganahin ang kaniyang nararamdaman.

"Do I have to tell it to your ate?"

Napabuntong hininga siya. "Hindi na. She will stay at my side again, alam kong marami pa siyang inaasikaso. She has her own problems to fix, ayoko na ang dumagdag pa"

"You know—"

"Luke, please" bumuntong hininga na muli siya.

Magsasalita pa sana ang binata nang unahan na ito ng ina. "Pupunta na ako sa baba. Narito na raw si Rael" ngumiti ng tipid sa kaniya ang Ginang pagkatapos ay tinapik din ang kaniyang balikat. Mahina siyang tumango dito.

Ayaw niyang makita ang ina sa ganoong estado, nagbibigay nanaman 'yon ng takot sa kaniya. Tumingin siya kay Luke. "Let's remedy your wound"

Pumasok sila sa kaniyang kwarto, kinuha niya ang gamot sa kaniyang bathroom at binalikan ang lalaking nakaupo na ngayon sa kaniyang kama. Malungkot na nakatingin sa kaniya.

"I know what's running on your mind, Er. I don't like it. It won't affect your treatment towards him" nalukot ang ilong nito nang sinubukan niyang umiwas ng tingin but Luke held her face and made her face him again. Umayos siya ng upo sa tabi nito. Iniligay niya ang first aid kit sa pagitan nilang dalawa. Alam niya ang tinutukoy nito, pero ang hirap. Nandito nanaman siya sa starting line. "Please, Erriah. Don't consider it, alam ko kung paano iwasan ng taong nag-iisang mahal ko. Zarrick had been through a lot too. Wala siyang kasalanan ngayon, your story is different from your mother"

"I know" she looked at him and then back out, yumuko siya. Hindi niya kayang iparating dito ang tumatakbo sa kaniyang isipan. Paano kung maging ganoon din siya dahil sa sobrang pagmamahal kay Zarrick? Will Zarrick let her feel that kind of pain? Makita palang ang ina sa ganoong estado ay nanghihina na siya. Paano kung siya ang nasa ganoong kalagayan? Paulit ulit na sakit, walang katapusan na hanggang sa pagtanda mo ay dala-dala mo.

"Erriah, I know you too. You should stop thinking about negative thoughts. This is your own story, your own choice, your own decision. There's no wrong for acception and repeated 'try again'. Trials will make you strong enough to fight for your love. Zarrick..." Huminto ito sandali pagkatapos ay hinawakan ang mga kamay niya. "Zarrick was broken too when you left. I know, I shouldn't be the one who is telling this to you but I won't let you hide like a coward again, tatakas ka nanaman at hindi pagbibigyan na patunayan ni Zarrick ang sarili niya. He was a total wrecked when you left, you didn't see him lost his all control. Hindi mo siya nakitang sumisigaw sa loob ng selda,Erriah"

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now