CHAPTER 14

661 18 7
                                    

CHAPTER 14

Kinaumagahan pagdating ko sa office ay bumungad sa akin ang dalawang boque sa table ko.

Nangunot ang noo ko, sino nagbigay nito?

Tiningnan ko ang nakasulat sa card,

Goodmorning my sunshine.
-Lucas

Napangiti ako at tiningnan ang isa,

Goodmorning baby, I'll be late today, I have important meeting. Yes, this early. Anyways, take care.

-Handsome Zeo

Napailing nalang ako sa kahanginan ni Zeo. Handsome? Handsome nya pwet ko.

Talaga tinotoo ni Lucas na hindi sya papatalo ha? Pero di ko maiwasang isipin na, may masasaktan sa amin kung ano ang ang magiging desisyon ko. Napabuntong hininga at umupo.

Nagsimula na akong magtrabaho, ilang oras ang lumipas ay kumulo na ang tiyan ko kaya bumaba ako ng canteen para kumain.

Pero ganun nalang ang pagkulo ng dugo ko nang makita ang babae sa table ni Zeo na komportableng nakaupo.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito habang nakapamewang.

"Do your job Ms. Secretary, I'm not here for you." Sabi nito at inikutan ako ng mata at kinuha ang cellphone nya.

"Ang tigas ng mukha mo." Sabi o dito kaya napanganga sya sa sinabi ko.

"What did you say?" Tanong nito.

Hindi ako nagsalita, sayang ang oras ko sa kanya. Napailing nalang ako.

"Zeo!" Napalingon ako sa babae na ngayo'y hawak ang cellphone, may tinawagan. Zeo?

"Yes babe. I'm here in your office. Where are you na ba?" Yumuko lang ako pero ang tenga ko nasa babae at sa katawag nya.

"Almost 2 hours of waiting. Please be here, I miss you." Sabi nito kaya di ko maiwasang tingnan sya ng masama.

"Okay babe. I love you." Parang kumulo ang dugo ko at tela pulang pula na ang mukha ko dahil sa inis.

"Ang tigas ng mukha mo." Ulit ko sa sinabi kanina kaya napatingin ito sa akin na ngayoy parang gusto na akong sugudin.

"Pardon?"

"Ang tigas tigas tigas ng mukha mo." Ngayon mas nilakasan ang boses ko kaya tumayo sya para sugurin ako pero bago nya pa iyon magawa ay bumukas ang pinto.

"What are you doing Trecia?" Tanong ni Zed na ngayoy nakatingin sa babae. So her name is Trecia?

"I-i just want to talk to her." Sabi nito ay pekeng ngumiti.

"Ang tigas ng mukha." Sabi ko kaya napatingin si Trecia sa akin at ako namay nakangiti.

"Then what are you doing here?" Tanong ni Zeo sa babae.

"Visiting you." Sabi nito.

"I already said you. I have girlfriend." Nagulat ako sa sinabi ni Zeo.

Girlfriend, sino?

"This girl? Your girlfriend?!" Sigaw ni Trecia habang turo ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Yes." Mahinahong sabi ng lalaki kaya mas dumoble ang lakas ng kabog sa loob ko.

"What the fuck?! Still in your mind? You really have a fucking cheap girlfriend?" Agad akong tumayo at sinampal sya.

"Ang tigas ng mukha." Komento ko pagkatapos syang masampal.

Hinawakan ako sa balikat ni Zeo para pakalmahin.

"I'm not cheap!" Sigaw ko sa mukha nito. Parang gusto nyag umiyak pero pinigilan nya ang sarili.

Binitawan ako ni Zeo at lumapit sya kay Trecia.

"Please go home, Trecia." Sabi ni Zeo habang hawak ang pulsuhan nito at hinila palabas.

"Let go of me!" Piglas nya.

"Don't be harsh to me! I'm pregnant!" Sigaw ni Trecia kaya napahinto si Zeo at napatingin ako sa babae.

"And you're the fucking father!"

Nanginig ang buong katawan ko sa narinig.



-


To be continued

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SSS#1: Stripped (on-going)Where stories live. Discover now