Chapter 6

14 5 0
                                    

CHAPTER 6 : VOICE

Inspired by: EXO
Written on April 8, 2020

CAISSY MIZUKI RAMOS POV

*tok tok tok*

"Caissy?" Rinig kong tawag ni Mama mula sa labas ng kwarto ko

Hindi ako sumagot.

"Dito ka lang muna ah? Pupunta lang kami kina Marian. Kung gusto mo, sama ka na lang."

"Marian?" Bulong ko

Narinig ko na tong pangalan na to ah? Sino ba to? Marian?

Marian Lazaro...

(O_O)

"M-m-mama!!" Sigaw ko

Dali-dali akong lumabas ng kwarto dala ang isang paper bag at bumaba papunta sa sala. Naabutan ko silang papalabas na ng bahay.

"Ma!"

"Oh?"

"Sama ako." Hinihingal na sabi ko

"O... Okay." Nagtatakang sabi ni Mama

"Magpapalit lang po ako ng damit." Babalik na sana ako sa taas ng hinila ako ni Mama palabas ng bahay

"Wag na. Yan na lang ang suotin mo. Matatagalan tayo nito kung magpalit ka pa ng damit." Sabi ni Mama at tinulak ako sa backseat

Pinaandar na ni Papa ang kotse ng umupo na si Mama sa passenger seat.

Napatingin ako sa suot ko.

Ito?! Ito ang suot ko?! Short-shorts at black na long sleeve?!

"Caissy. Don't worry. Hindi naman tayo pupunta sa party." Sabi ni Mama ng mapansin niya akong nakatingin sa suot ko

Hindi ako komportable sa suot ko na pupunta kami sa ibang bahay. Okay lang sana kung sa bahay lang namin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa aming patutunguhan.

Pinapasok kami sa loob ng bahay at sinalubong ng bati. Umupo sina Mama at Papa at yung mag-asawang sina Marian at Renz. Nakatayo lang ako kaya hinila ako ni Mama paupo sa tabi niya.

"Siya ba yung babaeng anak niyo? Dalaga na ah." Marian

"Ah oo." Mama

"Anong pangalan mo?" Marian

"Caissy Mizuki po." Sagot ko

"Caissy.. What a beautiful name. I'm Marian. Call me Tita. And this is Renz." Marian

"Ilang taon na ba si Caissy?" Renz

"Magkasing-edad lang ata sa binata niyo." Papa

"Oh! Speaking of. Caissy, kung gusto mo makakita ng gwapo punta ka lang sa veranda." Nakangiting sabi ni Tita Marian

"H-huh? Po?" Naguguluhang tanong ko

"I mean.. Kung gusto mong magpahangin punta ka lang sa veranda."

"Opo."

Tumayo ako at naglakad papunta sa second floor ng bahay nila.

Nang makarating na ako sa second floor ay naglingon-lingon ako.

Hindi ko alam kung saan ang daan papunta sa veranda ng bahay nila. Left? Right? O deristo?

Pupunta na sana ako sa kaliwa ng may narinig akong naggigitara at kumakanta kaya napahinto ako.

"~eoieobseo~"

Mukhang galing sa kanan.

"~yeonghwae naoneun
yeppeun yeonindeulcheoreom~"

NO MORE GIVING UPWhere stories live. Discover now