Chapter 1

24 9 0
                                    

CHAPTER 1 : THE TRANSFEREE

Inspired by: Lee Mi Dam
Written on: April 5, 2020

CAISSY MIZUKI RAMOS POV

Bumaba ako ng hagdan habang inaayos ang necktie ng school uniform ko.

"Caissy! Pupunta ka na sa school?! Kain ka muna!" Rinig kong sigaw ni Mama mula sa kusina

Nasa kusina sila nina Papa at Kuya nag-uumagahan.

Hindi ako sumagot at nagdiretso sa pintuan.

Padabog kong sinuot ang school shoes ko ng marinig ko ang sigaw ni Kuya.

"Caissy! Kumain ka muna! Bibigyan kita ng allowance! Sa pagkakaalam ko hindi ka daw binigyan ng allowance nina Mama mula pa noong first day of school! Hatid na din kita!" Kuya

Inayos ko ang strap ng school shoes ko kasi medyo sumabit yung hook sa suot kong black na stocking.

"Caissy! Halika dito. Sabay tayong kumain! Aalis na si Kuya mo! Next week pa ako babalik!" Sigaw ulit ni Kuya

Tumayo ako at lumabas na ng bahay.

"Caissy!! Ganyan na ba talaga katigas ang ulo mo!!" Galit na sigaw ni Papa

"Caissy!!!---" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Mama

Padabog kong sinara ang pinto at naglakad na palayo.

Magduduet na naman kasi yun sa kakasigaw sa mga mali ko. Tss...

"Mizuki!! Yung allowance mo!!"

Nilingon ko si Kuya na nasa labas ng bahay habang kinakaway ang pera.

(~_~)

"Sayo na yan." Bulong ko

Tumalikod ako at binilisan na lang ang lakad.

Uhmm... Oo. Maglalakad lang ako ngayon papuntang school. Medyo malayo siya pero kaya ko namang lakarin.

6:45 na , kaya 7:20 ako nito makakarating sa school. 50 minutes kasi kung lalakarin lang. Oo malayo pero kaya namang lakarin kung walang pera. May shortcut naman dadaanan ko eh.

Second week na mula nung magsimula ang pasukan. Pero mula nung nagsimula ang pasukan ay hindi pa rin ako binibigyan ng allowance nina Mama. Allowance na pang isang buwan.

Pero kahit hindi pa nila ako binibigyan ng allowance ay may kaunting pera pa naman akong ginagamit. Bigay sakin ni Kuya noong nakaraang buwan.

Pero mukhang ngayong araw nalang to magtatagal. Thirty pesos na lang eh!

Nung araw kasi bago ang pasukan ay nag-away kami nina Mama at Papa. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila pinapansin, kaya ito ako ngayon walang allowance. Tss.

Inaamin ko namang may mali din ako kasi alam ko sa sarili ko na habang tumatagal ay nagiging mas masama akong anak. Pero alam ko din na may mali din yung mga magulang ko.

Pwede naman kasing idaan sa usapan ang mga mali ko. Pero agad nila itong dinadaan sa galit at away. Ayaw nilang pakinggan ang mga paliwanag ko. At kung pinapagalitan nila ako , binabalik din nila yung mga lumang kasalanan ko kaya mas lalong lumalaki lang yung away. Lalo na't sumasagot ako minsan.

Ako kasi yung tipong tao na clumsy kaya marami ang mga nagagawa kong mali. Isang mali , papagalitan kaagad. Tsk! Ang ganda ng buhay. Tss...

Dalawa kaming magkapatid. Si Kuya Chase Uchimaki lang at ako.

Nga pala! Ako si Caissy (pronounce as Key-sy)  Mizuki Ramos. 18 years old. Senior High School student. NBSB pa po , kasi wala naman akong interes sa mga lalaki. Ewan ko ba kung ano ang nakukuha nila sa mga boyfriend girlfriend na yan. Para sakin kasi , ang mga ganyan ay para lang sa mga taong hindi marunong o kayang tumayo mag-isa.

NO MORE GIVING UPWhere stories live. Discover now