Chapter 11

346 17 1
                                    


Chapter 11



Nagising ako na masakit ang buong ulo at medyo nahihilo rin. Epekto siguro ito ng nainom kong alak. Ilang sandali pa ang lumipas bago ko pa tuluyang mamulat ang mga mata ko.

Gusto kong pagalitan ang sarili ko sa ginawa ko. Ni minsan sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakainom at iyong kagabi ang unang pagkakataon. Bakit ko nga ba iyon nagawa?

Para ipakita kay Sir na hindi ako mahina sa alak? Eh sa nangyari pa lang kagabi ay alam kong alam na niyang nagsinungaling ako.

At teka... Wala akong matandaan kagabi! Anong ganap kaya ang nangyari?

Bigla akong napabangon sa pagkakahiga. Pilit ko ring inaalala ang mga kaganapan kagabi pero sumasakit lang ang ulo ko kapag pilit kong iniisip ito.

Napansin kong nandito ako sa kwarto namin ni Nana. Ang suot ko ngayon ay iba sa suot ko kagabi. Hindi ko maalalang nagpalit ako ng damit. Kahit nga iyong pag-uwi namin ay hindi ko maalala!

Tuluyan na akong bumangon at lumabas ng kwarto. Naabutan ko sila Nana Lotty at Sir Les na nagkakape sa dining room.

"Oh Pia! Gising ka na pala! Ayos na ba ang pakiramdam mo?" lumapit sa akin si Nana Lotty at iginiya ako paupo sabay abot sa akin ng kape. "Alam kong may hangover ka kaya mag-kape ka. Mababawasan nito ang sakit ng ulo mo"

Sumimsim ako ng kape at kahit papaano'y nakaramdam ako ng kaginhawahan.

"Saan ba kayo nagpunta at hinayaan ka ni Les na uminom? Ako nga pala ang nagpalit ng damit mo kagabi" napansin ko si Sir Les na mataman na nakatingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"Pero hayaan mo na Pia, mukhang enjoy na enjoy ka sa birthday mo kahapon. Kahit lasing, tuwang-tuwa pa" uminit ang pisngi ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil wala pa rin akong matandaan. Muli akong sumulyap kay Sir Les na kasalukuyang nakangitin sa akin.

May nangyari kaya kagabi?

Binigyan ako ni Nana ng toast bread habang inuubos ang kape ko. Gusto ko pa nga sanang humingi pa kaso baka mag-palpitate na ang puso ko kung masobrahan ako nito. Si Sir naman ay nagpaalam na pupunta sa may pool area.

"Nana, sorry po pero mamayang hapon pa po ata ako makakapagtrabaho"

"Oh siya, ayos lang. Magpahinga ka lang. Grabe ka pala kung malasing" narinig ko pa ang pag-'tsk' niya. Nanlaki ang mga mata ko.

"Bakit Nana? Anong ginawa ko?" lumapit ako sa kanya. "Wala po kasi akong maalala kagabi eh" pag-amin ko sa kanya.

Napahawak si Nana sa dibdib niya. "Seryoso ka? Umuwi lang naman kayo ni Les na buhat ka niya kasi hindi ka na makalakad ng maayos. Ikaw naman tuwang-tuwa ka pang bata ka. Ilang beses mo pang nasampal at nasuntok iyang si Les. Buti na lang at hindi mo natamaan iyong binti niya" nanghina ako sa narinig ko.

Seriously, nagawa ko iyon? At shit, nakakahiya kasi siya na nga iyong injured, ako pa iyong binantayan niya. Gusto kong sampalin ang sarili ko.

Iniwan na ako ni Nana sa kwarto. Ako nama'y nahiga sa kama ko at pinipilit na makaalala.

"Ang gwapo mo talaga Sir! Pero minsan ang sungit mo"

"Crush mo 'ko? Sagot!"

"May jowa ka ba sir? Ako kasi wala!"

Natigilan ako nang may iilang flashback akong naalala. May naalala din akong kami lang ni Sir ang nasa loob ng kotse. Siya ang nagda-drive at ako naman ay nasa back seat ng sasakyan. Bakit siya ang nagda-drive? Nasaan si Natoy?

Lies and PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon