FAMILIA DE JESUS

3.8K 125 0
                                    

A/N

Hello Friends,

Its December ang daming ginagawa kaya natagalan sa update. Kaliwa’t kanan na party at practice sa dance. Kaya my apology kung hindi man ako agad nakapag sulat.

To be honest hindi ko alam kung anong gagawin kong title ng chapter na ito. Masyado na akong nahuhumaling sa pamilya nila Nick. Hoping someday kapag may sarili na akong pamilya ay maituro ko lahat ng bagay na kakailanganin ng mga anak ko para maging mabuting tao sila at maging matibay sa buhay. Sana magustuhan ninyo ang chapter na ito na punung puno ng misteryo. Na kahit new generation ka pa may mga characteristics or attitude kang nakuha from your family mother side man o father side. Ika nga blame it to your genes. Minsan kailangan mong malaman ang nakaraaan ng family para maintindihan kung bakit may mga ugali o pag-iisip kang weird.

Again thank you sa lahat ng mga readers ko. Nakakataba ng puso na 800 reads na ang HABAY at naunahan pa ang first book ko. Sana po magVOTE and mag COMMENT kayo or show some LOVE para malaman ko ganahan akong magsulat pa lalo.

Lagi ko po kayong pinagdadasal. Have a blessed new year and stay safe!!!

Alex Camiller

FAMILIA DE JESUS

        This is not good mukhang mauulit nanaman ang nangyari noon. Wala sa isip ko na magagawa iyon ng mga anak ko. Ang harapin ang kabilang mundo para bawiin ang isa sa mga kapamilya namin. Nanlumo ako ng makita ko silang tatlo na nakahandusay sa gitna ng daan at iba’t ibang klaseng nilalang. Mabuti na lamang at nasa labas ako ng bahay  ng aking nakatatandang kapatid ng makita ko ang Flare Gun. Nasa bayan kasi ang buong pamilya dahil isinugod namin sa hospital si Xander. Sa totoo lang kung mabubuhay ulet ako hihilingin ko kung pwede lang na huwag akong mapabilang sa pmilya ng mga may third eye. Mahirap ang kalagayan namin laging may nagtatangka sa buhay namin. At madalas ang mga nilalang na hindi nakikita ng karaniwang tao. Kagaya ng pagpapalaki ko sa mga anak ko lumaki akong matapang. Wala kaming choice dahil kung mahina kami matagal na kaming patay o nasa mental.

“Kailangan natin ng maraming kasama mga anak. Ngayon nyo na ba gagawin Nick?”

“Sa lalong madaling panahon Tatay,” sagot ni Nick.

“Hindi pwedeng kayo lang dalawa. Pwede bang tawagan natin yung iba nating kamag-anak? Saka magpabili na rin tayo ng mga kakailanganin.”

“Ako na po ang tatawag Tatay,” sabi ni Armando.

“Sige anak.”

        Sinimulan na ni Armando ang pagtawag sa aming mga kamag-anak. Pumunta na rin kami ni Nick sa stock room namin para tignan ang maaari naming gamitin. Sa tuwing pinagmamasdan ko ang anak kong ito hindi ko mapigilang ngumiti at inaamin kong sya ang pinakapaborito ko. Pero ginagawa ko ang lahat para hindi maramdaman ng iba kong anak. Mula noong bata pa sila si Nick ang pinaka-independent. Kaya nyang gumawa ng matalinong desisyon kahit kapalit pa nito ay ang sarili nyang buhay. Maraming beses na nya itong nagawa at sa tuwing nangyayari ang ganitong sitwasyon magkahalong takot para sa kaligtasan nya at pagiging proud dahil anak ko sya.  Naalala ko si Tonyang kay Nick ang nakababata kong kapatid.

“Kuya Delfin para syo ito,” sabi ni Tonyang.

“Ano ito Tonyang?”

HABAYWhere stories live. Discover now