THE ATTACK - MGA PULANG MATA

3K 113 0
                                    

A/N

Hello friends.

This is the beginning of the unknown. Will they survive the entire night?

Thank you for reading my story. Please don’t forget to COMMENT, VOTE AND HOW ME SOME LOVE.

God bless you all.

THE ATTACKER – MGA PULANG MATA

“Be sober and vigilant. Your opponent the devil is prowling around like a roaring lion looking for someone to devour. Resist him, steadfast in faith, knowing that your fellow believers throughout the world undergo the same sufferings. The God of all grace who called you to His eternal glory through Christ Jesus will Himself restore, confirm, strengthen, and establish you after you have suffered a little.”

-          1 Peter 5:8 – 10        

Isang tunog ng gumugulong na holen ang naririnig ko mula sa kisame. Tapos isa pa na mistulang nahulog at sinundan pa ng isa at ang sumunod ay parang lahat sila ay nahulog mula sa lagayan at sabay sabay na nag-uunahang gumugulong.  Alam ko ang tunog ng holen; ito kasi ang madalas kong laruin nung grade school ako.  Akala ko tapos na ang ingay na naririnig ko pero simula lang pala ito ng isang buong magdamag na walang tulugan. Malakas na dagundong ang sunod kong narinig parang troso ang ginamit para piloting mabuksan ang pinto. Hindi iyon galing sa door ng kwarto namin kundi mula sa main door ng bahay.  I heard my father sit and listen to the sound. Sa sobrang pagod sa halos tatlong araw na training namin wala na akong pakialam sa mga naririnig ko. Ang gusto ko lamang ay matulog pero sa gabing ito ay hindi ko akalaing ipagkakait sa amin ang tahimik na pagtulog.

“Daddy!!!!” isang napakalakas na sigaw mula sa kapatid ko.

“Teresa anak Im here,” sabi ni Mommy.

“Si Daddy ito,” nag-aalalang sabig ni Daddy.

Sa sobrang gulat ko ay bigla akong umupo at tinignan kung ano ang nangyayari.  Nakita kong yakap yakap ni daddy si Teresa habang ang kapatid ko ay nakatakip ang kanyang mga kamay sa magkabilang tainga. Nabuksan naman nila Lolo, Kuya Armando at mga pinsan ko ang pintuan namin at narinig ang sinasabi ng aking kapatid.

“Daddy,  Mommy may lalaki akong narinig pinapaalis nya tyo. Walang tigil sa pagsasalita,” pautal utal at nanginginig nyang sambit habang tumutulo ang kanyang mga luha.

“Kumalka bunso,” sabi ni Daddy.

          Patuloy ang malalakas na kalabog sa pintuan namin kasabay nito ang tila nagbabagsakan bakal sa bubungan. Wala din tigil na umaalulong ang mga aso. Habang tinitignan ko sila napansin kong may isang matangkad at malaking built na lalaki na papunta kay Mommy at akmang hihilain sya pero tumakbo agad ako papunta kay Mommy para maprotektahan sya. Sa pagmamadali kong mailigtas ang aking ina na sagi ko ang rechargeable lamp at malakas na bumagsak sa sahig kasabay ng pagsigaw ni Mommy. Hindi ko alam kung dahil ba sa gulat o may nakita din sya kaya sya sumigaw. Niyakap ko ng mahigpit ang nanginginig nyang katawan.

“Mommy ok ka lang po?” tanong ko sa kanya.

“O – o a n a a a a k,” sagot nya sa akin.

Nang lumingon ako para tignan kung nandyan pa sya ay bumungad sa akin ang isang mapupulang at nanlalasik na mga mata. Sa dilim ng paligid kitang kita ko ang tila mapupulang apoy na nakatitig sa mismong harapan ng mukha ko na parang bang anytime mamatay na ako. Naramdaman ko ang malamig na kamay na humawak sa aking mga braso at itinapon ako palayo sa aking Mommy. My body banged into the wall adjacent to the door. Sa sobrang lakas halos hindi ako makagalaw kaagad. Narinig kong malakas na nagsalita si Lolo habang nakatayo malapit sa kamang hinihigaan ng Mommy at Teresa at may dalang katamtamang laki ng flash light nasa likuran naman nya sila Kuya Armando at ang aming mga pinsan.

“Mga anak at apo ko Faith will saved you!!!”

          Nang masabi ito ni Lolo napasigaw ako ng malakas (LOLO!!!) dahil nakita kong limang pares ng mga nagbabagang pulang mata ang lumapit sa kanya at hinagis ang Lolo palabas ng kwarto kasabay ang biglaan pagsara ng pintuan.  Nataranta ako ng makitang napakarami na nila. Napatakbo ako kina Mommy pero hindi na ako nakarating sa kanila dahil hinarangan at pinalibutan nila ako. Nagsimula na ring maglutangan ang lahat ng gamit sa loob ng kwarto. Hindi ko na alam ang gagawin ko mistulang walang hangin. Unti-unti akong nawawalan ng hininga kahit malamig naman ang nararamdaman ng aking balat. I heard my mother and sister scream habang yakap yakap sila ni Daddy. Bahagyang lumutang o itinaas ang kama at pinipilit kong makita ang aking ama. Pero sa tuwing pagtatangka ko may mga pulang mata na humaharang sa paningin ko.

“Daddy!!!! Daddy!!!! Daddy!!!” ang sigaw ko.

          Napaiyak ako ng sobrang lakas dahil na rin sa takot na nararanasan ko. Umalingawngaw sa isip ko ang paulit-ulit na sambit ni Lolo sa amin.

“YOUR FAITH WILL SAVE YOU.”

          Narinig ko ang boses ni Daddy at inintinding mabuti ang kanyang sinasabi. Nagdadasal si Daddy kaya naman ipinikit ko ang mga mata ko at taimtim na sinambit ang dasal na itinuro sa amin ni Lola. Hindi ko na namamalayan na lumalakas na ang boses ko sa pagdadasal. Kung gaano ako kadeterminadong makipag-usap sa Diyos sa gitna ng pangyayaring ito ay ganun din karahas ang mga sumunod na nangyari. Narinig kong isa isang nagsipagbukasan ang mga bintana namin at mistulang nawarak ang mga ito. Nagulat ako ng para akong binuhat at inihagis sa may bintana.

“Kuya / Anak!!!” sigaw nina Teresa at Mommy.

          Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Daddy at sabay kaming lumagapak sa sahig.  Nanginginig na rin ang buong katawan ko habang pilit kong ginigising si Daddy.  Kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinitigilan ng mga pulang mata. Patuloy akong tintakot na sa bawat titig ay parang unti unti nyang kinukuha ang kaluluwa ko. Kaya naman nanatili akong nakapikit.

“Daddy, Daddy!!!”

          Sunod na narinig ko ang sabay na pagdarasal ng Mommy at Teresa. This time mas lalo akong natakot sa posibleng mangyari. I was trained to be a man. Naalala kong bilin ni Daddy that if he’s not around I’m in charge.  Kahit takot na takot ako nagpasya akong buksan ang mga mata ko. Nilakasan ko ang sarili ko habang nakikipagtagisan sa mga pulang mata. Kasabay nito ang pagadarasal na “Jesus ibinibigay ko na po sa Inyo ang lahat!”

“Si Jesus ba talaga ang Panginoon mo!!!”

          Isang dumadagundong na boses ng lalaki ang narinig ko. Na lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagtayuan.

“OO si JESUS ang tagapagligtas ko. Patayin mo man ako hinding hindi mo makukuha ang kaluluwa ko!!!

          Bago pa man may mangyari ulet sa akin nakita kong tumakbo sila Mommy at Teresa patungo sa akin at niyakap nila ako ng mahigpit.  At ilang minuto’y nawalan na ako ng malay.

  

HABAYWhere stories live. Discover now