Second Revelation

3.2K 124 4
                                    

A/N

Hello Friends,

Here na po ang UD for this story. May mga magaganap na revelation tungkol sa kanilang angkan simula pa lang ang chapter na ito. Sana po magustuhan ninyo.

Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa ng story ko. Sa lahat po ng active readers na nagcocomment at nagvovote kagaya nina Fherdi, jhudy0623, macanndcheese, verronica14, cjbaun, joemarnicol, mmaquirang, bluesw10123, liamlucas, bethboral, venthena, karRie4, MayCagulada, pheejay, sinnedclangbornilla, edzelangel19, PurpleSwallow, tilosrazon, ellahcaballero, jho_06, miaca_jpe, yukimaneclang, takawkepy69, acohsinahylne. At sa lahat po ng mga silent readers ko na tinatawag kong mga "ninja" thank you so much. I really hope to hear something from you friends. Kung pwede ko lang kayong lahat ilagay sa dedication for this update kaya lang isa lang ang allowed so dito ko na lang sinulat ang ibang names. Lahat po kayo ay kasama sa dasal ko nawa'y pagpalain kayo ni God.

Don't forget to VOTE, COMMENT AND SHOW ME SOME LOVE.

Sincerely yours,

Alex_Camiller

First Revelation

Hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang nakapunta ako doon. Nakahiga ako ngayon yakap yakap ang bunso kong anak at ang aking asawa. Actually lahat kami ay magkakatabing natulog ngayon sa sahig. Ganito ang naging epekto ng nangyari kay Nelly, mas lalo kaming naging intact. Mahirap ang pinagdaanan ko pero worth it. Gagawin ko lahat para sa kanila, napukaw ang tapang na alam kong nasaloob ko lang noon. Puno ako ng pag-aalinlangan nung ginawa ni Nick ang bagay na ito noon pero nung ako na mismo ang gumawa ni isang takot wala akong naramdaman.

Nakita ko ang paglabas ko sa sarili kong katawan. Nag iba ang paligid ko para bang nasa isa akong baryo pero ang mga bahay dito ay Spanish style. Actually hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta dahil di ko nakita agad ang kapatid ko. Nagpalakad lakad ako kung saan saan hanggang sa makarating ako sa parang park at doon nakita ko si Nick na kinakaladkad ng mga lalaking nakahood ng pula. Napatakbo ako papunta sa kanya kaya lng bigla na lang akong bumagsak tapos biglang lumutang at ibinitin ako ng patiwarik sa ere.

"Sino ka?" tanong ng isang magandang babae.

"Ibaba mo ko dito!" sigaw ko.

"Bakit naman kita ibaba? Eh hindi ka naman namin kilala. Malay mo at nandito ka para guluhin ang lugar namin."

"Mang gugulo talaga ako kung hindi mo ko ibaba dito!"

Nagtawanan sila at napansin ko napapaligiran na nila ako.

"Sinabing ibaba nyo ko!" sigaw ko ulet at kinapa ko ang zipper ng bulsa ko sabay bukas ng konti lang then nahulog yung mga asin at sa isang iglap narinig ko ang pagkakagulo nila at bumagsak ako.

"Isa lang ang nakagawa nyan noon. Kasama ka ba nya?" sigaw ng isang binatilyo.

Tumingin ako sa kanya at aaminin ko medyo natakot ako dahil nanlilisik ang kanyang mga mata.

"Nandito kami para kunin ang anak ko."

"Wala kang kailangang bawiin dahil lahat ng kinukuha namin ay sa amin na!"

"Kahit kailan hindi naging inyo ang anak ko!"

Nang tumingin ako sa kanila ay nakita ko na sobrang dami nila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at wala naman akong balak magpatalo sa kanila. Kailangan kong makuha ang anak ko kahit na ikamatay ko pa ito. Bigla kong naisip ang sinabi sa akin ni Nick na worst come to worst ang mabisang panlaban sa kanila ay ang asin na inilagay ng kapatid nya sa mga bulsa nya. Pinagsuot kasi sya ni Nick ng cargo pants na puro zipper ang bulsa. Pinayuhan din syang konti konti lang ang paghahagis nito sa kalaban. Unti-unti kong kinapa ang kaliwang bulsa ko para kumuha ng asin pero hindi pa man ako nakakakuha ay may mga naglaglagang na at lahat sila ay nagkagulo, nagsipagtakbuhan palayo sa akin. Isang malakas bagsak ang tinamo ko pero kahit masakit ang nararamdaman ko pinilit kong tumayo. Mahirap na baka kung ano pa ang maisipan nilang gawin sa akin. Nagdilim ang buong paligid ko na para bang bumalik ako sa kagubatan. Akala siguro nila matatakot ako pero sanay na ako sa ganitong lugar laking probinsya yata ako. Ilang beses na kong nakakarating sa gubat dahil sa paghahanap ng nakawalang kabayo o baka na inaalagaan namin. Ang pagkakaiba lang nito hindi ko alam kung saan ang daan. Bago ako nagsimulang maglakad ay pumikit muna ako para magdasal. Humihingi ako ng tulong na bigyan ako ng lakas ng loob para maligtas namin ang anak ko.

HABAYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant