AMULAWING

4.6K 136 10
                                    

A/N

Hello readers.

I hope you will like this chapter.

Don’t forget to COMMENT AND VOTE.

GOD bless you.

AMULAWING

                Bago mag alas diyes ay nakarating na kami sa Ilaya. Ito ang karaniwang tawag namin sa lupang pag-aari namin na tinatamnan ng kinabubuhay namin noon pa man. Napadpad ang mga ninuno namin dito noong panahon ng mga kastila. Isang paraan para maiwasan ang mga mapang-aping banyagang namumuno sa ating bayan. Oo mula kami sa angkan ng mga katipunero’s o guerilla (panahon naman ng Hapon) at base sa mga kwento nagbukas ang bahay namin para tirhan ng mga sundalong nakikipaglaban. Sa tulong ng isa naming kamag-anak na isang lawyer napatala at nabigyan ng titulo ang tatlong ektaryang lupa at doon pa lang naging legal ang lahat. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang aming bahay. Kagaya ng karaniwang bahay na bato na gawa sa mga bricks and stones at wooden upper story with baluster at may kapis shell sliding windows subalit napalitan na ang roof nito.  

“Wow Dad ang ganda ng bahay nyo parang lumang bahay lang sa Intramuros,” sabi ni Jaime.

“Hahaha mga anak dito ako lumaki.”

“In fairness Dad ha ang ganda,” nakangiting sabi ni Teresa.

“Tara pasok na tayo. Hon tara na,” sabi ni Ella.

“Nicolas!!!” 

“Tatay!!!”

“Kamusta na ang doctor ko?”

“Hahaha Tatay maayos naman po ako. Kasama ko ang pamilya ko, natatandaan nyo pa po si Estrella.”

“Oo naman.”

“Mano po Tatay, mga anak magmano kayo sa Lolo ninyo,” sabi ni Ella.

“Kaawaan kyo ng Diyos. Naku ang lalaki ng mga apo ko. Tara na pasok na magpapahanda ako ng pagkain.”

“Salamat tatay.”

                May konting pagbabago sa loob ng bahay siguro dahil iba ang pagkakaayos. Dali-dali akong nagtungo sa silid ni Nanay. Nais ko kasing matignan sya agad.

“Nanay nandito na po ako.”

“Nicolas?” malambing na tugon ng aking Nanay.

“Opo.”

“Ay anak ko,” sabi nya sabay yakap sa akin.

Tumugon ako sa kanyang yakap, “May sakit daw po kyo?”

“Lagi lang masakit ang ulo at saka nilalagnat ako minsan.”

“On and off po ba ang lagnat?”

“Medyo. Kamusta ka na anak ko?”

“Mabuti naman po. “

“Beatrice nandito ang mga apo natin!” bungad ng aking Tatay.

Mabilis na pumasok sina Jaime, Teresa at Ella para magmano.

“Kaawaan kyo ng Diyos. Ang gaganda ng mga anak mo. Nick and Ella alagaan ninyo ang mga anak ninyo ha.”

“Opo,” sabay naming sagot ni Ella.

“Nanay ichecheck ko kayo ha. At kung sakaling makita kong kailangan kayong dalhin sa hospital huwag matigas ang ulo ha.”

“Mawawala rin itong nararamdaman ko anak. Nahabay lang ako.”

HABAYWhere stories live. Discover now