The Attack - Mga Boses

2.8K 90 3
                                    

A/N

Hello readers,

This is the last attack na naranasan ng pamilya ni Nick sa Ilaya. But this is not the end dahil marami pang magaganap sa buhay nila. Nakakatakot magkaroon ng third eye no. Parang wala kang karapatang matakot kung hindi talo ka.

Maraming salamat sa lahat ng nagbabasa ng story ko. Dalangin ko na lahat kayo ay gabayan ng Diyos.

Don’t forget to COMMENT, VOTE AND SHOW ME SOME LOVE.

The Attack – Mga Boses

Ephesians 6:16  Above all, taking the shield of faith, wherewith ye shall be able to quench all the fiery darts of the wicked.

        Alam kong panaginip lang ito dahil nakita ko ang sarili kong katawan na natutulog katabi ni Mommy at nakahiga naman sa sahig sina Daddy at Kuya. Naglakad ako palabas ng kwarto nang marinig ko ang ingay sa kisame. Wala namang attic ang bahay nila Lolo’t Lola pero bakit ganun parang may naglalaro ng jolens. Nagulat ako sa magkasabay na bagsak ng mga naglalaglagang jolens at kalampag sa pinto. Bigla akong napatakbo pabalik ng kwarto namin.  Lakas loob akong sumilip sa maliit na butas ng aming bintana, ang kwarto kasi namin ay nakaharap sa lugar kung saan sumisikat ang araw na sya ring lokasyon ng main door.

        Nanginig ang buo kong katawan ng matanaw ang napakaraming taong nakasuot ng pulang hooded cloak na nagkalat sa buong paligid ng bahay namin. May grupong tila nakapila sa harapan ng pintuan namin at may dalang troso na inihahampas sa pintuan namin para mabuksan ng tuluyan. Sa takot ko bigla akong bumalik sa kama at narinig ko ang napakalakas na boses ng isang lalaki.

“UMALIS NA KAYO DITO!!!!”

        Sa simula isa lamang ang naririnig ko nang lumaon ang dami dami na nila na sumisigaw sa tainga ko at paulet-ulet na sinasabi.

“UMALIS NA KAYO DITO!!!!”

        Pilit kong hindi pinakikinggan ang mga naririnig ko nang marinig ko ang malakas na yabag papunta sa kama namin at maya maya’y naramdaman ko ang paghinga nya sa tainga ko at narinig ko ang strained voice saying,

UMALIS NA KAYO DITO!!!!”

        Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan at napasigaw ako ng buong lakas.

“Daddy!!!!”

        Naramdaman ko ang biglang pagyakap sa akin ng aking mga magulang at ng imulat ko ang aking mga mata nakita ko ang pag-aalala.

“Teresa anak Im here,” sabi Mommy.

“Si Daddy ito.”

        Halos hindi ako makausap ng maayos sa sobrang takot at panginginig ng buong katawan bago ako nakapagsalita.

“Daddy,  Mommy may lalaki akong narinig pinapaalis nya tyo. Walang tigil sa pagsasalita.”

HABAYWhere stories live. Discover now