"Hello there kiddo, I'm Luigi...boyfriend ng ate mo.." Nakita ko ang pagkinang ng mga mata ng kapatid ko. Mukhang magaan ang loob nito kay Luigi.

"I can't help but feel envy with Chuno.." napataas ako ng kilay sa bulong ni Luigi.

"You call him baby, pero sa akin wala kang endearment." Dahan-dahan ko itong siniko. Natawa naman ito. Paano magbblush na namam ako panigurado nakakahiya kapag nakita nila nanay sabihin kilig-much ako sa katabi ko.

Habang nag-aantay ay tahimik na nilalaro ni Chuno ang nga laruang pasalubong ni Luigi sa kanya.

Nagulat kami nang may papalapit na nagsisigawan. "Bwisit! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko babae si Maricris! Tangna naman buhay oh! " boses iyon ni tatay.

Ito ang isa sa kinatatakot ko na baka maabutan namin ni Luigi ang mga magulang ko na nag-aaway. Nakatanggap kasi ako ng text mula kay Didi na madalas pagbuhatan ng kamay ni tatay si nanay. Naluluha tuloy ako lalo ng biglang lumapit si Chuno sa akin na parang naiiyak na rin. Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak ni Luigi sa akin kaya para akong nanghina.

"Hindi mo ako masisisi Rodel! Huling-huli ka na!! Ang sabi nila Toto, hindi ka pumapasok sa trabaho, nakikipagkita kay kay Maricris na iyon!" Malamang papasok na ang dalawa dito sa bahay dahil mas dinig na ang hikbi ni nanay gayun din ang mga yapak nila. Panigurado pinagtitinginan na naman kami ng mga kapitbahay namin.

"P*tangina! Mas naniniwala ka sa tarantadong Toto na yon! Alam mo naman pumoporma lang yon sa anak mo! Nagpapasipsip.." hindi ko maiwasang manliit dahil sa lumalabas sa bibig ng tatay..

"Rodell!---" natigilan si nanay nang mapansin na kami nito. "A-anak..!" Humahangos na lumapit sa akin si nanay at niyakap ako. Pigil-luha kong ginantihan ng yakap ang nanay.

"Oh andyan pala ang anak mo! Mukhang may kasamang bigatin ah..toy! Sayo ba yung magarang sasakyan sa labas?" Nanlaki ang mata ko nang prenteng kausapin ni tatay si Luigi.

"Tay!" "Rodel!" Sabay naming saway ni nanay kay tatay.

"Ako nga po...Luigi Miguel Fortalejo po" hindi ko alam pero nalungkot ako nang hindi nito binanggit kay tatay na boyfriend ko siya gaya ng pagpapakilala nito kay Chuno.

"Sigurado ka na ba sa lalaking iyan anak?" Matapos ang nangyari kanina ay umalis nalang bigla si tatay. Tataya daw ng loto. Hindi parin ako makapaniwala na napahiya ako sa harap ni Luigi. Naging tahimik naman ang lalaki at nakikipag-usap lang kay Chuno habang tinutulungan ko si nanay sa hugasin.

"Mabait naman po siya nay." Pagkumbinsi ko rito.

"Anak..wag mong masyadong ibigay ang puso mo ha..mayaman ang lalaking iyan, alam mo naman.." pinutol ko ang sasabihin ni nanay. Naiitindihan ko kung bakit ganito na lamang katakot sa akin si nanay. May nakarelasyon din kasi siya noong lalaki na mayaman at iniwan lang siya.

"Alam ko po nay.."

"Luigi..pasensya ka na nga pala sa nangyari kanina..ano..nakakahiya" kanina pa kasi ito tahimik at parang napakalalim ng iniisip. Pakiramdam ko may nagbago nang malaman nito kung gaano kagulo ang pamilya ko.

"It's ok Samantha...lahat naman nagdadaan sa ganoong problema." Nakangiti ito pero parang pilit lang.

"Maiintindihan ko kung...kung iiwanan mo na ako. " bigla nitong hinawakan ang kamay ko. Parang may kung ano ang bumara sa lalamunan ko habang sinasabi ko iyon. Maisip ko pa lang na lalayuan ako ni Luigi parang may tumutusok na sa puso ko. Alam ko...alam kong..may nabubuo ng lugar sa puso ko ang lalaking ito at unti-unti akong binabalot ng takot.

Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan. Nang makarating na kami sa dorm ay hindi ko na hinintay na pagbuksan ako nito. Agad na akong lumabas ng sasakyan. Habang tumatagal na hindi siya nagsasalita pakiramdam ko ay may mabigat na dumadagan sa aking dibdib. Madiin na naman ang pagkakagat ko sa aking labi.

Nagulat ako nang hawakan ako nito sa braso at hinarap. Mabigat na buntong hininga ang binitawan nito. "I'm sorry Samantha..look, hindi kita iiwan..yung estado mo sa buhay, yung pamilya mo..kahit nakilala ko sila, it all didn't matter. Siguro..nagulat lang ako..I was..thinking of you..kung papaano mo nahahandle yung ganoon. That's it. Nag-aalala lang ako for you" mahabang litanya nito na para bang kanina pa niya minemorize ang sasabihin sa akin. Niyakap ako nito at hinalikan sa noo."stop overthinking...I'm here for you

.lalo na ngayon, ngayon alam kong mas kailangan mo ako.." gumanti ako ng yakap dito.

Nang makaalis na si Luigi ay nanatili akong walang masabi. Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko. Naisip ko ang mga sinabi niya sa akin. Naantig ang puso ko lalo na ng sinabi nyang kailanman ay hindi magiging hadlang ang estado ng buhay namin. Ngayon ko narealize na hindi lang ako nahuhulog...mukhang mahal ko na talaga siya.


The Badboy's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon