Prologue

13.4K 410 50
                                    

"Opening bid will begin at 100,000 dollars?"

Panimula ng isang lalakeng nakamaskara na siyang dahilan kung bakit masama itong tinitignan ni Bridge ngayon. Gusto man niya mura-murahin ang lalakeng nang-kidnap sa kaniya ay hindi niya magagawa dahil sa panyo na nasa bibig niya at pati na rin ang iniindang sakit sa likod ng ulo niya. Pakiramdam nga rin niya ay mas nahihilo siya dahil sa mga spotlights na nakatutok sa kaniya at sa nakakairitang boses ng lalakeng kumidnap sa kaniya na umaalingawngaw sa buong stage room--- pati na rin siguro sa ulo niya.

Napahinga na lamang si Bridge nang malalim at napatingin sa paligid niya. Hindi na niya masyado pinakealaman pa ang mga taong pinagpyepyestahan at nagbibigay interes sa kaniya ngayon habang nagsasabi sila ng kani-kanilang presyo para makuha si Bridge. Like seriously, ano ba ang tingin nila sa kaniya? Antique? Dagdag collection sa kung anong meron sila? Fucking human traffickers, fucking illegal auction, fucking headache, fucking mafias, fucking pieces of shit. He can't live like this anymore! Fucking hell!

Hindi niya na alam kung nakailang mura na siya sa isipan niya, pero agad iyon iniwaksi nang magpintig ang tenga niya sa narinig niyang impit na pag-angil na parang bang mayroong nasasaktan. Napatingin si Bridge sa gilid malapit sa backstage, at kita niya roon ang isa ring binata na nakakulong katulad sa kulungan na kinalulugaran niya ngayon. Wala itong suot na paintaas at naka-itim na shorts ito. Hindi ito nakatali o kung ano pa man pero halata mong sinusubukan nitong hindi gumawa ng kahit na anong ingay dahil sa baril na nakatutok sa ulo nito. The young man is crying as he also catches Bridge staring at him. Parang mas lalo pa ata itong naiyak dahil siguro nakikita nito kung ano ang susunod na mangyayare sa kaniya. Kita naman ni Bridge na lalong idiniin sa binata ang baril kaya agad itong umiwas ng tingin at napayuko na lamang.

Hindi nagtagal ay iniwas na rin ni Bridge ang tingin dito. Ayaw naman niyang panoorin ang mukha ng binata na punong puno ng takot. He feels like it will hunt him in his dreams. If Bridge ever gets out of here, he will make sure that the young man will be out of here too. Pero ang tanong, makakaligtas nga ba siya rito?

"500,000 dollars!"

Tinuon muli ni Bridge ang atensyon sa harapan at kailangan niya pa talagang titigan nang maigi kung sino ang nagsabi no'n. He frowned as he saw an old looking man to the front seat who seemed so proud of himself. Bridge even cringed as he saw the old man's dirty lustful stares at him. Damn this hungry pedophile. Mapapadasal ata siya nang 'di oras dito. Sana pala nang inihampas sa kaniya 'yong upuan bago siya mahimatay ay tuluyan na nabagok 'yong ulo niya at nawala na lang agad dito sa mundo, kaysa sa makasama ang matandang 'yan.

Nasaan na ba ang kaibigan niyang pumoprotekta sa kaniya?

"Don't go look for your bodyguard. At this point of your life, I should be the one you're looking for."

Bridge frowned as he remembered what the creepy maniac told him. Really? He's thinking about him right now? Neither himself can't believe at this point. And he shouldn't even bother thinking about that creep in the first place. Lalo na ngayon at tinakasan ni Bridge ang kasal nilang dalawa, at pinagmukha niyang tanga sa harap ng maraming tao ang lalakeng itinakda sa kaniya. Sa palagay niya ay wala na iyon pakealam kung anong mangyare sa kaniya ngayon, sa laki ba naman ng kahihiyan na dinala niya sa pamilya ng lalakeng iyon. Baka nga tuluyan na rin talagang tutulan ng ama ng lalakeng iyon ang arrange marriage at ipapakasal na lang sa babae ang kupal niyang anak.

Bridge sighed as the wound at the back of his head throb, like it is also telling him to stop thinking nonsense. Well it's not totally nonsense, he should be celebrating right? Kasi iyon naman ang gusto niya? Ang tuluyang mawala ang kupal na iyon sa buhay niya. But why does Bridge's heart feel so heavy just thinking about HIM marrying someone else. And HIM having a child with the woman his father likes. Pakiramdam ni Bridge dahil lang 'to sa sakit ng ulo niya. Right?

"500,000 dollars, going once, going twice..." Sabi ng lalakeng nanguha sa kaniya na halata mong mapupunit na ang mukha nito sa lawak ng ngiti nito. Kahit kalahati lang ng mukha nito ang natatakpan ng maskara, hindi mo talaga maipagkakaila na masaya ang hinayupak na ito sa nangyayare. Kita rin ni Bridge ang mga tao sa paligid ng matanda na parang kino-congratulate na nila ito.

Looks like he's totally doomed.

"600,000 dollars." Rinig niyang sabi ng isang lalake na nakapwesto sa bandang likod ng mga manonood. He can't really see the mysterious man's face that well since the man is wearing a dark hoodie or something like a cloak that totally hides its head and face. But even if he's not wearing any of those, Bridge won't be able to see his face anyway because of these blinding spotlights. Although Bridge did hear his voice and it's abnormally deep. Like it's so deep, the kind of voice that will make you jump when you hear it out of nowhere.

"600,000 dollars from the Mister over there." Sabi ng lalakeng nakamaskara at mukhang nagtataka rin ito sa kung sino ang misteryosong lalakeng nagsalita.

"650,000 dollars!" Sabi muli ng matanda kanina na siyang pinalakpakan ng marami. Kita pa ni Bridge ang pagngisi nito sa gawi ng lalakeng naka-hoodie. Nagyabang pa nga ang bwisit. Jusko, kailan ba matatapos 'to?

Magsasalita pa sana ang lalakeng nakamaskara nang biglang sumabat na muli ang misteryosong lalake. "1 million dollars."

Rinig sa paligid ang pagsinghap at gulat sa mga manonood. Kahit ang nang-kidnap kay Bridge ay hindi maipinta ang mukha sa narinig. Nilamon na ng bulong at iilang palakpakan ang buong paligid habang nakatuon ang atensyon nila sa misteryosong lalake.

"1 m-million dollars!" The kidnapper said as he rarely got over his shock. "G-going once! Going twice!---"

"50 million dollars." Rinig naming sabi muli ng misteryosong lalake habang nakataas muli ang kamay nito.

Halos lahat sila ay nagtataka na sa ginagawa nito. At pati na rin sa laki ng perang sinasabi nito ngayon. Is the mysterious man okay? Mukhang may tama ata ito bago pumasok dito. Sino mag-aaksaya ng ganiyang kalaking halaga, lalo na wala namang kumontra pa sa huling presyo na sinabi nito? Hindi ba nito alam kung paano 'tong lecheng auction na ito o sadiyang may saltik ata ang isang 'to.

"50 million?!" Gulat pang sabi ng kidnapper at mukhang namamawis na ito sa sobrang tuwa sa naririnig niya, kaunti na lang ay mukhang makakaihi pa ito sa pantalon nito. Ngunit hindi nagtagal iyon nang magsalita muli ang misteryosong lalake.

"50 million dollars." Then Bridge saw the mysterious guy take the hoodie off of his head. Bridge tries to squint his eyes to see the mysterious man's face. "And the lives of the people inside this room."

At bago pa man makapag-react ang mga tao sa paligid, agad na naglabas ng mga baril ang karamihan sa mga manonood na mukhang kasama ng misteryosong lalake. Tinutok nila iyon sa mga manonood na nagsipagsigawan at mukhang nagpa-panic na dahil sa mga nangyayare. Ang ilan ay nagtangka pang manlaban at naglabas din ng kani-kanilang mga sandata ngunit napipigilan naman sila ng mga tauhan ng misteryosong lalake.

Nabaling naman ang tingin ko sa lalakeng nakamaskara na burado na ang mga ngiti sa labi nito at parang namumula ang mukha nito sa galit habang nakatingin sa lalake. Bridge can't even look at the mysterious guy properly because of these goddamn blinding lights.

"Y-You!" Sigaw ng kidnapper at agad na tumakbo sa gitnang baba ng stage kaya likod na lamang nito ang nakikita ni Bridge habang tinuturo nito ang pwesto ng lalake. "What the hell are you doing here?!"

Nakita ni Bridge ang pigura ng misteryosong lalake na naglakad papaalis sa kaniyang pwesto sa likod. Bridge watches the mysterious man's silhouette with anticipation as he is getting closer to the stage and swiftly walk between the sea of audience. 'Yong mga malapit sa stage ay nakita ni Bridge ang mga gulat sa kanilang ekspresyon at parang bang nakilala ang lalakeng naglalakad papalapit sa kanila. Halos hindi na siya gumalaw sa kinauupuan, pati rin ata paghinga ay napigilan niya rin hanggang sa tinulak ng mga tauhan ng lalake ang ibang manonood sa harap paalis sa daraanan nito.

Bridge silently gasped as he got the chance to look at the man properly. The mysterious man removes some type of device that is masking its nose down to its lips. The corner of the man's lips tugged upwards and showed his devilish smirk at Bridge. The man's eyes are glinting with amusement as he stares at Bridge's not-so-good situation.


































"Found you."

Creepy ManiacWhere stories live. Discover now