Nakarating na sila sa canteen na medyo tahimik na rin. Marami ngang estudyante pero hindi mo mababakas ang saya sa kanilang mukha.Gabi na rin at mamaya ay may mamamatay na naman. Hindi nila alam kong masisilayan ba nila ang umaga bukas, hindi nila alam kong mahahawakan pa nila ang mga kaibigan nila. Hindi nila alam kong makakatawa pa sila. Dahil papalapit na ang oras nang kamatayan ng bawat isa.
"Wait us there" hawak ni Taehyun sa balikat ni Kleina na nangunguna papuntang counter para sana omorder. Tumango nalang ang babae dahil wala rin siyang ganang bumili sa nalalaman niya.
"Anong gusto mo?" tanong sa kanya ni Taehyun. Pansin nilang malapit na sa kanila sila Kai kasama sina Soobin na nasa tabi niya kaya napairap nalang si Kleina at hinarap si Taehyun.
"Anything Tae" bigla namang namula si Taehyun sa nickname na biglang tawag sa kanya ni KLeina. Napansin ni Kleina ang pamumula ni Taehyun kaya bigla siyang napangiti.
"A-hah okey" tumalikod na ito sa kanya at hinila si Beomgyu at nagsabay na silang lima papunta sa counter. Napailing nalang siya.
Lumipas ang ilang minuto ay nakarating narin sila. Katabi na ngayon ni Kleina si Yeonjun habang katabi nito si Kai. Si Taehyun ang nasa harapan niya habang katabi nito si Soobin at Beomgyu.
Tahimik lang silang kumain gawa narin ng tahimik na paligid. Parang kanina lang subrang ingay ng canteen pero pag sapit ng gabi ay puno ng takot ang paligid. Takot sa kamatayang kumakaway sa kanila.
Sa kabilang banda ay nakangising nakakaloko ang killer habang pinakikiramdaman ang tahimik na lugar. Puno talaga ng takot ang mga estudyante at doon siya masyadong nasisiyahan. Nasisiyahan siya kapag natatakot ang lahat sa kanya, sa pagpatay niya.
Bigla niyang binalingan ang susunod niyang papatayin mamaya. Tahimik lang din itong kumakain. Parehas na iniisip kong siya na rin ba ang susunod na makakaharap nang isang kabrutalang kamatayan.
"Hey, mag ingat kayo mamaya. Siguraduhin niyong maayos niyong na lock ang mga pinto at bintana niyo. And ikaw Kleina." rinig na sabi ng killer kay Soobin. Tinignan niya rin si Kleina na nakatingin narin kay Soobin. Nakita niyang nilahad ni Soobin kay Kleina ang isang gawa nilang lock na subrang secured, mahirap itong sirain. Si Beomgyu mismo ang nakaisip at gumawa nun, samahan mo na rin sa mga ibang bagay na inambag nina Soobin at Taehyun.
"Get this, ito gamitin niyong lock sa dorm niyo.......Ayaw naming mangyari ulit samin ang nangyari kay Aphro" may bahid na lungkot sa boses ni Soobin kaya nakangiting tinanggap ito ng babae.
"Don't worry kuya, i will use it"
