"Miss her?" tanong ni Beomgyu habang tumabi kay Soobin sa railing ng building at parehas na nilalanghap ang hangin. Nginitian lang siya nang mapait ng lalaki at tinitignan ang langit. Inaano kong anong ginagawa ng kasintahan sa langit ngayon. Nakatingin rin ba ito sa kanya. Na mimiss rin ba siya nito, dahil siya subra. Mahigit isang taon narin nang mamatay ito, pero hindi parin nahuhuli ang may gawa at hindi parin natitigil. Marami nang nawala, marami narin na nag transfer sa school nato na walang kaalam alam sa nangyayari.
"Why? You dont miss your girl too?" tanong niya rin kay Beomgyu na napatahimik bigla. Mahigpit siyang humawak sa railing at ramdam ito ni Soobin kaya hinawakan niya rin ang mga kamao nito para pakalmahin. Alam niyang sa kanilang lima si Beomgyu ang gustong gustong sumulong kung sino man ang killer sa paaralan nila. Gusto niyang ipaghiganti ang kasintahan niya. Ang babaeng totoo niyang minahal, si Ali Mint.
"Calm down Gyu, madadakip rin natin ang demonyo" sabi niya sa binata and squeeze his hand. Dumating na rin ang mga kaibigan nila. Nag tungo sila sa cafeteria para kumain. Ang mga estudyante na nasa loob na masayang kumakain, nag kwekwentuhan at nag aasaran sa mga kaibigan nila. Pero pagdating nang gabi ay takot na ang bumabalot sa kanila.
Nakangisi namang nakatingin ang killer sa mga estudyante dito, excited na siyang pumatay ulit mamaya. Parang gusto niya nang makakita ng dugo. Nahagip niya naman ang susunod niyang biktima na masayang nag kwekwentuhan sa mga kaibigan nito. Binabatukan niya pa ang lalaking nasa harap niya habang pinapatawa siya.
Ngumisi nang parang demonyo ang killer. "Let's treasure that smile, because this is the last day you will see that adorable smile, laugh, and presence" sabi ng killer sa isip niya at napahagikhik ng mahina.
"Hoy!" nagulat ang killer sa palo sa balikat niya.
"Anong tinatawa mo diyan, mukha kang timang tae" natatawang sabi sa kanya ni Yeonjun. Sinamaan niya lang ito ng tingin at naunang naglakad at binigyan ng batok si Yeonjun. Naghabulan naman sila sa cafeteria. Masaya namang tinignan ni Soobin ang mga kaibigan.
Sana ganito sila sa mga susunod na araw. Gusto niyang protektahan ang mga ngiti na yun. Nakaupo na sila at nag order na sina Yeonjun and Taehyun. Habang naiwan sina Beomgyu, Kai, and Soobin.
Kinuha naman ni Soobin ang phone niya at napangiti nalang nang makita ang mukha ng girlfriend niya habang naka kiss sa cheek niya kong saan nandon ang dimple niya. Kuha ito nung first anniversary nila. Bigla nalang siyang inakbayan ng kasintahan at kinuhanan sila ng picture. Napangiti siya hindi sa masaya pero dahil sa lungkot. Hindi niya na masisilayan ang mga ngiti na yun.
"Alam niyo ba may napansin ako kagabi" nakuha ang atensyon nila kay Kai na biglang nag salita at humarap sa kanila.
"What?" naka cross ang mga kamay ni Gyu at nilalaro ang phone nito sa kamay nito. Tumikhim muna siya at napansin na papadating na sila Yeonjun and Taehyun kaya inantay muna nila ito.
"Yah! faster" sigaw sa kanila ni Beomgyu. Mabilis naman silang naglakad nang makita rin nilang pinapadali sila ni Soobin. May mahalaga atang pag uusapan ngayon.
"What?" tanong agad ni Taehyun paglapag ng pagkain nito. Kinuha agad ni Kai ang mga pagkain niya at nakatingin na sa kanya ang mga kaibigan niya kaya uminom muna siya.
"May napansin ako kagabi" seryosong sabi nito at nakatingin sa juice niya na hawak. Habang pinoproseso ang mga nakita niya kagabi.
"I think I saw the killer.........." napatigil naman ang mga kaibigan. Nalaglag pa ang kutsarang hawak ni Yeonjun. Marahas na napatayo si Gyu at nilapit ang ulo kay Kai.
"Who?!" galit at may diin na bulong nito. Pinalo naman siya ni Soobin na kaharap niya at kahit siya ay gustong malaman. May side na naging masaya siya dahil sa wakas may clue na sila kung sino ang killer. Malapit na rin nilang makamit ang kalayaan at hustisyang hinahangad nila.
"Binuksan ko ang eyehole ng pinto natin kaninang 3 A.M baka may makita ako"
Tinignan niya ang mga kaibigan na seryosong inaantay ang mga susunod niya pang sasabihin.
"And may nakita akong dumaan sa harap nang pinto, naka maskara siya na may dugo...." ramdam sa boses ni Kai ang takot. Biglang hinawakan ni Soobin ang kamay niya na nanginginig. Ito ba ang dahilan bakit subrang pawis ni Kai kagabi at subrang takot nung nagising siya dahil sa galaw ng kama ni Kai.
"A boy" napatingin naman sila kay Taehyun.
"Paano mo nasabi?" tanong ni Beomgyu sa kanya.
"Kai said na dumaan siya sa harap ng pinto, and galing siya sa male dormitory"
"Yes, kasi ang victim kagabi ay babae..." napatingin naman sila kay Beomgyu. Mas lalo silang nahulog sa isang malalim na pag iisip. May clue na silang lalaki ang killer, pero sino?
Subrang daming lalaki ang nasa floor nila that time. And nasa dulo at malapit saa hagdan ang dorm nina Kai at wala nang kasunod na kwarto.
"Sa tingin niyo nandito ang killer sa cafeteria nato?" tanong ni Yeonjun.
"Ofcourse, finding his new victim this night" kalmang sabi ni Taehyun sa kanila. Mas lalong nangilabot si Kai sa narinig.
"Paano kong isa sa atin ang sunod" mahinang bulong ni Beomgyu. Naiiyak na naman siya.
Bigla naman siyang binatukan ni Yeonjun.
"Wag ka ngang mag salita nang ganyan Gyu, mabubuhay tayo. Walang mamatay. And masyadong secured ang mga dorm nating dalawa. Magiging safe tayu. Tiwala" sabi sa kanya ni Yeonjun. Tinignan niya naman ang kaibigan at nginitian niya itong sinasabi na magiging okey ang lahat.
Nakahinga naman sila nang maluwag, totoong secured ang dorm nilang mag kakaibigan. May ginawa silang lock na subrang bigat at mahirap buksan galing sa labas. Kahit ang bintana nila ay may rehas. Kaya kahit alam nilang hindi sila mapapasok ng physco na yun ay nababahala at natatakot rin sila sa iba. Gusto na nilang tuldukan ang patayan na nagaganap taga gabi. Kaya nagplaplano sila nang palihim.
Pero hindi nila alam na pinagtatawanan na sila ng physco ngayon. Mga plano nilang nalalaman niya rin. Masyadong mga bobo ang mga kaibigan niya. Naaawa siya na natatawa. Pero naaliw siyang nakikita silang ganito. Desidido, matapang, and the same time takot. Kaya kating kati na siyang pahirapan at mag makaawa ang mga ito sa mga buhay nila.
"Peace? Hell no, I love killing and we love killing" sabi ng physco sa isip niya at tinitignan ang mga kaibigan niyang nag plaplano sa susunod nilang gagawin. Tinignan niya rin ang isa at sabay silang napangisi. Naaaliw sila sa nakikita.
