Natapos na ang araw nato at sinakop na nang dilim ang maputing kalangitan. Sinamahan na si Kleina ng kanyang bagong ka roommate, medyo nagulat siya na roommate rin pala ito ng kapatid niya. Mas lalo tuloy namuo ang galit niya sa pumatay ng ate niya. Mas lalo siyang nagkagustong imbestigahan rin ito.
"Alam mo bang masyado kayung mag kamukha ni Aphro?" tanong ng kasama niya habang binubuksan ang pinto ng dorm nila. Ngumiti naman siya sa sabi ng ka roommate niya.
"Yeah haha" nakita niya naman ang bakanteng kama ng ate niya na kong saan ay doon narin siya hihiga. Nilagay niya ang mga gamit niya doon at sinabit ang bag niya sa isang stall kung saan may mga coat doon.
Nag paalam na muna ang ka roommate niya at may bibilhin lang sa store ng eskwelahan. Napailing nalang siya nang hindi niya parin alam ang pangalan nito. Niligpit niya naman ang mga gamit at damit niya sa isang green na cabinet na maraming kolorete. Maganda ang desenyo. Ngayon niya lang nalibot nang tingin ang kabuuan ng dorm. May green and white theme ito. Maganda sa mata. May dalawang bed na subrang lambot with this green pillow and kumot. May mini kitchen rin siyang natatanaw. Sakto ang kagamitan.
Binalik niya ang paglalagay ng mga damit niya sa cabinet. Nang binuksan niya ang isang bakanteng cabinet ay may napansin siyang isang...hoodie? Kinuha niya naman ito at tinignan. Medyo pamilyar sa kanya an hoodie na to. Umupo siya sa kama niya at iniisip kong kanino ang hoodie nato, at kung saan niya to nakita. Alam niyang hindi sa ate niya to. Hindi nangngulekta si Aphro ng Blue jacket, into dark colors ang ate niya.
Bigla namang may lumabas na bumbilya sa isip niya nang maalala niya kong saan niya to nakita.
Flashback
Nakita kong lumabas si Ate sa kwarto niya habang hawak hawak ang phone niya. Nasa kusina siya nun at umiinom ng tubig nang nag break muna siya sa project na ginagawa niya. Nakangiti itong lumabas sa bahay. Sinundan naman niya ang kapatid niya at nagtago. Nakita niya ang ate niyang may kayakap na lalaki. Matangkad ito at nakagilid ito sa kanya. Hindi niya masyado kita ang mukha nito. Pero nakahawak ang lalaki sa waist ng kapatid niya habang nasa gilid sila nang sasakyan ata ng lalaki. Naka Blue jacket ito with his ripped jeans and boots. Masyado itong manly sa tingin niya. Nag kwekwentuhan parin ang kapatid niya sa lalaki hanggang sa pumasok sila sa sasakyan.
Umalis nalang siya dahil baka yan yung nangliligaw kay Aphro na isang Choi Soobin sa school nang ate niya. Balita niya sila na eh.
Matagal na dumating ang ate niya habang siya ay nasa sofa lang at nanonood ng movie habang hinihintay ang ate niya. Nagulat naman si Aphro nang makita si Kleina sa sofa. Napailing nalang siya at tinawag siya ni Kleina na umupo sa tabi niya.
"Soobin?" medyo may gulat sa mukha ni Aphro pero nakabawi naman siya agad.
"Y-yeah" pansin niya naman ang balisa sa boses ng ate niya pero hindi niya nalang ito pinansin. Nanonood nalang sila ng movie hanggang sa nakatulog na silang dalawa.
END OF FLASHBACK
Nilagay niya muna ang jacket sa drawer na katabi ng kama niya na may green lamp rin at isang square alarm clock. Ibibigay niya kay Soobin mamaya to.
