"May namatay na naman kanina" seryusong sabi ni Soobin habang kaharap mga kasama niya. Nasa abandonadong classroom sila kong saan madalas silang tumatambay. Bahid ang gulat sa mga mata ni Kai at napatahimik rin ang iba.
"I'm scared Hyung" sabi ng inosenteng kaibigan nila. Siya ang pinaka bata sa kanila at ayaw nilang nakikita ng bunso nila ang mga kabrutalan nito. Kapag napapadaan sila sa kumpulan dahil sa may namatay na naman ay bigla nilang hinihila si Kai palayo. Ayaw nilang makita ng lalaki ang kabrutalan kong sino man ang pumapatay.
"Kailan ba titigil ang pumapatay?" Seryoso at may bahid na galit sa boses ni Beomgyu habang nakatingin sa baba. Galit siya dahil pinatay rin ng physco na yun ang girlfriend niyang si Ali. Alam nilang gustong gustong alamin ni Beomgyu kong sino ang pumapatay dahil pinatay nito ang kasintahan niya. Gusto niya ring buhay ang kapalit dahil buhay rin ang kinuha sa kanya. At parehas lang sila ni Soobin , pinatay rin ng halimaw na yun ang kasintahan niya.
Tinignan naman siya ng lahat, pariha silang yun ang gustong makamit, makamit ang hustisya sa lahat ng mga estudyanteng binawian ng buhay ng isang estudyanteng walang alam kundi ang pumatay.
"Wala ulit nakita sa cctv, nakita lang doon ang pagpasok ng lalaki na yun sa dorm niya at biglang nahati ang katawan niya" sabi ni Yeonjun habang nakacross ang mga kamay. Subrang talino nang killer na yon na kahit anino nito ay hindi mo mababakas or nahahagip sa isang cctv. Kaya subrang mahirap tukuyin kong babae ba ito or lalaki. Nakakalito, minsan na rin kasi silang napahamak nong sabay silang nag imbestiga sa gabi. Muntik na silang matamaan sa nahulog na limang kutsilyo galing sa taas.
Kung hindi sila sinabihan ni Beomgyu ay hulang lahat sila ay tigok that time. Nagkasugat lang si Beomgyu sa braso ng saluhin ang kutsilyo na tatama sana kay Kai. Malaking papasalamat nila na hindi malalim ang sugat na yun. Nag papasalamat sila na buhay pa sila sa araw na yon.
Kaya doon ay hindi na sila nagbalak na lumabas. Ayaw nilang may mapahamak sa kanila. Ayaw nilang may mawala ulit. Ayaw nilang may malagas ulit na kaibigan. Ayaw nilang mangyari ulit ang nangyari sa isang bunso nilang kaibigan na nakita nilang limang nakahandusay sa higaan nito habang may nakatarak na kutsilyo sa puso nito at naliligo sa sarili niyang dugo. Yung kama niyang ubod ng puti ay nababalutan na nang pulang kulay. Yung maganda niyang mukha na may bahid ng dugo at luhang natutuyo dito.
Masakit sa kanila ang nangyaring yun, they treasure that girl, especially Soobin, because that girl is his girlfriend.
Flashback
Papunta na si Soobin sa cafeteria at sinusundo muna ang bunso nila or inshort ang girlfriend niya sa room nito. Nag hiyawan naman ang mga classmate ni Aphro ng makita si Soobin sa pinto. Kumaway siya sa babae na masaya naman siyang nilapitan at umangkla sa braso ng boyfriend niya.
"Let's go" masayang sabi niya kay Aphro then kiss her forehead.
Nagtungo na sila sa cafeteria at nakita nila agad ang kumakaway na si Yeonjun habang katabi nito si Taehyun na nasa phone lang ang hawak. Lumapit sila sa lamesa nang mga kaibigan at naupo na. Nagkwentuhan lang sila hanggang sa napunta ang topic nila sa mga estudyanteng namamatay at pinapatay.
"That freak physco is so damn scary" sabi ni Aphro na sinangayunan naman nila. Doon narin nila naisipang mag imbestiga. Imbestigahan kong sino ang mga pumapatay at tuldukan ang mga ito. Ayaw nilang may mawala pa ulit. Pero hindi nila alam na the girl they treasure the most and treat her like their own sister and Soobin's girl will be die tonight.
