TROTIP +39: bluemoon (mom)

18.5K 509 74
                                    

KEY’s POV

 

"it's a part of the prophecy, you should know first the past before you face the future"

what does that mean?

napatingin ulit ako dun sa kulungan, hindi ako pwedeng magkamali, si mama yun, pero, sino naman ang lalaking ito?

*paakk!*

napapikit ako nung nakita kong sinampal ulit si mama ng lalaking iyon.

 "parang awa mo na! paalisin mo na ako dito! kahit anong gawin mo hinding hindi ako mapapasayo! AH!"

"gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang krystal!"sabi nung lalaking maharlika sabay sabunot sa buhok ni mama.

 "kamahalan" napatingin naman ako dun sa tumawag na kamahalan. teka? kilala ko to ah? "mahal na prinsipe pinapatawag po kayo ng mahal na reyna" so prinsipe pala ang lalaking ito?

"bantayan mo ang babaeng ito! hindi yan pwedeng makaalis dito!"

"masusunod po"

umalis na yung prinsipe at naiwang magbantay yung lalaking tumawag sa kanya. kilala ko to eh, pero hindi ko matandaan ang pangalan.

"iho, parang awa mo na pakawalan mo ako dito, nagmamakaawa ako" nakita kong nakaluhod si mama sa tapat nung lalaki kanina.

"hindi po maaari" nakayuko nyang sabi

"parang awa mo na, gagawin ko ang lahat para matulungan ka kung mahuli ka man nilang nakikipag negosasyon saakin, basta hayaan mo lamang akong makabalik sa phantazein ng ligtas. nagmamakaawa ako sayo" humagulhol na si mama habang hinahalikan ang paa nung lalaki.

"patawad pero hindi kita matutulungan" hinila nung lalaki yung mga paa nya at tumalikod kay mama.

"AAAAAAAHHHHH!" mayamaya unti unti kong naramdamang hinihigop na naman ako sa kung saan.

"nasaan ako?" may ghad ang sakit ng likod ko. Nilibot ko ang paningin ko, nasa isang palasyo ako kung hindi ako nagkakamali.

“tutulungan ko siyang makatakas, hindi ko na kaya ang ginagawa sa kanya!”sinundan ko ang boses na iyon at nakita ko yung lalaking nagbantay kanina kay mama dun sa kulungan at may kausap na babae, ang sabi nya tutulungan na daw niya? So it means makakalaya na si mama?

“pero mahal, paano kung mapahamak ka? Paano na si GD?” ngayon ko lang napansin na may dala siyang sanggol sa kanyang mga braso. GD? Kaya pala pamilyar yung mukha nung lalaki, ama siya ni headmaster GD.

“sana suportahan mo ako, ngayon din ay tumakas na kayo at pumunta sa phantazein, susunod ako dun, pangako mahal ko”

“kung iyan ang desisyon mo, basta susunod ka ha? Hindi ko kakayaning mabuhay mag isa”

“paalam mahal”bigla na lamang niya niyakap ang kanyang mag ina at biglang nawa ang mga ito tanging siya na lamang ang natira. Teleportation? Paanong nagawa niya iyon nang hindi siya kasama? Nakapagtataka.

Napansin ko iyong isang kawal na tulad ko ay nakikinig din ng usapan nung mag asawa. Nakita kongdalidali siyang umalis kaya sinundan ko siya. Laking gulat ko na lamang ng magtungo siya sa silid ng sa tingin ko ay nakakataas sa palasyong ito.

“mahal na prinsipe”

“anong iyong sadya dito?”

“narinig ko pong nag uusap si gideon kasama ang kanyang asawa, nais nya daw pong tulungan ang prinsesa ng phantazein na makatakas!”

Wtf? Sinumbong nya?

“ANO?! Ilipat mo sa aking silid ang prinsesa ngayon din!”

Anong gagawin niya kay mama?

“masusunod po kamahalan”

Umalis na yung kawal na nagsumbong kaya’t sinundan ko siya papunta sa lugar ng pinagkukulungan ni mama.

“masaya ka na?” huh? Nagulat ako nung nagsalita si mama, sino ang kinakausap niya? “MASAYA KA NA AT NAISUMBONG MO SI GIDEON SA HAYUP NA PRINSIPENG IYON?! MASAYA KANA?!” ngayon eh nagwawala na si mama.

Nakita ko naman na parang natakot yung mukha nung kawal.

“t-tapat l-lamang po ako sa kamahalan, patawad po”

“TAPAT? HAHA” nakita kong naging ginto ang mga mata ni mama, ang mga matang iyon, iyon ang mata ng isang nilalang na may dugong carleighn.

“ngayon naman ay ang kawal ko ang pinagbubuntungan mo ng init ng ulo?” napayingin ako sa dumating.

“hayup ka! Walanghiya!”

“hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo dito mahal ko, tanging mga hades lamang ang may kakayahang makapagpalabas ng kapangyarihan dito” hinaplos niya ang pisngi ni mama, pero maya maya, dinuraan siya nito sa mukha.

“nakakadiri ka!” nanggagalaiting sigaw ni mama.

“bastos!”

*paakk*

“tawagin mo ang mga tagasilbi! At gawing maayos ang itsura niyan at pagkatapos ay dalhin sa silid ko ngayon din!”

“masusunod kamahalan!”

---

“tulong! Tulungan nyo ko! parang awa nyo na!” nakaayos na ngayon si mama na kinakaladkad ng mga bampira patungo sa silid nung prinsipe. Bampira ang mga taga silbi nila dito, Maya maya ay nasa tapat na siya ng isang malaking pinto, sa tingin ko ito na ang silid na sinasabi nila.

*tok tok*

“kamahalan, andito na po ang prinsesa”

“ipasok nyo na yan”

“masusunod po” sapilitan nilang ipinasok si mama sa silid na iyon at agad itong isinara, naiwan yung mga taga silbi na nagbabantay sa tapat ng silid.

“TULONG! “ wala ni isa man ang nag atubiling tumulong sa kanya.

Kelangan kong makapasok dun para malaman kung ano ang balak gawin sa kanya nung lalaki. Pero may kung ano ang humihigit saakin at nagsasabing wag na.

“are you able to handle it? If yes, I’ll show you the inside”

Yung boses na naman na yun.

“I can”

"if you say so"

unti unting nawala yung pader na humaharang sakin at sa silid kung saan naroon si mama at halos magibal ako sa nasaksihan ko, halos wala ng boses si mama sa pag hingi ng tulong ,unti unting bumuhos ang mga luha ko.

"m-mom"

that prince, he's raping my mom.

---

happy new year!

join the fb group: imBLUEJII

for those who want to have a soft copy i'll post it there once the story finished.

Bluejii<3

The Return of the Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon