TROTIP +41: bluemoon (her)

17.3K 522 69
                                    

KEY’s POV

Hindi pa din ako makapaniwala sa mga pangyayari, paanong si taziah ang iniluwal ni mama? Nangangahulugan ba yun na magkapatid kami?  Yung panaginip ko dati, nandun siya, kasama namin sa bahay. Noon pa lang naisip ko na na may malaking parte sa buhay ng pamilya namin si taziah, pero hindi ko ineexpect ito. Sigurado akong hindi  imposibleng totoo ang mga nasasaksihan ko.

Nakatayo pa din ako ngayon sa silid ni sayriel at nakita kong umiiyak pa din si mama ngayon.

“krystal”

“ipangako mong aalagaan mo ang anak ko, ano man ang mangyari” mama

“anong sinasabi mo? Malamang na aalagaan ko ang anak natin dahil ako ang ama niya at dugo ko ang nananalaytay sa mga dugo niya! Ano ba ang iniisip mo?” giit ni sayriel

“kelangan ko lamang makasiguro” bulong ni mama

“ano ba ang ikinatatakot mo? Pumayag ka sa kasunduang ito na manatili sa tabi ko at maging reyna ko ano man ang mangyari, kapalit nito ay kelangan kong masiguro ang kaligtasan ng anak mo isinagawa ko ang infinite responsibility seal at oras na mamatay si taziah, iyon na rin ang katapusan ko dahil ipinangako ko sayo ang kaligtasan niya” a-anong ibig niyang sabihin? Infinite responsibility seal? Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang seal na ginagamit ng mga maharlika bago tuluyang magsagawa ng kasunduan, kung hindi ako nagkakamali, hindi maaring talikuran ng sino mang nag ugnay ang kanilang kasunduan dahil kung gagawin nila iyon, kamatawan ang kanilang makakamtan. Hindi ako makapaniwala na nakasaksi ako kung paano iyon isinagawa kanina, ibig bang sabihin nito ay si sayriel ang magiging protector ni taziah?

“kung ganon, maaari na akong mamatay” ha? Napatingin ako kay mama at nakita kong sinaksak niya ang kaliwa niyang dibdib. Unti unting umagos ang dugo sa katawan niya maging sa bibig niya, hindi ako makagalaw sa pwesto ko at parang nahigit ang hinika ko dahil sa mga nasasaksihan ko ngayon. Si sayriel, hindi agad siya nakapag react kaya nakatulala lamang siya dun habang unti unti nang nawawalan ng buhay si mama. B-bakit? B-bakit ko to nakikita?

“Everything you see actually don’t seem to be true, sometimes, black invades the light to hide something. And that something, is worth hiding”

Siya na naman. Anong ibig niyang sabihin?

Tiningnan ko ang wala ng buhay na katawan ni mama,nanating nakamulat ang kanyang mga itim na mata, napakadilim ng kulay na iyon to the point na nakapagtataka,  hndi ko ma explain pero parang hindi na ako apektado sa mga nangyayari, yung kanina, dahil siguro sa shock kaya iba yung nararamdaman ko, pero unti unti kong hinanap ang sakit sa aking puso, pero wala akong makapa, bakit ganito?. Wala akong maramdaman na lungkot. Napatingin naman ako ngayon kay sayriel na ngayon ay katabi ni mama at tahimik na umiiyak. Nakita kong niyakap niya ang katawan ni mama. At medyo lumakas na ang hagulhol niya. Nakakawa siyang pagmasdan dahil unti unti mong mababatid ang kalungkutan sa mukha niya. Pero bakit ba ako naaawa sa kaniya? Siya ang may dahilan ng lahat ng ito, siya ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mama ko, at siya din ang puno at dulo ng lahat ng ito, kung hindi lamang siya nabulag sa masamang hangarin niya, hindi mangyayari ang lahat ng ito.

Hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa kanya, pero nabaling ang atensyon ko ng may mapansin akong kakaiba sa katawan ni mama.

“k-krystal” banggit ni sayriel ng nakita niyang unti-unting nagbago ang shade ng kulay ng mata ni mama, mula itim, naging kulay brown, kaya ba parang may mali sa mga mata niya kanina? Ewan ko pero ang mas ikinagulat ko eh nung nagbago ang mukha ni mama, hindi na siya si krystal kundi ibang babae ang nakahimlay ngayon at wala ng buhay. Anong? Paanong? Gulong gulo ang utak ko ngayon.

The Return of the Ice PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon