Chapter 11

4K 258 108
                                    

The next day was surprising. I was woken up by the noise created by the family.

Lahat sila nagmamadaling nag-aayos pero wala man lang gumising sa akin. Sumilip ako sa labas at nahagilap kong nakadamit ng mga magagara ang mga pinsan ko.

Anong meron? May banquet nanaman ba?

"Lady! lady! magbihis na po kayo, narinig ko sa ibang mga katulong na dadating ang mga tauhan ng ikawalong prinsipe" hingal at nagmamadaling sabi ni Layla pagpasok niya

"Hindi man lang tayo sinabihan!" Inis na tugon niya habang natatarantang naghahanap ng mga susuotin ko

Hah

Gusto siguro nila na mapag-usapan ako na walang respeto sa mga bisita. Lame

"Layla, hayaan mo na ang mga yan at hanapin mo ang pinaka pangit na damit na meron ako" utos ko sabay upo sa harap ng salamin at sinimulan ang make-up ko.

Hindi na siya nagtanong pa at sinimulang maghalungkat sa mga damit ko.

Sa loob ng labinlimang minuto, nakabihis na ako. Inaayos na lang ni Layla ang buhok ko.

"Ang ganda niyo po! Ang bilis niyo ding nag-ayos ng mukha, pano niyo po ginawa yun lady e dalawang oras ang paglalagay ng mga pampaganda?" Manghang tanong ni Layla

Tinuro ko naman sa kanya ang mga ginamit ko. Mga gamit sa modernong panahon ang mga yun na kinuha ko sa unit ko kaya hindi na ako nagtaka nung mas lalong naguluhan si Layla

"Ano po ang mga yan?" Tanong niya

"moisturizer, powder, primer, cream, blush, brow and eye liner, mascara at liptint, mga light lang ang ginamit ko dahil bata pa ako" natawa ako nung lumukot lalo yung mukha niya
"Basta make-up ang mga yan at ako lang ang merong ganyan" tumango naman siya

"Tapos na ba?" Tukoy ko sa buhok ko

"Lalagyan ko na lang po ng mga palamuti" sagot naman niya

"Huwag na, sapat na ang isang to" abot ko sa bulaklak na nasa harap ko"

"Ha? Ang ganda-ganda niyo po lady pero bakit wala man lang kayong kaala-alahas at ang pangit pa ng damit niyo?" Takang-takang tanong niya

"Malalaman mo din mamaya. Tara na" napabuga na lang siya ng hangin at sinundan ako palabas

Matinding inis naman ang sumalubong sa akin pagdating ko sa labas kung saan sila naghihintay. Bukod sa naka abot ako, maganda din ang hitsura ko kaya parang pinapatay na nila ako sa mga isipan nila

How do I know? their faces says it all

"Hmp. Ano ngayon? Parang basura naman ang damit niya" pagpaparinig ni Venice, ang bunsong anak ni tito. 13 pa lang siya e ang sama na ng ugali, mana sa nanay niyang si concubine Kelly

"Huwag niyo na siyang pansinin, mang-aagaw yan ng asawa, malandi yan" dagdag ng kambal niyang si Samantha na parehas niyang kasinlala

Hindi ko na lang sila pinansin kaya mas nangati sila sa galit. Hahablutin sana si Samantha ang buhok ko pero pinigilan siya si Akira

Naalala ko nanaman kagabi. Pahiyang-pahiya si Akira sa harap ng madaming tao sa banquet kasi buong akala niya e siya ang ipapakasal sa prinsipe. Pinagtawanan siya ng karamihan na kahit minsan ay hindi niya naranasan kaya buong gabi ay tahimik siyang nagagalit. Panay din ang tingin ng ina niya sa akin ng masama kabilang na si tito.

"Pagpasensyahan mo na ang mga pinsan mo ha, bata pa lang kasi sila e" Kunwaring malambing na tono niya sabay ngiti ng matamis pero hindi man lang niya tinago ang tuwa niya sa pang-aapi nila sa akin

"Ayos lang, hindi kasi nila alam na ako talaga ang orihinal na mapapangasawa ni Xuan at ikaw ang mang-aagaw" ngiti ko din

Natawa na lang ako sa loob-looban ko ng naging peke ang ang ngiti niya. Namumula din siya sa galit pero pinipigilan niya ang sarili niya.

Tignan natin kung hanggang kelan mo mapanghahawakan yang pagkukunwari mo

Umalis siya sa harapan ko na siya namang pagdating ng mga magagarang karwahe. Ito na siguro yun

Tumigil nga ito sa harap namin at bumaba ang isang medyo may katandaang babae na siya naman sinalubong nina tito

"Hindi namin inaasahan na dadating kayo ng ganito kaaga kaya pagpasensyahan niyo na hindi kami nakapaghanda ng maayos" bati ni tita Wynona, mga sinungaling. Kanina pa kayo handa

"Ayos lang, hindi din ako magtatagal. Nasaan na ang lady Serafina niyo" walang expresyong tugon niya sa kanila

Lumapit naman ako sa kinaroroonan nila at nagpakilala. Napadako at napa-iling siya sa suot ko, halata ang pagka diskontento sa mukha niya at nagulat na lang sila nung bigla siyang sumigaw

"Totoo nga ang usap-usapang minamaltrato niyo ang lady niyo! Hindi niyo man lang siya mabigyan ng maayos na damit samantalang ang mga sainyo e sobra sobra ang mga palamuti!"

Hindi na nagawang gumawa ng kwento sina tito dahil galit na galit ang babae

"Patawad po Mrs. Suni, hindi na namin yun uulitin" pagluluhod na lang nila

Kinindatan ko naman si Layla na ngumiti ng malapad bago ko nilapitan si Mrs. Suni at hinawakan sa braso

"Ayos lang po ako sa ganito, sanay na po ako. Huwag niyo na po silang pagalitan" mahinhin kong pakiusap sa kanya na ikinatigil niya

Hinarap niya ako at hinawakan sa kamay habang bakas ang awa sa mukha niya. "Totoo ngang mabait kang bata. Ang sabi ng mahal na prinsipe, kahit hindi pa kayo kasal ay maari ka ng tawaging prinsesa" sabi niya na ikinagulat ng lahat pati na ako

"Maraming salamat po at paki sabi na din po ang pasasalamat ko kay Xuan" pagyuko ko ng bahagya

Ngumiti naman siya at pinisil ang kanang kamay ko. "Ibigay niyo ang listahan ng mga regalo sa pamilya ng prinsesa" utos niya sa mga tauhang kasama niya at sumenyas din siyang ilabas na nila ang mga yun

Binasa nina tito ang nakasulat sa papel at halata ang gulat sa mga pagmumukha nila. May halo ding kakaibang expresyon ang mga mukha nila

"Basahin mo ng malakas" sabi ni Mrs. Suni. Ayaw sana ni tito pero binigyan siya ng pamatay na tingin ng katabi ko kaya wala na siyang nagawa kundi basahin ito ng malakas

"Tatlong Tinapay, isang pares na manok, dalawang kilong karne ng baboy, apat na kilong bigas, isang table wine, kalahating sukat na asukal at asin, dahon ng tsaa at dalawang kaldero." Hiyang-hiyang banggit ni tito

"Yan ang para sa pamilya niyo" humarap naman ulit siya sa mga tauhang kasama niya "Ilabas ang para sa mahal na prinsesa" sigaw niya

"Ano!? Sariling regalo? Sinong gumawa ng batas na yan!?" Windang na reklamo ng pamilya ni tito habang sila ay nagkakagulo

Humarap ulit siya sa akin at iniabot ang isa pang listahan "Ang sabi ng prinsipe, sapat na ang mga naibigay sa pamilyang Lu na regalo upang bayaran ang pagpapalaki nila sayo at ito daw ang para saiyo"

"West Sea Legendary Luminous Pearl, Glass Jadeite necklace, 9 na Dragon Jade Cup, Topaz Budda hand vase, Malachite Landscape table, Coral Pixiu Box, 10 na pares na Gray Jade Chrysanthemum clasp, 10 na pares na Rose Crystal clasp, 8 na pares na Butterfly Tussel clasp, 8 na pares na White Peacock clasp, 5 pares na Colorful Emerald clasp, 5 na pares na Pure Ruby clasp, 6 na pares na Gold Bell bracelet, 6 na pares na Glaze Jade bracelet, 6 na pares na pure Gold Line bracelet, 6 na pares na White Jade bracelet, 1 set ng alahas na gawa ng persyan,10 na tindahan sa kapital, 5 na lupain sa labas ng lungsod, 1 mansyon sa Balor street, 200,000 na silver at 100,000 na ginto."

"Ang mga ito ay para lang sayo prinsesa" tugon niya matapos isa-isahin ang mga regalo

Reincarnation of the AssassinWhere stories live. Discover now