Chapter 7

3.4K 213 115
                                    

Pagpasok namin sa bentahan ng mga tao, sumalubong sa amin ang karumaldumal na pananaw. Naabutan namin ang pagpugot sa isang alipin dahil lang ayaw niyang sumunod sa taong bumili sa kanya. Hinayaan kong makita yun ni Layla para maintindihan niya na hindi lahat ng tao ay mabait at nadadaan sa pakiusap.

Napabuntong hininga ako

Hindi niya kaya. Kahit mas kalmado na yung reaksyon niya ngayon kesa kanina, hindi niya pa rin mapigilan yung panginginig niya kaya hinawakan ko yung kamay niya sa pagpasok.

Hayy

Given the circumstances, I think I'll be the only one doing the job

“Lady ano pong hanap niyo? Nasa amin na ang lahat ng klase. Nag-iisa lang po kasi kaming bilihan ng mga alipin dito sa bansang Shones” Unang tingin pa lang halata mo nang hindi siya mabuting tao kaya binigyan ko siya ng malamig na titig na nagpahina sa loob niya.

“Ilan lahat ang alipin mo dito?” Tanong ko

“Bale dalawang daan at dalawamput dalawa na lang ang natira”

“Ilabas niyo silang lahat. Susuriin ko ang mga tinda niyo.”

Sa tuwa ng may-ari, sinara niya ang tindahan niya para kami lang ang asikasuhin niya. Dinala niya din kami sa pinakamalawak na parte ng shop niya at inisa-isang pinalabas ang mga alipin nila na may gapos sa kamay at paa

Nagsimula ako sa pinakadulo. Magkakadugtong ang mga lubid na nasa kanila at may mga nakadikit ding numero sa mga katawan nila para madaling tukuyin kung sino-sino ang pipiliin. Inisa-isa ko silang tinignan, nasa likod ko lang sina Layla at yung lalaking may-ari na nagsalita lang nung matapos kong suriin ang lahat.

“Bukod sa tatlumpong tao na sinulat ko sa papel na ito, magkano lahat?” nagulat yung may-ari sa tanong ko na tinawag niya agad ang isa sa mga tauhan niya at pinagkuwenta

“Isang libo at tatlong daan lahat lady” Nakangisi niyang sagot habang pinagki-kiskis ang mga palad niya.

“Ayusin niyo muna ang mga pinamili ko bago ko kayo bayaran. Alisin niyo ang mga taong ayaw ko.” I commanded them with such authority that even without any command from their superior, they did everything as I told them to do.

Nang natapos na ang lahat ay bumalik sa harap ko yung lalaki ng may pagkalawak-lawak na ngiti. Nasa tabi niya din ang labing-isa niyang mga tauhan na tuwang-tuwa sa benta nila. Humakbang ako palapit sa kanya

“Iaabot ko sayo tong pera na ito pero sinasabi ko sayo, kapag inulit mong dumukot ng mga inosenteng tao at pinagbenta sa maruming selda na ito, ako mismo ang gigiit sa leeg mo ng dahan-dahan at ilalantad ko ang hubo’t-hubad mong katawan sa publiko habang linalatigo. Idadamay ko din lahat ng taong kasabuwat mo at lahat ng taong malapit sayo. Gagawin ko ang mga yun hanggang sa pipiliin niyo ang mamatay kaysa magdusa pero hindi ko iyon ititigil hanggat gusto ko. Naintindihan mo?”

Dumugo yung ilong niya sa takot at naestatwa kaya hindi siya nakasagot agad. Nanginginig din silang lahat at naririnig ang pangangatal ng mga ngipin nila sa katahimikan.

May gana silang gumawa ng masama pero takot silang maparusahan? Naikuyom ko yung mga palad ko at napamura sa utak ko. Sa inis ko dahil tulala pa rin sila sa harap ko, sumigaw ako ng pagalit na nagpabalik sa kanila sa realidad.

“Opo lady opo lady” paulit-ulit at sabay-sabay nilang bigkas habang nakaluhod

“Huwag na huwag niyo akong pagtangkahang lokohin dahil matalas ang obserbasyon ko. Kung hindi niyo napansin agad, lahat ng mga hindi ko binili ay mga kriminal na nagkasala ng mabigat. Layla tara na, hawakan mo yung dulo ng lubid ng mga taong binili natin”

Tsk. I’ve been really emotional. Emperor knows what I am going through so he keeps quiet and Layla, even though she does not know, I can feel that she empathize with me because instead of showing fear, she was showing pity.

Nakagat ko yung labi ko habang palabas. Naluluha na kasi ako, naalala ko yung mga nangyari sa akin noon. Isang tatlong-taong gulang na bata na nakaranas ng hindi makataong pagdurusa sa loob ng dalawang taon dahil lang sa pera na makukuha ng mga nagbebenta sa kanya. Nung nabili na siya mas lalong lumala yung buhay niya, pinilit siyang gawing armas sa pagpatay at hindi man lang nakaranas ng totoong kasiyahan dahil hindi niya hawak ang buhay niya.

Pinakalma ko ang sarili ko. Tapos na ang mga yun Serafina. It’s time to do the right thing and do things right.

Nang makalabas na kami, dinala ko sila sa malawak na field at tinanggal ang mga gapos nila, pinalinya ko din sila ng pahalang. Walang nagtangkang tumakas dahil nasaksihan nila ang pangyayari kanina.

“Layla, bigyan mo sila ng tig-iisa sa mga supot na ito”

Nang matapos yun, pinaupo ko muna si Layla at ako naman ang tumayo. “May lamang tig 50 na ginto ang mga supot na yan. Manatili lahat ng mga may gustong manatili sa tabi ko, hindi ko kayo pipilitin. Lahat ng mga nais umalis, pinapalaya ko kayo. Bumalik kayo sa mga pinanggalingan niyo o kaya’y simulan niyo ang mga bagong bahagi ng buhay niyo.”

Isang minutong katahimikan bago nagsi-iyakan at nagdiwang ang mga nasa harap namin, yumuko muna sila sa akin at nagpasalamat ng paulit-ulit bago isa-isang umalis. Sa isang daan at siyamnapu’t dalawang tao kanina, limampu na lang ang natira. Dalawampung lalaki at tatlumpong babae, ang pinakabata ay nasa edad na labinlima at ang pinakamatanda ay nasa bente singko.

Nagpakilala ako bilang pamangking babae ng Prime Minister, nagulat ang mga may kilala sa akin dahil hindi nila inakala na ang usap-usapang baliw na babae ay makakaya ang mga ginawa ko kanina. Pinangalanan ko din silang lahat, kinilala at pinalista kay Layla yung mga detalye ng pagkatao nila para pag-aralan niya.

At dahil hindi ko muna sila pwedeng dalhin sa mansyon ng Prime Minister, pinapunta ko muna silang lahat sa Herbs Cottage ko para tumulong sa mga gawain. Mas maganda dun dahil makakapagpahinga at makakakain sila kung kelan nila gusto.

Reincarnation of the AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon