Chapter 9

2.7K 175 10
                                    

Xuan's POV

"Xuan" bigkas niya na nagpabigla sa akin. Walang sinuman ang tumawag sa pangalan ko ng deretso bukod sa ina at ama dahil nakakairita pag naririnig ko ito sa iba. Pero ngayong nanggagaling ito sa kanya, masarap siyang pakinggan kaya napangiti ako.

"Xuan nasaan tayo? Ang ganda dito" mahinahon niyang tanong

"Nasa Moon Gazing Pavillion tayo, pag-aari ko to"

"Ah" maiksing sagot niya at tahimik na pinagpatuloy ang pagmamasid sa mga nasa paligid.

Pinagmasdan ko siya. Nung una ko siyang nakita sa kagubatan non tumatak agad sa isipan ko yung ganda niya. Hindi niya din sinubukang itapon yung sarili niya sa akin non na kagaya ng ibang mga babae at kalmado siya sa presensya ng mga sundalong may armas.

Napakagaling din niya sa larangan ng medisina. Kakaiba at epektibo ang paraan ng pag gamot niya. Yung natamo kong sugat noon ay aabutin ng apat na araw bago magamot ng imperial physician pero natapos niya lang sa loob ng ilang oras.

Malakas din siya. Malakas siya para sa hitsura niya. Hindi mo aakalain na kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya sa kapahamakan.

Ngunit sa kabila ng pinapakita niya, kahit nakikipagbiruan pa siya non, may iba sa kanya. Katulad ngayon, kahit mapayapa ang hitsura niya, nakikita ko ang labis na kalungkutan sa kaniya. Kahit na panay ang ngiti at tawa niya kanina, hindi nakalagpas sa akin ang kalungkutan na tinatago niya. At nasa mata niya lahat ng yun.

Napakamisteryoso niya at may nagtutulak sa akin na pawiin ang bumabalot sa kanyang problema. Ngayon lang din ako nakaramdam ng ganito para sa isang babae at ikinatutuwa ko ito sa hindi ko maintindihang dahilan.

"May dumi pa din ba ako sa mukha?" Nakakunot noo niyang tanong sa akin

Napangisi ako sa sarili ko, kanina pa pala ako nakatitig sa kanya ng hindi ko namamalayan at ang layo na niya sa akin.

Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan. Umatras naman siya ng umatras hanggang sa wala na siyang aatrasan. Tumingin siya sa likod niya, may balak atang tumalon pero napalabi nung naalala niyang tubig yung babagsakan niya. Kinulong ko siya sa bisig ko at napangiti nung yumuko siya ng namumula

Ang ganda niya talaga.

"Hindi ako natatakot sayo ha" sus
natawa naman ako dahil nautal-utal siya. Ang cute. Nangunot nanaman yung noo niya dahil sa reaksyon ko at tiningala ako para sana sumbatan pero tumigil ata sa pagtibok yung puso ko nung nagkatitigan kami. Hindi niya din naituloy yung sasabihin niya dahil nalunod kami sa titig ng isa't-isa.

Nakadikit na din pala ang mga katawan namin at hindi ko alam pero bigla ko na lang nilagay yung mga kamay ko sa likod niya at dahan-dahang yumuko para halikan siya. Hinintay kong itulak niya ako pero hindi na ako nakapag-isip ng maayos nung naglapat ang mga labi namin ng hindi siya nagpumiglas. Nahalikan ko siya, dahan-dahan lang sa umpisa hanggang sa dumiin, naramdaman ko din ang mga braso niya sa leeg ko kaya mas niyakap ko pa siya palapit sa akin habang tinutuloy ang halik.

Matapos ang ilang minuto ako din ang tumapos, niyakap ko muna siya ng mahigpit at binigyan ng isa pang mabilis na halik sa labi bago kumawala sa yakap pero hindi ko binitawan ang mga kamay niya.

"Serafina, hayaan mong mahalin kita" tapat at buong puso kong sabi sa kanya

Umapaw naman ang saya ko nung dahan-dahan siyang tumango. May pagdadalawang isip pa siya pero sisiguraduhin kong mawawala din ang mga iyon.

Serafina's POV

Hindi ko alam kung pano kami nakabalik dito sa banquet matapos ang nangyari kanina. Ang naalala ko lang kasi e yung tuwang-tuwang prinsipe dahil pumayag ako

Sa tutuusin sobrang bilis nung pag aminan namin kanina, sa pangalawang beses na pagkikita namin naghalikan na kami. Ang normal kasi para sa akin ay makalipas ang dalawang buwan na ligawan bago pwedeng mangyari ang mga yun pero ganito talaga ang normal sa mundong ito kaya pumayag ako

Normal nga din sa mga tao dito na ang unang beses nilang pagkikita ay sa kasal nila. Pwede ring ipakasal ka sa taong hindi mo gusto para lang masiguro ang posisyon ng pamilya mo sa komunidad.

Sa panig ko, hindi lang ito ang rason. Ang totoo niyan nagustuhan ko si Xuan sa unang pagkakakilala pa lang namin. At sa mga kilos at sinabi niya kanina sa akin, napatunayan niyang karapat-dapat siyang bigyan ng pagkakataon.

Alam ko din na tunay ang nararamdaman niya para sa akin dahil nagpakatotoo siya at mahahalata sa kilos niya na iniingatan niya ako.

Isa pa, gusto kong magmahal at maranasang mamahal ng taong pwede kong makasama habang buhay. Isa ito sa mga pangarap ko noon.
Iba ang kay Layla dahil ikakasal din siya balang araw at magkakahiwalay din kami kapag may pamilya na siya. Nakakalungkot isipin pero ganon talaga.

At kesa ikasal ako sa hindi ko gusto, kay Xuan na lang ako. Malakas din kasi ang pakiramdam ko na matutulungan niya at mapapasaya niya ako.

"Lady dito po kayo umupo. Magsisimula na ang pangunahing pangyayari ng kasiyahan"

Naguluhan naman ako "Ano ba yun?"

"Magbibigay po ng presentasyon ang mga babaeng anak ng mga opisyales ng hari para sa selebrasyon" sagot ni Layla "pero bukod po dun, gusto lang nila na mapansin ng hari ang talento ng mga anak nila sa pag-asang ipakasal sila sa kahit sinong prinsipe" bulong niya

Realization hit me.

Oo nga pala prinsipe si Xuan. Nakaramdam naman ako ng konting kirot pero hinayaan ko na lang.

Nagsimula na ang mga presentasyon at may mga umawit, sumayaw, tumugtog ng mga instrumento, gumawa ng tula at pati nagpakita ng galing sa pananahi.

Kung magsasabi ako ng totoo, magagaling ang mga babae sa panahong ito. Nakakabilib ang mga talento nila dahil bata pa lang ay sinimulan na nilang hasain ang mga kasanayan nila.

"At ngayon naman, palakpakan natin ang unang anak ng Prime Minister Lu na si Akira Lu sa kanyang Goddess Dance!"

Naghiyawan ang mga tao. Halatang papular ang anak ng tita ko dahil sa ganda niya at talento sa pagsasayaw at pag tugtog ng zither. Siya ang isa sa mga ipinagmamalaki ng tito ko.

Hindi kagaya nina Diane, palihim kumilos si Akira. Ginagamit niya ang ibang tao para sa mga masasamang plano niya upang hindi masira ang reputasyon niya kung sakali mang mabunyag ang mga ito. Kung sakali mang umamin ang mga utusan niya, walang naniniwala sa kanila dahil sa 'malinis' na pangalan niya. Iisipin lang ng mga tao na naninirang-puri lang ang mga nagsasalita.

Sa lahat ng mga kaaway ko sa bahay ng Prime Minister, siya siguro ang pinakamahirap patumbahin pero hindi ako nababahala.

Madami akong pagpipilian kung paano siya patumbahin

Reincarnation of the AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon