Chapter 2

4.8K 232 41
                                    

Ugh. Ang sakit ng katawan ko. Para akong binugbog ng paulit-ulit. Ang hirap bumangon. Naalala ko tuloy na ganitong-ganito rin yung lagi kong nararanasan tuwing natatapos yung training namin ni ama nung bata pa lang ako. Hindi ang tunay kong ama ang tinutukoy ko kundi ang taong kumupkop sa akin. Yun ang tawag ko sa kanya dahil yun ang kagustuhan niya. At ang training na sinasabi ko ay yung mga may kinalaman kung bakit ako naging isang kakila-kilabot na mamamatay tao. Tch. K.fine.

huh? wait a sec.

Akala ko ba namatay na ako sa sumabog na eroplano? Illusion? Technology? O bagong pakulo nanaman ni ama?

I looked around me, iba ang surrounding. Saan ito? Weird. Wala akong makitang bagay na modern. Though this place is not shabby looking, lahat kasi parang pang ancient or historical or whatever. Sa katunayan nga ang ganda. Ang peaceful ng nilalabas na aura.

I noticed my clothes too, iba na rin. Kagaya nito ang theme ng bahay. Yung upper part, neon pink crop top na long-sleeved at may black sleeveless top na lace. Yung lower part naman cream colored skirt na may cherry blossom design sa lower part na tinatakpan na yung doll shoes ko.

Ang ganda. Sa sobrang ganda ng silk dress na ito parang di bagay sa akin kasi nararapat lang ito sa isang maharlika. Grabe, ibang-iba talaga ito sa mga sinusuot ko na leathers, may extra baggage pa -- yung mga pamatay na armas. Tsk. Then again I was reminded.

Ano to?

Pumayat ata ako?

HOLY CRAP! ANO TO!?

This is not my body! How is this possible? Did they transplanted my brain into the head of someone else?

Oh no no.

It can't be it, wala kasi akong nararamdamang tahi sa ulo ko o ano mang side effect ng surgery na gaya sa normal.

Naglakad ako palapit sa malaking salamin at dun na ako tuluyang napasigaw.

"lady Serafina! bakit po?!"

Isang babaeng alalang-alala ang tumakbo malapit sa akin at tinago ako sa likod niya saka tumingin sa paligid na para bang may hinahanap. May hawak pa siyang mahabang vase na akala mo ipupukpok niya sa makikita niya.

Muntik pa nga akong matawa kasi nagtatapang-tapangan e todo kung manginig.

Aish. Focus

Pero lady? ako? napalinga-linga ako. Wala ng ibang tao rito kundi kami lang kaya ako ata talaga ang tinutukoy nito.

Nababaliw na ata ako.

Tumama ata ng malakas yung ulo ko sa bato kasi pakiramdam ko totoo itong kinalalagyan ko. Hindi rin ako mapakali kasi kilalang-kilala ko ang katawan ko at sigurado akong hindi akin 'tong nasa akin ngayon.

Argh. Nakahithit ata ako. This is impossible.

"Masakit po ba yung ulo nyo? Lalala po pag patuloy niyong kinakatok ng ganyan"

Hindi ko ulit siya sinagot. Pinagmasdan ko lang siya pero nakaramdam ako ng kirot sa bandang dibdib ko kaya napaiwas ako ng tingin.

Humarap ako sa salamin. Damn it. Napasigaw ako bigla kanina, which I don't normally do, kasi nagulat ako sa repleksyon ko. Yung mukha ko hindi na ata mukha sa dami ng pasa at sugat. May pasa rin ako sa kamay at hinala ko marami din sa braso.

And viola! Nung tinaas ko yung sleeves ko marami nga. Parang tunay naman. Tss. 'Di na ako nag abalang itaas yung skirt  ko kasi malamang meron din dun. Make up lang siguro to kasi kahit parang totoo dahil sa tindi ng sakit ng katawan ko, imposible na mabugbog ako ng ganito.

I looked around again for the hundredth time already. Maybe this is just some taping at napasama lang ako dito, accidentally? ugh ewan.

Kung ganon masyado naman ata nilang sineseryoso tong role nila. Gusto ko ng bumalik sa bahay ko para makapagpahinga. Pagod na pagod na talaga ako

"maghanap kayo ng ibang lead kasi ayoko to, I need some rest" I do killing not acting. Though umaarte rin ako sa mga missions ko kapag kinakailangan, I don't do these things such as being watched and idolized on TV.

"po? ano pong ibig nyong sabihin lady? anong lead?"

I just gave her a 'seriously?' look pero 'di niya ata nagets kasi takang-taka e. Nagmamaang-maangan? Nevermind. Dumeretso ako sa pintuan, at binuksan ang pinto para makalayas na pero natulala ako sa nakikita ko. Nung umihip ang hangin, nagsayawan ang mga dahon sa puno. Some petals of flowers even showered me and they have great fragrance.

One word to describe "WOW"

"you" tinuro ko yung babae, "nananaginip ba ako?"

"hindi po lady" confirmed.

Napabuga ako ng hangin sa pagkakontento. It really is real.

A moment ago, I just saw a paradise. Something you will never see in the 21st century.

The thing I was denying earlier was true.

I was given a second chance to live, and in this body. At hindi ako tanga para hindi malaman na namatay ang tunay na may ari ng katawan na ito dahil sa mga bugbog na natamo nya. Now I should make my life right. Her life was also miserable and her situation now proved it. Whoever you are, I'll make them pay for what they did to you.

Though it's hard to accept this fact, it's not impossible for me to take it in. Infact I had always believed in fantasy and miracles and then this happened to me, I'm so glad.

Bumalik ako sa kama nya,
rather kama ko. I'll claim it now, her identity I mean. Then I motioned the servant girl, basing from her clothes, I knew she was a servant, to come closer to me. Kailangan ko ng impormasyon kasi kahit anong pilit ko, wala akong mapiga sa alaala ng taong ito. Para bang naging back to zero siya, ang kaibahan nga lang lahat ng alaala ko naririto pa.

Habang nakaupo ako sa kama, siya naman nakatayo malapit sa pwesto ko. Tinitigan ko lang siya hanggang nailang.

"fill me in. sino ako?"

A look of terror flashed on her face and then she started to cry. Gusto niya ata akong yakapin pero nag-aalinlangan siya dahil sa mga pasa ko

This person might be 'this' person's own attendant kaya ganon na lang ang reaksyon nya. May pinagsamahan ata sila pero mahirap na ang magtiwala. Kailangan ko munang alamin kung tapat ba talaga siya sa akin bago ko siya tanggapin.

"lady sorry po nawala ang memorya niyo dahil sa pambubugbog ng tauhan nina lady Diana" nautal-utal nyang sagot
"at hindi ko sila napigilan dahil nahuli ako ng dating, patawad po lady" lumuhod na siya ng tuluyan

Nabugbog nga talaga ako. ugh damn it. I'll make them pay big-time. Ipaparamdam ko sa inyo ang pakiramdam ng mabahala para sa buhay niyo.

Feel the wrath of the most wanted assassin in the world.

Reincarnation of the AssassinWhere stories live. Discover now