Chapter 01

16 5 0
                                    

R01 - FIRST ENCOUNTER

Dominic's POV

"Alam mo bang mamahalin lalo na't branded 'to, ha tanda?!" galit na tanong ni Casey sa may edad na babaeng nagtitinda ng mga barbeque.

"Paumanhin po talaga," sabi ng matanda at pupunasan sana siya ng kaniyang pamunas nang hinampas ni Casey ang kaniyang kamay. Inis na inis si Casey habang sinusubukan tanggalin ang sauce sa kaniyang blouse. Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang balikat niya, "Cas, bilan nalang kita ng damit?"

Ngumiti siya sa'kin ng matamis at hinawakan ang kamay ko, "hindi mo naman kasalanan pero kung iyan ang gusto mo, edi sige."

Kung kanina ay napakasama niya sa matanda ay parang maamo na siyang pusa kung sa akin. Ganito ang mga babaeng nirereto ni mom sa'kin, pera ang habol hindi ang pagmamahal. We left the barbeque place after I paid for the food. That just gave me the sign that this woman is only committed for my money and not for what love I got.

Kaya rin kami nandito sa barbeque-an ay dahil gusto ko. Hilig ko talaga kumain ng mga street food kahit na nagt'trabaho ako sa isang mayamang kumpanya, hindi gaya ng mga alam ng nakakarami na ang mayayaman daw ay kumakain sa mga four to five star restaurants. Mukhang hindi talaga pwede si Casey sa ganitong kainan, kaya umalis na kami.

Karaniwang kumakain kami sa mamahaling restaurant na sinabi ni Casey sa'kin na masarap daw ang mga luto. Pero kung tatanungin ako ay lasang fast food at matanda na ang ginamit na mantika, oonte ang laman, at mostly processed food. Kanina pa tanong ng tanong si Casey, lalo na ang trabaho ko at kung gaano karami ang nakukuha kong pera.

"Cas, let's do this next time." Sabi ko habang nakatutok sa phone. Casey gave me a childish pout and figuratively whines, "pero may tatanungin pa'ko, Dominic."

I pushed a smile and got up, "kailangan ko na talagang umalis at huwag ka mag-alala, ako na ang magbabayad."

Ngumiti siya nang matamis at tumango-tango nalang dahil baka magbago pa ang isip ko na hindi bayaran ang pagkain kung ayaw niya pa umalis kami. Kinulit pa ako ni Casey na ihatid siya, pero dahil pinilit ko na ayoko na may kasamang palusot ay hinayaan niya nalang ako.

Nang nakaalis na'ko ay tumungo na'kong parking lot pero may nakita akong nagkakaguluhan sa daanan. Isang matandang babae at siguro kaedad kong lalaki. Malapit ito sa kotse ko kaya naririnig ko ang pinag-aawayan nila.

"Old hag, do you know what you've done?! This car is expensive, even though you sell your sluggish body!" galit na galit ang binata sakaniya. Pinagtitinginan na sila ng mga taong dumadaan dahil open parking lot ito. Ako sana ang makikiusyoso nang may nauna na sa'kin. Humarap ito sa binata para harangan ang matanda.

"Kuya, ako nalang po magbabayad, huwag n'yo nang patulan ang nakakatanda." Sinabi naman ng lalaki kung magkano ang pagpapagawa at agad naman binigay ng babae ang isang pahabang sobre, mukhang naglalaman ito ng pera. Walang nagawa ang lalaki at umalis na lang.

Nakita ko rin na nagpapasalamat ng marami ang matanda sakaniya, at ngiti lang ang ginawa ng babae. Tinulungan pa ng babae ang nagkalat na mga prutas sa cart ni lola at itinulak pa ito. Sa gawi ko sila tumungo dahilan magbangga ang tingin namin. Siya pa ang unang nagbitaw ng tingin. Ako itong tinitignan parin siya hanggang sa makalayo, I just noticed she got a hour-glass shaped body. Gotta admit, It's a catch.

Tsaka ko lang namalayan na tumutunog ang aking phone at si mom ang tumatawag. Sinagot ko ito, "hello, mom?"

"Dom anak, kamusta date nyo ni Casey?"

"Ayos naman mom, pero hindi ko siya gusto," sagot ko ng deretsohan habang paalis na'ko ng restaurant. Hindi dahil sa choosy ako pero parang ganun na nga.

"Bakit? Mukha siyang conservative! Time is ticking, kailangan mo na ng mapapangasawa, anak!"

Isa pa kung bakit nangingielam si mom sa love life ko ay dahil gusto niya nang makita ang mga apo bago siya pumanaw o sumakabilang buhay. Time is ticking daw, ginawa pa kong babae na parang malapit na magmenopause. Napahinga ako ng malalim, "mom, kung alam mo lang kung paano siya nagalit sa maliit na bagay."

"Syempre babae, bakit ako? Nung nagkamali si dad mo sa paglagay ng diaper mo noong baby ka ay nagalit ako sakan'ya ng sobra!"

Natawa ako dahil hanggang ngayon binabalik niya ang pag-alaga nila sa'kin noong bata pa ako. Dahil siguro miss na ni mom si dad, nabawian kasi siya ng buhay noong naggraduate ako ng highschool kaya memorable talaga sa'min yun. I said, "mom, basta ayoko nang sino-sino nirereto mo. Pauwi na pala ako mom, may gusto ka bang ipabili?"

Buti naman at nag-iba na ang topic. Ayoko talagang pag-usapan ang love life ko gayon narin pagsabihan ni mom dahil napakachoosy ko sa mga babae. Sa paningin ko ay mahirap maghanap ng babaeng hindi habol ay pera. Pero yung babaeng nakita ko sa parking lot, nakaagaw talaga siya ng atensyon ko kaya sana makita ko siya muli.

"Oo pala Dom, may pumalit na kay auntie kaya pwede na siyang umuwi sakanila."

Si auntie Nena na katulong namin sa loob ng sampong taon ang sinasabi ni mom, matanda narin kasi siya at mahina na talaga. Malapit-lapit sa'min yun dahil narin siya ang tumagal sa bahay namin. Hindi 'man lang ako hinintay at bigyan siya ng pasasalamat gaya ng damit na pinaglumaan o pasalubong man' lang para sa mga anak. Malungkot akong nagsabi, "ganun ba, mom? Pakisabi sakaniya mom, na mag-ingat siya sa pag-uwi."

Katapos ng usap namin ay pinatay ko na ang tawag dahil sa malapit narin ako sa bahay. Binuksan ng gardener ang gate, at pinasok ko na ang kotse sa garahe. Nagpasalamat ako sakanya at pumasok na ako sa loob ng bahay, bit-bit ang pinabili ni mom na pagkain. Inilapag ko 'to sa lamesa ng kusina, tutungo na sana ako sa taas sa kwarto ko nang tawagin ako ni mom sa salas.

Tumungo ako duon at binigyan siya ng halik sa pisngi. Laking ngiti ang isinalubong sa'kin, at napansin ko rin na may kausap si mom na nakaupo sa kabilang solo-sofa sa harapan ng inuupuan niya. Tinignan ko kung sino para mag-greet ako pero napigilan ako dahil pamilyar ang kaniyang mukha. Siya yung babaeng tumulong sa matanda kanina sa parking lot.

"Anak, si Melle ang bago nating katulong," pagpapakilala ni mom sakaniya. Ngumiti si Melle sa'kin, tumayo ito at yumuko ng onte. Nang tinignan ko ang kabuuan ay may hugis talaga siya na kala mo boteng pepsi. Mom continued, "Melle hija, ito si Dominic. Ang nag-iisa kong anak."

"Gandang gabi po sa'yo," bati nito. Mahimbing ang boses niya na akala mong nakakaadik na musikong pampatulog. Hindi ko alam na nakanganga ako kaya agad akong umayos at ngumiti pabalik, "sa'yo rin."

Siya si Melle Hidalgo, mukhang manika ang dalawang mata at alagang-alaga ang moreno't makinis na balat, maayos pa ang pananamit dahil walang gusot-gusot, mukha rin siyang maamo at magalang na babae. Teka, ba't ko ba siya pinagmamasdan at iniisip ng ganito? Mukha tuloy akong tigang na lalaki.

RestlessWhere stories live. Discover now