Prologue

33 5 0
                                    

PROLOGUE

"Breaking news! Man and woman who seem to be married have been murdered inside their house. The neighborhood said-"

Napapigil ako sa panunuod nang may humawak sa'king kamay dahilan tingnan ko kung sino iyon. Walang iba kundi ang aking nakakabatang kapatid, halatang nilalamig siya dahil sa malakas na buhos ng ulan. Nilapit ko siya sa akin para yakapin at mabigyan 'man lang ng init kahit parehas kaming basang-basa dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan.

Habang naglalakad kami ay saktong nadaanan na'min ang Appliance Store at mismo news sa mga TV ang nagpatigil sa'min sa lakad. Ramdam ko ang panginginig ng kapatid ko kaya kumalas na ako para pagpatuloy na namin ang paglalakad.

"Tara maghanap ng masisilungan," sabi ko. Tumango siya habang yakap-yakap niya parin ako. Kasalukuyan kaming naglalakad ay napansin kong iniiwasan kami ng mga tao namay hawak na payong habang naglalakad, siguro dahil sa basa kami at mukhang pamunas ang aming damit. Nagpatuloy kaming maghanap hanggang sa napunta kami sa Children's Park at may slide na bahay-bahayan kaya napagdesisyunan kong duon kami sumilong.

Tinanggal namin ang basang-basa naming sweater, pinisil ko yun hanggang sa makakaya para madalian ang pagtuyo kahit papaano. Napansin kong natutulog na nakabaluktot ang aking kapatid, lumapit ako sakaniya para gawin niyang higaan ang aking hita. Inayos ko ang basa niyang buhok at para pagmasdan ang kaniyang malinis na mukha. Mukha talaga siyang giniginaw, huwag naman sana lagnatin.

Huminga ako ng malalim, "huwag kang mag-alala, Marko." Sumandal ako sa likod at hinaplos ang kaniyang braso. Naririnig parin namin ang bawat patak ng ulan sa loob nitong bahay-bahayan. Pinagpatuloy ko, "makakauwi rin tayo."

Ako pala si Melle Hidalgo, ang nag-iisang babaeng anak na nakakatanda sa nag-iisa kong kapatid na lalaki. Siya naman si Marko Hidalgo, dalawang oras ang pagitan namin at kami ay pinanganak na kambal. Sa edad naming labing dalawa ay mga anak ng mga mapang-abusong magulang.

"Ate," tawag sa'kin ni Marko dahilan tumingin ako sakaniya. Inayos niya ang buhok ko at inilagay sa likod ng aking teinga. Napapikit siya nang may tumulong ulan sakaniyang pisngi. Pinagpatuloy niya, "ayokong umuwi."

Nginitian ko siya at hinaplos ang kaniyang ulo. Napapikit siya dahil dito, napangiti narin. Tumingin naman ako sa labas at kita parin ang mga tao, at ang mga sasakyan sa malakas na buhos ng ulan. Sinabi ko, "ang uuwian natin simula ngayon ay siguradong ligtas at malayo sakanila."

We are twins, that means we are two, but we become one since we only have one goal.. that is to be happy.

DISCLAIMER

This is a work of fiction. All the names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Please, excuse my grammar, typos, errors, plot holes, bad way of writing, etc. I'm not a professional author. This book isn't publish to any websites nor sold to bookstores/online, originally written in Filipino mixed with English. This book also contains short chapters, violence, matured scenes, vulgar words, and so on about adult fiction. [R18+]

All Rights Reserved. © etearnal.

Started: June 28, 2020
Published: July 06, 2020
Republished: June 23, 2022
Finished:

RestlessWhere stories live. Discover now