Di ko mapigilang maitaas ang isa kong kilay, pasimple syang umismid at tumikhim. "Class, ako muna ang magtuturo sa inyo for the mean time, kasi namatay ang mga magulang ni rouge, he is still mourning, kaya ako muna."

Napaiwas ako ng tingin dahil habang nagsasalita sya patungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Rogue ay sa akin sya nakatingin. Did she know? Sinabi ba ni Rogue? Kuya's words last night echoed in my head. Is he blaming us now?

"Open your book on page three-hundred, beauty nakikinig ka ba?"

Napatingin ako sa kaniya, kunot noo ko naman syang tinanguan. Pasimple syang umirap. Nanadya ba sya? She wanted to embarrass me? Tsk.

"Sino kaya ang bumaril ano?"

"Oo nga eh, balita ko sindikato daw."

"Alam mo bang doon natulog si Joy kagabi?"

"Sa bahay ng rogue ko? Malandi talaga yang babaetang yan!"

"Ang sabi Mag M.U daw sila ni Rogue. "

"Wala na tayong pag-asa ang ganda ni joy eh."

Bulong bulungan nila. Inaamin kong may parte sa akin ang nasaktan pero may parte din sa akin ang nagsasabing wala akong karapatan. Kahit pa may asawa na si rogue ay dapat di ako masaktan dahil unang una sa lahat walang kami. Pangalawa, may atraso kami sa pamilya niya.

Napabuntong hininga nalang ako, nahuli kong nakatingin sa akin si Joy at ng makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay agad syang namula at nag-iwas ng tingin. Napa-iling nalang ako.

As usual ay papunta ako ngayon sa likood ng school building kung saan mayroong puno ng mangga. Ng madaanan ko ang hagdan papuntang rooftop ay basta nalang huminto ang mga paa ko. Wala sa sariling tiningnan ko ang hagdan.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at humakbang na papuntang hagdan, pero nasa ikalimang palapag pa lang ako ay agad akong natauhan. Bakit naman ako pupunta sa itaas? Huminga ako ng malalim at umikot na paalis,pero ganoon nalang ang gulat ko ng makita ko si rogue na nakatayo sa kasunod kong palapag.

Ngayon ay magkadikit na ang mga katawan namin, at dahil sa matangkad sya ay halos din magkadikit ang mga ilong namin, buti nalang at mabilis akong humakbang paitaas.

"W-what are you doing?!" Di ko maiwasang mapasigaw dahil sa kaba.

Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa at tiningnan ang bag kong nakasabit sa isa kong balikat.

"Kakain na ako. " simple niyang sagot.

Napalunok ako. "What I mean is.. bat nasa likuran kita!?"

"Kanina pa ako nasa likuran mo. I even called your name, Mukhang sobrang lalim ng iniisip mo kaya di mo napansin."

"T-tinawag mo ako?" Wala sa sariling sabi ko.

Nangunot naman ang noo niya at inilapit ang mukha sa akin. I bend backwards, bakit ba niya nilalapit ang mukha niya sa akin? Nanlaki ang mga mata ko ng ilapat niya ang likod ng palad niya sa noo at leeg ko.

"Wala ka namang lagnat, pero bakit ka namumula?"

Inalis ko ang kamay niyang nasa leeg ko at umatras ulit ng limang hakbang. "I am not sick, and please dont touch me!"

Nanatiling seryoso ang paraan niya kung paano ako tingnan, ibinalik niya ang mga kamay sa mga bulsa. "Gusto mo bang sumabay sa akin?"

"H-ha?"

Tiningnan niya ang daan sa likura ko, binaba niya ang mata niya sa suot kong school shoes, napatingin din ako doon. I am wearing a simple shoes, theres nothing on it. Kunot noo ko syang tiningnan. Magtatanong na sana ako ng unahan niya ako.

"Your wearing a shoes with heels. Paano ka umaakyat sa puno na suot ang mga iyan?" Kunot noo niyang sabi, na para bang ang laki laki ng problema niya.

"Hinuhubad ko ang sapatos at ang medyas ko, ro- Kuya rogue." Shit.

Huminga sya ng malalim. "Sumabay ka na sa akin, masyadong delikado ang pag-akyat mo sa puno, beauty. "

"Ok lang naman-"

"I am not fine with the idea of you climbing, beauty. Baka mahulog ka pa, at ano pa ang mangyari sayo, ano nalang ang sasabihin ng mga magulang mo? Sumabay ka nalang sa akin, mas safe sa rooftop, may kasama ka pa."

I was about to say no ng maglakad na sya at lampsan ako, ng tingnan ko sya ay tuloy tuloy lang ang lakad niya. Napangiwi nalang ako, pero di ko mapigilang mapangiti.

I let out a huge sigh before following him. Ng makarating na ako sa rooftop ay ganoon nalang ang gulat ko ng makita kong may mesa ang upuan dito, malinis at may sink pa. Wala sa sariling umupo ako sa upuan.

"I never knew that this place is clean." Mangahang sabi ko at saglit na tiningnan si kuya rogue na naghuhugas ng kamay sa sink.

"Ngayon ka lang nakapunta dito?" Takang tanong ni kuya rogue sa akin habang naglalakad na palapit sa akin galing sa sink.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumango. "Oo, ang sabi kasi nila, madumi daw dito."

Tumango naman sya at umupo na sa upuang kaharap ko. "Nung una kong punta dito, madumi nga pero nilisan ko para maging komportable ako habang kumakain dito."

Tiningnan ko sya habang nilalabas ko ang lunch box ko, habang sya naman ay binubuksan na ang plastik na lalagyan, kung di ako nagkakamali, ito ay isang lalagyan ng ice cream na nabibili sa presyong ninety-nine. Ang laman neto ay kamote at sawsawan.

Napalunok ako bago buksan ang lunch box ko, nagdadalawang isip pa ako bago ko binuksan ang lunchbox ko. Nakahinga ako ng malalim ng di man lang tingnan ni kuya rogue habang kumakain.

Nakakadalawang kagat palang ako ng magsalita sya. "Gusto mo?"

Tiningnan ko ang hawak niya. Ngumiti ako at tinanggap iyon. "Salamat."

Mukha naman syang sobrang na-amuse, napa-iling pa sya na para bang di sya makapaniwala. "Alam mo ba kung ano yan?"

Kumagat ako sa kamote at tumango. "Yes, kamote right?"

Mas lumawak pa ang ngisi niya. "Akala ko di mo alam."

Nangunot naman ang noo ko. "Bakit naman?"

"Wala.." natutuwa niya paring sabi at nilapit sa akin ang sawsawan. "Isawsa-"

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay sumawsaw na ako sa sawsawan. Kinagatan ko ng kunti ang parte ng kamote kung saan may tuyo na para malaman kung ok lang ba ang lasa, at ng matikaman ko ito ay mas ginanahan ako. Halos isawsaw ko pa ang kabuuan ng kamote bago ako ulit kumagat.

At ng tingnan ko si rogue ay nakangiti ito habang nakatingin sa akin.

"What?" Taas kilay kong tanong.

"Akala ko di ka kumakain ng ganyan."

"Well.." ngumuya ako. "Madalas kumakain ng ganito si paul kaya alam ko kung ano ito."

Tumaas naman ang isa niyang kilay. "Paul? Sinong paul?"

"Our.." saglit pa akong nag-isip. "My friend."

Binaba ni rogue ang mga mata niya sa kamoteng hawak niya. May binulong sya na di ko narinig. At ng tingnan niya ako ay mukha syang disappointed.

"Pero ngayon pa ako nakakain neto.." bigla kong sabi.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng ngumiti sya at kinagat pa niya ang pang-ibabang labi niya bago ako tiningnan. "Good."








________________________________________

Avisala, This is lady_assasin2004 and thank you for reading this chapter ,i hope you didnt get bored at sana hintayin niyo pa ang iba pang chapters hanggang sa matapos ang story na tu ,sana wag kayong mapagod sa kakahintay nang update ...heheheh

Dont forget to :
✔Vote
✔Share
✔Comment and;
Follow

Itutuloy pa ba?

Make Me Believe (ASHLEY 4) ☑Where stories live. Discover now