Kabanata 15

66 6 0
                                    

Drunk. Wasted. Wrecked. Three words to describe how messed I was last night.

"Thralaine! Get up now---Oh my God! What happened here?!" Mom screamed in shocked when she entered my room.

Iminulat ko ang mata ko at nakitang nakapamaywang na siya ngayon sa bungad ng pintuan.

"Thralaine! Get up now and look how messy your room is!" iritang sabi ni Mom.

Sinapo ko ang ulo dahil sobrang sakit nito.

"I told you not to go outside yesterday pero lumabas ka pa rin. Can't you skip parties just for once?! Goodness!" Tinampal niya ang noo niya.

Tamad akong bumangon at ibinaba ang skirt ng dress ko. Napatingin ako sa sapatos ko na hindi ko na natanggal.

"Darating ngayong umaga ang mga designers for your gown fitting. Just attend your afternoon classes for today. Nakausap ko na ang Dean."

"Kay... fine," napapaos na sabi ko habang tinatanggal ang strap ng stilettos ko.

"Look how wrecked you are!Fix yourself and get back to your senses now!" aniya at lumabas.

Umirap ako at bumalik sa pagkakadapa sa kama. Kinuha ko ang purse sa side table at nilabas ang phone ko. It's now 10 o'clock in the morning. I saw a few messages from friends and Mom. Bukod do'n wala na.

I checked my social media accounts and saw the trace of the party tagged on me. It reached thousand likes and comments lalo na 'yong live video ng body shot.

Pumikit ako nang mariin at ibinaba ang phone. Umahon ako sa kama at pumasok na ng banyo para mahimasmasan.

"Darating na ang mga relatives natin mamayang hapon kaya dumiretso ka dito after school. Don't be so stubborn Aine," paalala ni Mom habang nagsusukat ako ng gown.

"I know Mom. Don't worry. Nagkutawaan lang kami kagabi."

"Don't party too much Aine. I'm telling you."

Tumawa ako.

Ala una nang makarating ako sa school for my 2 pm class. Nahagip ng paningin ko si Ryland na nasa Library at nag aaral mag isa nang mapadaan ako. Itinulak ko ang glass door at dumiretso sa lamesa niya.

"Hi." Naghila ako ng upuan sa tapat niya.

Sinulyapan niya ako saglit bago itinuloy ang ginagawa.

"Did you have lunch?" kaswal na tanong ko.

"Mm." He nodded without looking.

Pinaglaruan ko ang mga kamay ko sa lamesa at kinagat ang labi.

"Uh... makakapunta ba sina Tita mamayang gabi?"

"Oo. Itext mo na lang ang address Aine."

Hindi pa rin niya ako tinitignan.

"Oh... okay. That's good then. Namimiss ko na rin makipagkwentuhan sa kanila." I smiled.

Hindi siya umimik.

"Lalo na kay Ryker. He's so cute. Kamukha mo." Tumawa ako.

Hindi pa rin siya nagsalita at seryoso lang sa ginagawa.

What's wrong with him?

"Ano'ng oras ang next class mo?" I chuckled nervously.

"Three."

"Ah..." Tumango ako. "I guess you're busy. Pati rin ba kagabi? Maraming customers?"

"Bakit?" he asked.

Where His Dream Began (Chasing Dreams Trilogy #1)Where stories live. Discover now