Kabanata 5

85 10 2
                                    

Kinabukasan tinanghali na naman ako ng gising pero ayos lang dahil linggo naman. Iniwan ko ang magulong kwarto ko at saka bumaba upang mag almusal.

I put my hair into a messy bun at saka binuksan ang ref. Kumuha ako ng fresh milk at nagsalin sa baso. Usually my parents aren't home kapag ganitong weekend so I'm planning to invite my friends dito sa mansyon.

"Pool party?" tanong ni Yara sa kabilang linya.

Siya ang tinawagan ko.

"Yeah," sabi ko bago uminom sa baso.

Tumalikod ako at umupo sa hapag.

"Well... not a bad idea. It's been a week since last swimming natin!" she said in excitement.

"Tell our friends."

"Right away Queen!" She chuckled.

Ibinaba ko ang cellphone at nagsimula nang kumain.

Pagkatapos kumain naisip ko si Ryland. Why not invite him? But it's sunday. Does he work on dayshift too?

I went to the veranda and dialled his number. Nag ri-ring lang ito at hindi niya sinasagot. Inulit ko pa pero gano'n pa rin so I texted him.

To: Ry

Pls. answer your phone.


Tinwagan ko ulit siya pero hindi niya talaga sinasagot so I decided to go to him.

I took a shower and wore a D&G white tube top paired with peach shorts. I let my long straight hair down. I also put some light make up and sprayed my chanel perfume all over my body. After I put on my black stilettos I grab my sling bag and my peach coat.

Pinuntahan ko siya sa store pero nagulat ako na iba ang nakaduty ro'n. It was the guy from last night.

"Ah... so graveyard pa rin siya kahit sunday?" I asked.

"Oo e. Puntahan mo na lang siya sa bahay nila Miss," nahihiyang sambit niya.

I smiled sweetly at him. "Okay. Thank you."

Dahil malapit lang rito ang bahay nila ay pinuntahan ko na. I parked my car infront of their old metal gate. Mula rito sa loob ay kita ang mga taong nakikiusyoso. 'Yung parang may artistang dumating.

I put on my wayfarer before I stepped out of the car. Nasa kanang balikat ko ang sling bag at nasa kaliwang braso ko naman ang coat. Pinasadahan agad ako ng tingin ng mga tao na nakatambay sa store at mga tricycle drivers mula ulo hanggang paa. I confidently walked towards the gate.

Dinungaw ko ang loob at tahol ng aso agad ang sumalubong sa akin. Napabaling sa akin ang isang babae na nasa 40's na ang siguro ang edad. Napahinto ito sa pagwawalis nang makita ako.

Lumapit ito sa gate pero hindi pa binuksan.

"Good morning!" I smiled. "I'm looking for Ryland po. Is he there, Po?" I said politely.

Binuksan niya ang gate at lumabas. Pinasadahan niya ako ng tingin bago nagsalita.

"Wala siya rito. Bakit?" she curiously asked.

"Oh? Where is he po?"

"Umuwi siya ng Lipa. Bakit? Sino ka ba? Anong kailangan mo sa kanya?"

Umuwi?

I smiled at the old woman.

"I'm Aine Fajardo po. I'm his friend. I'm actually here to invite him sana sa bahay pero..." I trailed off. "Anyways... kailan po siya babalik?"

Where His Dream Began (Chasing Dreams Trilogy #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat