Kabanata 1

38 14 6
                                    

Hellow mga kapatid sorry for I waited you for too long.

Enjoy Reading^^

***


Drady's POV


"You're welcomed mr. dope."

"You're welcomed mr. dope."

"You're welcomed mr. dope."

"You're welcomed mr. dope."

"You're welcomed mr. dope."'

"You're welcomed mr. dope."

Nakalunok ata ako ng earphones kasi pauli-ulit nag-eecho 'yong mga words na 'yan sa utak ko. Hayssstt bakit kasi ako inutusan ni mama e? Kung hindi niya ako inutusan hindi sana ako sasakay ng jeep, kung hindi sana ako sumakay ng jeep hindi ko sana nakausap 'yong bwesit na driver na 'yon. At kung hindi ako sumakay ng jeep hindi sana ako nahold-up, kung hindi ako na hold up hindi sana ako tinulungan ng poging 'yon.

Nakatulala ako dito habang kumakain kami sa sahig kasama sina Mama at Richin ng haponan at ang ulam namin ay bagoong na naman. Ginalaw ko lang 'yong pagkain gamit ang kutsara pero 'di ko sinubo 'la akong gana.

I took a deep breath. Lalaki ka Drady kaya umayos ka! Kahit gwapo 'yon. Tss, pero sayang naman 'yon ba't ba kasi ako naging lalaki e? sarap pumunta ng Thailand at doon manirahan kasi hindi mapanghusga mga tao doon.

Nagulat ako nang tinapik ako ni Richin sa balikat.

"Uy kuya, anong nangyari sayo hindi mo ginagalaw pagkain mo?" Tanong ni Richin, napatigil din si mama at tumingin sa akin.

"Anong hindi? Ano tingin mo sa ginagawa ko kangi." Sabi ko. Hindi ko daw ginalaw pagkain ano tingin niya sa ginagawa shini-shake ko nga e.

"Anong nagyari sayo Drady?" tanong ni Mama.

Umiling ako. "Wala...may quiz kami bukas may iniisip ako." Pagrarason ko sa kanila.

"Kumain ka na diyan para may laman 'yang utak mo bukas." Sabi ni mama. Kahit hindi ako kumain may laman talaga ulo ko.

Kinuha ko 'yong cellphone ko mula sa bulsa para tingnan kung anong oras na, 7:25 pm na pala buti hindi kami inabot ng 8 ngayong kumain kasi usually kumakain kami ng 6:30 tas matutulog na. 'Wag mong sabihin hindi rin ako makakatulog ngayon, tulad kahapon after kong umuwi galing sa palengke dahil sa kakaisip ni Kuya kong pogi.

Tumayo si Mama. "Bilisan niyong kumain diyan magpapahangin lang ako sa labas." Sabi niya. Pano kami matatapos ditong kumain, kung ang ulam mo ay bagoong idagdag mo pa 'yong lalaking pogi. Hays pahirap talaga pagganito sitwasyon ko hindi ako free na lumandi.

Kaming nalang dalawa ni Richin ang kumakain. Siguro magdi-diet muna ako para naman sumexy naman ako, lol!

"Huy kuya!" Siniko ako ng kapatid ko. "Siguro may crush ka ano?" pangungulit niya. Muntik na akong masuka, siguro buntis ako, charought...

Tiningnan ko siya. "Pa'no mo nasabi aber?" tanong ko.

She smirked, at huminto sa pagsubo ng pagkain. "Naku sinasabi ko sayo kuya, 'wag ka ng mangarap kuya hindi kayo talo at baka magalit si mama niyan pagnalaman niya 'yan." She said and continue eating.

"Wala akong crush no." pagdedeny ko.

Ngumisa siya na parang nakakaloka. "Talaga lang huh? Baka magka-HIV kang bakla ka."

"Aba't ang bastos ng batang 'to ah?" hahampasin ko na sana siya pero hindi ko na tinuloy.

"Sino ba kasi 'yan ibalato mo nalang sakin para yumaman tayo." Tiningnan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unforeseen Feelings (Bromance Series #1)Where stories live. Discover now