"Normal na sa kanila ni Soobin yun, what's new? they're always flirting" nakangising sabi ni Kleina. Seryuso parin ang mukha ni Nari kaya naging seryoso na rin siya.


"But, that's not Soobin" nagulat si Kleina sa narinig. What?


Tumayo naman si Nari at handa nang umalis at iwan si Kleina doon. Pero mabilis siyang nahawakan ni Kleina sa kamay.


"Wait....what? Who?" umiling naman si Nari, naisip niya ang pagbabanta ng dalawang yun kay Nari nang mapansin nila ang babaeng nanunuod sa kanila. Mahal niya pa ang buhay niya. Pero gusto niyang biglang clue ang kapatid ni Aphro, siya na ang bahalang umalam sino ang kasama ni Aphro habang may boyfriend na ito.


"Ikaw na ang dapat umalam non" at mabilis niyang tinanggal ang hawak ni Kleina sa kanya. Binuksan niya ang pinto at sumalobong doon ang limang lalaki. Dinaanan lang ni Nari sila at nagtungo sa cafeteria. Nagtataka naman sila Soobin bakit ganun si Nari habang si Beomgyu ay biglang inakbayan si Yeonjun at tinitignan itong tinutukso siya.


"Paano ba yan? Dinaanan ka lang oh HAHAHHAHA" binatukan niya naman si Beomgyu na natawa nang bahagya. Tinawag naman ni Taehyun si Kleina na nakatunganga lang habang may gulat sa mga mata nito. Tumungin muna sa gilid at sa kabila ang mga lalaki at pumasok sa loob at mabilis na pumasok.


"Hey what happen?" alalang tanong ni Soobin sa kanya. Lumapit naman sila sa babae habang may pag aalala. Kanina pa nila tinatawag ang babae pero parang wala ata ito sa realidad.


"Hey" nabalik nalang sa sarili si Kleina nang makaramdam siya nang pitik sa noo. Nakita niya si Taehyun at sinamaan ito ng tingin.


Sa masamang tingin nito ay napalitan nang awa nang tumingin ito kay Soobin. Nagtaka naman ang iba. Tinignan naman nila si Soobin and Kleina at napatakip naman ng bibig si Yeonjun.


"Wow. Wag mong sabihin na may gusto ka kay Soobin Kleina?" may mapaglaro itong ngiti habang nakatingin sa dalawa. Tinignan naman siya ni Soobin habang nakakunot ang noo. Bigla namang siyang pinalo ni Taehyun bandang tyan.


Yumuko naman si Kleina at huminga nang malalim at ngumiti sa kanila. Nagkatinginan naman ang mga lalaki at natawa naman si Beomgyu at bahagyang napalo si Kleina.


"Weird" sabi ng lalaki habang bahagyang natawa.


Nakita naman ni Taehyun ang isang jacket sa drawer ni Kleina. Kinuha niya ito.


"Kay Kai to diba?" takang tanong ni Taehyun at pinakita sa kanila. Napatingin naman ang lahat at bahagyang nanglaki ang mata ni Kai. Si Kleina naman na lalong nagulat, pinoproseso ang lahat. Tinignan niya si Kai na parang kinakabahan. Napapikit nalang siya nang maraan ng marealize ang nangyayari at sinamaan nang tingin ang lalaki.


Si Beomgyu naman na sumisipol ng mahina habang nakatingin kay Kai at Kleina. Sina Taehyun, Yeonjun, and Soobin na nakakunot ang noong nakatingin sa kanila. Nagtataka sila bakit galit makatingin si Kleina kay Kai.

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now